Unexpected 46

1K 22 6
                                    

NAPANGIWI ako at nasapo ang ulo nang imulat ko ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko at ang bahagyang pagkahilo. Ang bigat din ng katawan ko at tila nanunuyo ang lalamunan mo dahil sa uhaw.

Marahan kong inalis ang kumot sa katawan ko habang sapo ng kaliwang kamay ko ang sentido ko dahil kumikirot iyon. Tumihaya ako at muling pumikit. Pakiramdam ko hindi ko kayang bumangon dahil sa panghihina ng katawan ko. Napansin ko namang hindi pa rin nagbago ang suot ko.

Pilit kong inalala ang nangyari nang nagdaang gabi. Nalasing na naman ako at hindi ko na naman maalala ang lahat ng naganap. Ang huling naalala ko, lumabas kami ng bar habang isinisigaw ko ang pangalan ni Roven. Pagewang-gewang pa ko habang inaalalayan ni Melissa at Andrea.

Mariin akong napapikit at natampal ng marahan ang noo ko. Ano na naman bang pinagagawa mo, Miles? Hindi ko na naman nakontrol ang sarili ko sa pag-inom. Nagmulat ako at humarap sa puting kisame. Muling bumalik sa isip ko ang pag-uusap namin ni Roven at ang lahat ng sinabi niya. Bahagya akong natulala at kapagkuwa'y umiling ng ilang beses.

"Finally you're awake now."

Nakita ko si Zandy sa gilid na kama, bitbit ang isang tray na may lamang pagkain. Naamoy ko agad ang samyo niyon na lalong nagparamdam ng gutom sa akin.

"A-ano'ng nangyari, Zandy?" tanong ko sa kaniya. Marahan akong gumalaw at sumandal sa headboard ng kama.

Ngumiti si Zandy pero agad ding naging seryoso. "You need to eat first, Miles bago ka magtanong sa mga nangyari at sa mga ginawa mo," aniya. "Wait me here," aniya pa, saka umalis sa harap ko. Mayamaya pa'y dumating na rin si Zandy dala ang isang table in bed at ipinatong iyon sa kama. Doon niya inilagay ang mainit na noddles na kakaiba ang pagkakaluto niyon. "Pang-alis ng hangovers," aniya pa.

Saglit akong napatitig kay Zandy. Kumunot ang noo ko. Seryoso ba siya sa ginagawa niya? Bakit parang biglang bumait siya sa akin ngayon. Pinagluto niya ako ng noodles at inaasikaso. Malamang din na siya ang nag-alaga sa akin kagabi. Hindi ko alam pero may kung ano sa puso ko na nabuhay. May lumitaw na saya at ligaya sa kaibuturan ng puso ko.

"Titingin ka na lang ba riyan, Miles? Go, eat the noodles para guminhawa ang pakiramdam mo at bumalik ang lakas ng katawan mo," aniya na puno ng pag-aalala na tumatagos sa puso ko.

Nagatataka man sa inaakto ni Zandy, hindi na lang ako umimik. Marahan akong lumapit sa table at kinuha ang kutsara. Iniisip ko pa rin ang inaakto ni Zandy sa akin. Nagsimula na akong kumain.

"Ikaw, hindi ka kakain?" tanong ko.

Ngumiti si Zandy na parang nagpatigil sa mundo ko. A genuine smile na bihira kong makita sa kaniya. Para akong naging robot at hindi nakagalaw. Parang nagningning ang mga labi ni Zandy sa ngiting iyon.

"I'm ok, Miles just finish your food and take a shower para mabawasan ang hangover mo. Next time, if you want to drink, drink moderately. Mahirap iuwi ang lasing," paalala niya na bakas pa rin doon ang concern.

"Zandy...salamat," nahihiya kong sabi, saka yumuko dahil hindi ko rin naman kayang tingnan ang mga tingin niya.

"Sige, Just finish your food. Lalabas na ako ng silid." Tumayo si Zandy at nang akmang hahakbang na siya nang magsalita ako kaya hindi iyon natuloy.

"Nakausap ko si Roven, Zandy," simula ko. Hindi ko alam kung bakit naisip kong sabihin iyon sa kaniya. "And he told me, na bumalik siya para sa akin," pag-amin ko. Naramdaman ko na naman ang frustration at pagkagulo ng isip ko.

Dahan-dahang humarap si Zandy sa akin. "Why you say it to me, Miles?" seryosong tanong niya.

"I don't know, Zandy hindi ko rin alam kung bakit sinasabi ko ito sa iyo. Baka dahil parte ka ng nakaraan namin," dahilan ko.

Napangiti si Zandy. "Ang lokung iyon, may balak ka palang balikan." Suminghap siya. "Kaya ba naglasing ka kagabi dahil sa lalaking iyon? Miles, don't waste your tears and pain just for him, he's not worthy for your tears even for your attention." Bakas ang concern doon pero bakit nararamdaman ko rin ang inis sa boses niya?

Natigilan ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi ni Zandy.

"Ano, apektado ka pa rin sa pagbabalik niya? I just want to remind you one thing, Miles, he left you without his explanation at ngayon babalik siya sa buhay mo? Pag-isipan mo, Miles kung dapat mo pa ba siyang balikan."

Natulala ako hanggang sa makalabas na ng silid si Zandy. Mas lalo akong nagtaka sa inaakto niya at sa mga kilos na ipinapakita niya sa akin. Bakit biglang concern na siya sa akin ngayon? Bakit parang ayaw niyang bumalik ulit ako kay Roven? Ano bang dahilan niya? Pati sa kaniya'y naguguluhan na rin ako.

MATAPOS KONG maligo, nag-text ako kay Sir Troy na hindi ako papasok at naintindihan naman niya ang nangyari dahil mukhang naikwento na rin naman ni Roven kay Sir Troy ang lahat ng tungkol sa amin.

Bumaba ako ng silid ko at nadatnan ko si Zandy na abalang nagbabasa ng magazine sa sofa. Nilampasan ko na lang siya at dumeretso na ako sa kusina para uminom ng tubig. Kahit pa paano'y nabawasan na ang sakit ng ulo at bigat ng katawan ko, matapos kong kumain mg mainit na noodles at maligo.

Habang umiinom ako, saktong pumasok naman si Zandy. Nagtama ang mga mata namin pero agad akong umiwas ng tingin. Bigla akong tense at nakaramdam ng kaba. Nagsimula na rin akong mailang sa presensiya niya.

"How's you're feeling right now, Miles?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Zandy. "Ano'ng feeling ba ang itinatanong mo?" balik ko.

"I mean, 'yong hangover mo, wala na ba? Are you feeling well right now?" paglilinaw niya.

Saglit ko lang siyang tiningnan habang kumukuha siya ng tubig sa refrigerator. "Ah! Medyo ok na pakiramdam ko," kaswal kong sagot. "B-by the way, paano ako nakauwi kagabi? Hinatid ba ako ni Melissa at Andrea?" Kahit naiilang ako, napilitan akong harapin si Zandy dahil sa tanong ko.

Umiinom siya ng tubig at hindi ko naiwasang mapatingin sa adams apple niya na tumaatas at baba.  "Andrea, texted me last night na puntahan daw kita sa isang lugar because you're drunk at hindi nila alam ang bahay mo. So, I go there para iuwi ka," sagot niya matapos uminom.

Umiwas uli ako ng tingin. So, sinundo pala ako ni Zandy kagabi at siya ang nag-uwi sa akin. "S-sa...salamat, Zandy at sorry sa abala," mabilis kong sambit habang bahagyamg nakaupo.

"I'm your husband remember and one of my duty is to take care of you lalo na't may nagbabalik sa nakaraan mo." Seryosong ang mukha ni Zandy nang sinabi iyon, saka iniwan akong mag-isa na nakaawang ang bibig.

Hindi ko alam ang iisipin ko sa mga sinabi ni Zandy pero alam kong seryoso siya roon. Biglang sumigla ang sistema ng puso ko. Pakiramdam ko, may palakang tumatakbo sa dibdib ko dahil nararamdaman ko na naman ang 'di normal na pagtibok ng puso ko.

Totoo ba lahat ng sinasabi at pinakikita sa akin ni Zandy?

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon