DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko at agad na tumambad sa akin ang maliwanag na silid na kinaroroonan ko. Bahagya pa akong napangiwi nang maramdaman ang bahagyang kirot ng ulo ko. Napagtanto kong nasa sariling silid ako. Inalala ko pa ang huling nangyari pero agad kong nasapo ang aking uko dahil sa pagkirot niyon.
"Don't move, just be still."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Zandy na nakaupo sa upuang malapit sa kama kung saan ako nakahiga habang hawak na niya ang cellphone at abala sa pagtitig doon.
"B-bakit ka nandito?" nagtataka kong tanong.
"Don't you remember? I'm already your husband," seryoso sabi ni Zandy. Ibinaba niya ang cellphone na hawak at nag-angat sa akin ng tingin, wala emosyon ang mukha. "Asawa mo na ako, Miles simula kanina nang ikasal tayo kaya huwag ka ng magtaka kung bakit ako nandito," dagdag pa niya.
Laglag ang pangang nakatingin lang ako sa kaniya. Bigla kong naalala ang mga nangyari. Ang kasal namin ni Zandy at ang huling nangyari bago ako mawalan ng malay. Napapikit ako at napayuko. Totoo na nga ito! Mabilis kong tiningnan ang daliri ko at nanlaki ang mata ko ng makita roon ang 24k na singsing. Kasal na nga ako kay Zandy at ito na ang simula ng bagong buhay ko kasama ang lalaki-este baklang umagaw sa boyfriend ko. Kaya ko bang tiisin na makasama siya? No!
Bumuntong-hininga ako, saka humarap sa kaniya. "Yes, kasal nga tayo pero hindi ibig sabihin na nakatali na ako sa 'yo. We're just married in a paper at hindi iyon dahil sa mahal natin ang isa't isa. Don't act like you really mean this marriage," seryoso kong balik sa kaniya.
Ngumisi si Zandy habang nakasandal sa upuan. Bakit ba nakaka-distruct ang gwapo niyang mukha? Bakit parang ang hot niyang tingnan kahit sa isip ko'y isa siyang bakla, bisexuality o kung anumang tawag doon.
"Sa mata ng mga tao at ng Diyos, kasal tayo," aniya.
Kumunot ang noo ko. "Can you please stop, Zandy? Huwag kang magpanggap na gusto mo ang kasal na ito," inis kong sabi. "Teka nga, bakit ba ipinipilit mong kasal tayo? Ano bang plano mo sa pagpapakasal sa akin, huh?" kompronta ko sa kaniya. "Do you have any hidden agenda that's why you agreed to marry me without hesitation?"
Ngumiti si Zandy at bahagyang kumiling dahil sa tanong ko. "Hidden agenda? Sa tingin mo ba may makukuha ako kapag pinakasalan kita? Wala lang akong choice kaya ginawa ko 'to, katulad mo," sambit niya.
"No, may choice ka, Zandy. Kung naghanap ka na lang sana ng lalaking para sa iyo o kaya naman... wait... tama, kung inamin mo na lang sana sa magulang mo na lalaki rin ang hanap mo, eh, 'di tapos na sana. Pareho sana tayong malaya at walang problema," giit ko na bakas doon ang inis.
Nakita kong napailing si Zandy sa sinabi ko at ngumiti lang. "Are you still believing in that suspicious of yours, Miles?" Suminghap siya. "Well, if that's what you believe, ok," sabay seryosong dagdag niya.
Bumuntong-hininga ako at seryoso siyang tiningnan. "Zandy, I can help you kung nahihirapan kang mag-out kay Tita Mandy at Tito Wesley. Kung gusto mo, ako pa ang gumawa ng paraan para matanggap ka nila. Be who you are. I'm sure naman na matatanggap ka nila kung ano man ang kasarian mo, 'di ba? After all they're your parents," mahinahon kong sambit na animo'y nakikipag-usap sa bata para sundin ako.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Zandy habang nakatingin sa akin. "Umamin?" Suminghap siya. "Tama ka, they're my parents at sila ang unang nakakilala sa akin kung sino ako. I'm not gonna explain myself to you. Isipin mo ang gusto mong isipin tungkol sa akin." Tiningnan pa uli niya ako bago tumayo at tumalikod sa akin. Naglakad siya palabas sa silid at hindi na rin ako umimik.
"Magde-deny pa, halata naman. Nakita ko kaya siyang kahalikan ang boyfri—este ex-boyfriend ko tapos magde-deny siya," wika ko habang nakanguso at inis kay Zandy.
—
"OK KA na ba talaga, hija?" tanong sa akin ni Tita Mandy nang umupo ako sa bakanteng upuan sa harap nila. Medyo masakit ang ulo ko pero sapat naman para makatayo pa ako at makalabas ng silid ko.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, 'nak?" tanong naman sa akin ni mama habang bakas sa mukha niya ang pag-aalala dahil sa kalagayan ko.
Ngumiti ako sa kanila at tumango. "I'm feeling good na po. Don't worry," sambit ko para i-assure silang ok na ako.
"Lahat kami nagulat nang mawalan ka ng malay the time when Zandy kissed you. Akala namin epekto 'yon ng halik ng anak ko." Natawa si Tito Andrew at napailing pa.
Sumeryoso ang mukha ko at bahagyang yumuko dahil agad akong nakaramdam ng hiya. Naalala ko tuloy ang labi ni Zandy na dumikit sa mga labi ko. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko dahil sa hiya. Inisip pa nilang epekto iyon nang halik na iyon kaya ako nahimatay.
"Pero sabi ng doctor na pinapunta rito ni Mandy, you're just too consumed. Dahil daw sa pagod at puyat kaya ka nahimatay at wala namang seryosong dahilan. You just need to take enough rest, anak. Ni hindi mo na-enjoy ang wedding mo," segunda naman ni Papa habang seryosong nakatingin lang sa akin at bakas ang pag-aalala roon.
Nag-angat ako ng tingin sa kanila hanggang sa bumagsak ang mga mata ko kay Zandy na tahimik lang na nakaupo at kaharap ang cellphone. Abalang-abala siya na parang walang pakialam sa paligid niya.
"Masyado lang po ata akong nagulat sa mga nangyayari. I didn't expect it to happened ng ganito kabilis," dahilan ko.
Nagkatinginan ang apat dahil sa sinabi ko. Bumakas pa ang simpatiya kay Mama at tita Mandy dahil sa sinabi ko.
"I'm sorry, 'nak," tanging sabi ni Papa.
"Hindi naman namin kayo pipilitin ni Zandy na gawin ang mga bagay tungkol sa inyong mag-asawa. Kasal na kayo ngayon at hindi ibig sabihin niyon na aakto kayong mag-asawa Just because we want you to do so. No. We want you to know each other first. Kilalanin niyo muna ang isa't isa at kapag handa na kayo, saka niyo gawin ang dapat gawin ng mag-asawa sa isa't isa," mahabanag litanya ni Tita Mandy.
"Mandy's right, naiintindihan namin ang sitwasyon ni'yo. Kailan lang kayo nagkakilala at kinasal nang hindi nakikilala ang isa't isa. It's time for both of you to know each other sa iisang bahay," segunda naman ni Mama.
"Tama sila, Miles we know you both shocked with the urgent wedding pero alam namin na makikilala niyo pa ang isa't isa throughout the day. At kapag dumating sa puntong hindi kayo magkasundo, then let's quit with this. Hindi naman namin gustong makulong kayo sa magulong relasyon na ginagawa niyo lang dahil sa gusto namin. Let's give it a try," ani naman ni tito Andrew.
"Ano'ng masasabi mo, Zandy?" tanong ni tita Mandy sa anak na tahimik pa rin at walang pakialam.
Saglit na nag-angat ng tingin si Zandy kay tita Mandy at sa amin. "I'll do what you say," aniya na parang batang walang sariling desisyon. Muli siyang yumuko at bumaling sa hawak na cellphone.
Napaismid na lang ako dahil sa inis sa kaniya. Wala man lang pakialam sa nangyayari, ni hindi man lang tumutol. Ano kayang naisip ng lalaking ito? Napaka-misteryoso ng mga sinasabi at inaakto niya. Bakit hindi man lang siya tumututol sa gusto nila?
"Kung ganoon, ok na ang lahat." Bumuntong-hininga si Papa. Ramdam doon ang lungkot. "Ngayong kasal na kayong dalawa mayroon na kayong responsibilidad sa isa't isa na hindi ni'yo dapat balewalain. Hindi ibig sabihin na arrange marriage ang nangyari, babalewalain niyo ang isa't isa, kasal pa rin kayo at may sinumpaan sa harap ng Diyos."
"Tama si Wesley, responsibilidad ninyo ang isa't isa simula sa araw na nag-I do kayo sa simbahan." Ngumiti si tita Mandy. "Iisa na kayo ngayon as a husband and wife sa harap ng maraming saksi ng kasal ninyo. Kung may trouble ang isa, handang sumakloko ang isa. Kapag nahihirapan ang isa, handang tumulong ang isa."
"At para simulan ang new chapter ng buhay ni'yo, we prepared a gift for both of you," ani tito Andrew, ngumiti pa siya na animo'y excited sa sasabihin. "Ito ang magiging simula ng bagong buhay ninyo bilang mag-asawa," dagdag pa niya.
Bumakas ang pagtataka sa mukha ko dahil doon. Ano namang gift ang ibibigay nila sa amin? Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng excitement. "Gift?" tanong ko pa.
"Take this, Miles." Inilahad ni tito Andrew ang kamay niya na nakakuyom. Nagtaka ako sa kung ano'ng laman niyon. "This is the key of your new home. Ang bagong tahanan ninyo ni Zandy at ng bagong yugto ng buhay ninyo."
"New home?" gulat kong ulit. Ibig ba nilang sabihin na bubukod na kami ng tirahan ni Zandy? Seryoso ba sila? No! Hindi pwede!
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...