Unexpected 59 (Part 1)

946 13 0
                                    

SUMAPIT ang gabi at parang ayaw ko nang matapos pa iyon dahil sa katotohanang bukas ay lilisanin na namin ang paraiso itong at muling babalik sa Manila. Gusto ko pa ng maraming oras na kasama si Zandy at kung pwede nga lang na i-extend ko pa ang bakasyong ito, gagawin ko kaya lang hindi pwede dahil sa trabahong naghihintay sa akin sa Manila.

Pero alam ko rin na sa pag-uwi ko, dala-dala ko ang saya at ligayang pinaramdam sa akin ni Zandy habang nandito kaming dalawa sa lugar na ito.

"Thank you, Mila," magiliw kong sabi nang iabot niya sa akin ang buko juice na mayroon din si Zandy.

Ngumiti ang magandang dalaga. "I hope that both of you enjoy staying here," sambit ni Mila na nandoon pa rin ang matamis na ngiti.

"Yeah, we enjoy staying here, Mila," kaswal naman na sabi ni Zandy at sinimulang inumin ang buko juice na ibinigay rin sa kaniya ni Mila.

"Tama si, Zandy Mila, nag-enjoy kami. Salamat for accommodating us well here," nakangiti kong wika. Binalingan ko ang buko juice na nasa harap ko at sinimulan iyong inumin. Kakaibang ginhawa ang naging hatid niyon sa lalamunan ko. Ang lamig niyon at may katamtamang tamis, lasang-lasa ang buko doon. Pero ilang sandali pa lang tila biglang uminit ang pakiramdam ko kahit malamig naman ang simoy ng hangin.

"Sige po, Ma'am, enjoy your last night with Sir Zandy," tila excited na sambit ng dalaga at may pagkapilya pang ngumiti sa akin bago umalis sa harap namin.

Napailing na lang ako at napangiti dahil sa sinabi ni Mila. Bumaling ako kay Zandy na saktong nakatingin din sa akin. Nakita ko ang pawis sa noo niya na parang iniitan.

"Pinapawisan ka, Zandy," puna ko sa kaniya.

Mabilis na nag-iwas siya sa akin ng tingin at kinuha ang cellphone niya. "Yeah! Parang masyado mainit sa lugar na ito," aniya na hindi nakatingin sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil ramdam ko naman ang simoy ng malamig na hangin. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko at bumaling sa paligid.

Nag-angat sa akin ng tingin si Zandy. "I'll go inside the villa, Miles, mauna na ako sa 'yo roon," paalam niya. Hindi pa man ako nakakasagot pero agad na siyang tumayo at naglakad palayo na para bang natataranta siya. Kumunot ang noo ko dahil sa kakaibang kilos ni Zandy. Hindi siya mapakali at pinagpapawisan pa.

Pero ilang minuto pa ang nakalipas nang bigla ko na lang maramdaman ang kakaibang init sa katawan ko. May kung ano'ng nabuhay sa loob ko. Kakaibang init na tila ba may hinahanap. Nagsimula na ring magpawis ang noo ko at hindi na ako mapakali.

Hinawakan ko ang damit na suot ko at marahan iyong ginalaw-galaw para maibsan ang init na nararamdaman ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit bigla na lang nag-iinit ang katawan ko?

Bumuga ako ng hangin. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tumungo sa dalampasigan. Naglakad-lakad ako roon pero hindi pa rin naging sapat iyon para maibsan ang init na nararamdaman ko. Nararamdaman ko na rin ang bahagyang pananakit ng puson ko.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Baka kailangan ko lang maligo para maibsan ang init na nararamdaman ko. Nagpasiya akong tumungo sa villa. Pumasok ako roon at saktong nadatnan ko si Zandy na kalalabas lang ng bathroom na naka-topless habang suot ang tuwalya sa parteng baba niya.

Natigilan ako at napahinto habang nakatitig sa katawan ni Zandy na lalong nagpabuhay sa pagkababae ko na hindi ko alam kung bakit bigla kong nararamdaman ang kakaibang pagnanasa ito. Napalunok ako nang sunod-sunod. Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa katawan niya na lalong nagpainit sa paligid.

Nagulat din si Zandy na makita ako. Bahagya pa siyang napaatras na tila iwas na iwas sa akin. "M-Miles," sabi ni Zandy na para bang gulat na gulat.

Kumurap ako. Pinilig ko ang ulo ko para iwaksi ang mga bagay na iyon. Umiwas ako kay Zandy ng tingin at mabilis na naglakad pero dahil sa pagmamabilis ko, hindi ko inaasahang mapapatid ko ang sarili ko at huli na dahil pagbagsak na ako sa gawi ni Zandy. Nanlaki ang mga mata ko at nagulat naman si Zandy.

Ang bilis nang pangyayari at namalayan ko na lang ang sarili kong yakap ni Zandy. Sinalo niya ako para hindi ako tuluyang matumba pero hindi ko inaasahan ang mararamdaman ko sa parteng tiyan ko. May tila matigas na bagay na nakatapat doon. Kumurap ako ng ilang beses. Napalunok ako. Ano 'yon? Lalo akong nilamon ng init na nararamdaman ko.

"Z-Zandy, I'm sorry," nauutal na paghingi ko ng paumanhin habang tahimik lang si Zandy at hindi makagalaw.

Dahan-dahan akong kumawala sa kaniya at ganoon na lang ang gulat ko nang makita kong nahubad pala ang tuwalyang nakatabing sa parteng ibaba niya at ang matigas na bagay na nakatusok sa tiyan ko ay ang pagkalalaki niya.

"Haaa!" sigaw ko kasabay ang pagtalikod ko at pagtakip sa mga mata ko. Para akong masusunog sa sobrang init sa loob ko. Ramdam ko rin na namumula na ang pisngi ko dahil sa sobrang pagkahiya. Mariin akong pumikit habang kagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"I-I'm sorry, Miles," aniya. Narinig ko na lang ang paglakad niya palayo. Nakahinga ako ng maluwag. Nang alam kong wala na siya, mabilis akong tumungo sa silid ko. Napasandal ako sa likod ng pinto habang sapo ko ang dibdib ko na sobrang lakas ng tibok niyon. Pinaypay ko pa ang mga palad ko dahil sa sobrang init na nararamdaman ko at pinahid ang namumuong pawis sa noo ko gamit ang likod ng palad ko.

Ilang minuto pa akong nag-stay sa silid ko pero hindi pa rin napapawi ang init at kakaibang pakiramdam na nanunuot sa loob ko. Nararamdaman ko rin ang bahagyang pananakit ng puson ko. Hindi ako ipokrita at alam ko ang nararamdaman kong ito.

Bumuga ako ng hangin nang ilang ulit. Baka kailangan kong maligo para maibsan ito. Nag-prepare ako ng damit na susuotin ko.

"Bahala na!" mahina kong bulong. Bumaling ako sa pinto ng silid ko at dahan-dahang binuksan iyon. Sumilip muna ako para tingnan kung nandoon si Zandy dahil kung makikita ko pa siya baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Nang hindi ko makita roon si Zandy, dahan-dahan akong lumabas ng silid ko at saka mabilis na tumakbo papunta ng bathroom. Katamtaman lang din ang laki niyon pero mayroong shower roon at agad ko 'yong binuhay matapos kong maghubad. Itinapat ko ang sarili ko roon. Naramdaman ko agad ang malamig na tubig na dumaloy sa katawan ko na nagbigay sa akin ng konting ginhawa. Pumikit ako at hinayaang lasapin ang lamig ng tubig habang hinihimas ang katawan ko. Baka sakaling maibsan ang init na nararamdaman ko.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon