HINDI KO alam pero bigla ko na namang naramdaman ang guilt sa akin dahil sa sinabi ko kay Zandy no'ng nakaraang araw. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang konsensiya at ang tila pagkadismaya sa mukha niya nang araw na iyon. Naramdaman ko rin na para bang iniiwasan niya ako. Ni hindi niya ako tinitingnan o kinakausap man lang. Pakiramdam ko rin, ako na ngayon ang may kasalanan sa kaniya na dapat kong ihingi ng sorry kahit pilit kong iniisip na siya ang may kasalanan sa akin.
Gumugulo rin sa isip ko si Beverly. Gusto kong tanungin si Zandy tungkol rito pero pakiramdam ko, wala ako sa lugar para magtanong.
Mula sa pinto ng silid ko, nakita ko si Zandy sa terrace habang nakaharap sa laptop niya habang nagkakape. Ilang araw na siyang abala sa kung anuman ang ginagawa niya. Napanguso ako. May bumubulong sa akin na lapitan ko siya pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Suminghap ako at nagpasiyang bumaba na lang. Dahil maaaga pa at wala naman akong pasok dahil holiday, naisipan kong lumabas ng bahay para bisitahin ang mga halaman sa labas. Napakaganda ng sikat ng araw. Nagsimula akong diligin ang mga halaman. Kahit pa paano'y napapangiti ako sa magagandang bulalak na sumasabay sa ganda ng panahon ang pag-usbong ng mga iyon.
Mula sa kinaroroonan ko, tanaw ko si Zandy na abala pa rin sa pagtipa sa laptop niya. Ilang beses ko nang gustong lapitan siya at kausapin pero mas pinipili ko na lang na huwag gawin. Baka mas lalo lang gumulo ang lahat.
"Miles."
Napakunot ang noo ko at lumingon sa lalaking tumawag sa akin. Bahagya akong nagulat ng makita ko si Ton. Naalala ko na naman ang iniisip ko sa kanilang dalawa ni Zandy na ngayo'y pinagdududahan ko na rin ang naisip kong iyon. Hindi naman pala bakla si Zandy at nagkamali lang ako noon sa nakita ko pero ngayo'y alam ko na kung ano talaga siya.
"Oh! Ton, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko. Pinatay ko ang tubig sa hose at lumapit sa gate para pagbuksan siya.
"Nandito ba ang asawa mo. I-I mean, si Zandy? I have something to tell him," aniya habang nakangiti sa akin. May hawak itong envelope. Tila nahiya rin siya sa sinabi. Alam naman kasi niya ang totoong relasyon namin ni Zandy.
Lumingon ako sa terrace. "He's busy typing on his laptop," sabi ko at saka bumaling uli sa kaniya. "Pumasok ka, Ton at puntahan mo na lang si Zandy sa terrace," pag-anyanya ko sa kaniya.
Ngumiti si Ton. "Sorry sa abala, Miles. Salamat," aniya, saka pumasok sa loob.
Ngumiti lang ako bago tuluyang pumasok si Ton. Hinabol ko na lang siya ng tingin at pinagpatuloy ang pangdidilig ng halaman. Matapos kong magdilig, pumasok naman ako sa loob at doon naman ako nagsimulang maglinis na hindi ko nagagawa pero malinis pa rin ang buong bahay dahil kay Zandy.
Umupo ako sa sofa, matapos kong linisin ang sala. Napagod ako dahil sa laki niyon at ramdam ko ang pawis sa noo ko. Pinahid ko iyon. Ilang oras na pero nasa taas pa rin si Zandy at Ton na hindi pa rin bumababa.
Dalhan ko kaya sila ng merienda? Hindi ko alam pero naisip ko iyon at gusto kong gawin. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tumungo sa kusina. Kahit pa paano nama'y marunong akong gumawa ng sandwich.
Nagsimula akong mag-prepare ng mga ingredients para sa ham sandwich na gagawin ko. Mabuti naman at may tinapay doon. May ham rin at gulay. Nagtimpla na rin ako ng malamig na juice na tama sa mainit na panahon.
Tama ba ang gagawin ko? Kinakabahan ako sa magiging reaction ni Zandy sa gagawin kong ito. Bumuntong-hininga muna ako bago ko binitbit ang tray na naglalaman ng pagkain at inumin ni Zandy at Ton.
Pumikit muna ako saglit at bumuga ng hangin bago tuluyang umakyat sa hagdan. Nadatnan kong nag-uusap ang dalawa habang nakalapag sa lamesa ang mga litrato at layout na hindi ko maintindihan kung para saan iyon.
"I prepared sandwich and juice para sa inyong dalawa."
Nag-angat sa akin ng tingin ang dalawang lalaki pero na kay Zandy ang pokus ko at sa magiging reaction niya. Seryoso ang mukha niya pero bakas ang pagtataka roon.
"Ow! Nag-abala ka pa, Miles matatapos na rin naman kami," nahihiyang sabi ni Ton habang nakangiti.
"No, it's ok, Ton napansin ko kasing masyado kayong abala at baka nagugutom na rin kayo, so I prepared merienda para sa inyo," sagot ko at ngumiti kahit kinakabahan ako sa mga tingin ni Zandy.
"Thank you," seryosong ani Zandy. Kinuha niya ang tray na hawak ko. Nagdikit ang mga balat namin na nagbigay sa akin ng tila kuryente at pagkapaso.
"We're almost done na rin naman, Miles. We're just planning about the design of the restaurant that Zandy's wanted to open by the end of the year," ani Ton.
Restaurant? So, kaya pala abala si Zandy nitong mga nakaraang araw dahil sa pagpaplano niya sa restaurant na ipatatayo nila. Nakaramdam ako ng saya para sa kaniya dahil ipinu-pursue pa rin niya ang gusto niyang gawin.
"You prepared this sandwich or you just ordered it outside?" tanong ni Zandy habang nakatingin sa sandwich na nasa platito.
"I made it by my own hands, Zandy. Marunong din naman ako gumawa ng ibang pagkain, 'no," sabi ko.
"Fried potato, tomato, and riped mango?" tanong ni Zandy.
"Yeah! I used to prepared such sandwich since when I was in highschool," sabi ko.
"Wow! Mukhang masarap, ah," puri naman ni Ton at kinuha ang isang sandwich at diretso iyong kinain. Pumikit pa ito at ninamnam iyon. "You made it well, Miles. Ang sarap ng sandwich, the tomatoes, fried potato and the mango, blend well and create such taste na naiiwan sa panglasa," dagdag pa niya na tila isang food reviewer.
"Thank you for the compliments, Ton," masaya kong sabi. Bumaling ako kay Zandy, na hawak na ang sandwich at tinitingnan iyon. Kinakabahan ako at nate-tense sa 'di ko alam ma dahilan. Para akong nasa cooking show at dapat ma-impress ko si Zandy.
Pigil hininga ako ng makita kong sinubo ni Zandy ang sandwich at nginuya iyon. Napakaelegante niyang kumain at sa bawat pagnguya niya, nakikita ko ang detalye ng mga labi niya. Biglang bumalik sa isip ko ang halik namin sa kasal at ang malambot na labi niya na naramdaman ko.
"You look tense, Miles. Are you scared that Zandy might not like your sandwich?" tanong ni Ton. "I'll tell you this, kapag magpe-prepare ka ng food for him, dapat ka talagang matakot. He's ability to taste food is different. Mahirap ma-satisfy ang panglasa niya," natatawang dagdag ni Ton.
Napakurap ako at bahagyang yumuko. Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko. Dapat pala kanina pa akong umalis sa harap nila.
"Let's go back to what we're talking about, Ton," baling ni Zandy sa kaharap at inilapag ang sandwich na kinagatan lang niya ng isa. Hindi ba niya nagustuhan? Nakaramdam ako ng pagkadismaya at lungkot.
"Thank you ulit, Miles sa merienda. Don't be sad, nagustuhan ko naman ang inihanda mo," ani Ton na baka napansin ang pagkadismaya ko. Ngumiti lang ako kay Ton. Humarap na rin ito kay Zandy. "So, all the requirements na kailangan natin, mayroon na tayo and also the design and name of the restaurant. The next thing we need to do, is to visit the place in our list."
Ngumuso ako. Binalingan ko muli si Zandy bago tumalikod at bumaba sa sala. Para akong nanghina. Hindi ko alam pero malulungkot ako. Gusto ko lang sanang magmagandang loob pero mukhang hindi naman nagustuhan ni Zandy iyon.
Nanatili ako sa sala. Isang oras pa mahigit, bago bumaba si Ton. Nagpaalam pa ito sa akin na uuwi na. Nagpasalamat din siya.
Nang makaalis si Ton, nagpasiya na rin akong umakyat para maligo sa silid ko. Nang makaakyat ako, nakita ko si Zandy na patungo sa silid niya. Saglit na nagtama ang mga mata namin pero agad din siyang umiwas. Nagsalubong kami at nilampasan niya ako. Galit ba talaga siya sa akin?
Hinawakan ko ang doorknob ng pinto ko at pinihit iyon. Nang akmang bubuksan ko na iyon, napahinto ako dahil sa sinabi ni Zandy.
"I like your sandwich, Miles. Thank you."
—
Hi eberiwan! Thank you so much for the support and love. Sobrang nakakatuwa ang pagtanggap ninyo kila Zandy at Miles. Enjoy, reading!
Add/Follow niyo ako sa FB ko para we can talk po roon. Salamatt!
FB; Kevyn Bautista
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...