Unexpected 3

2.4K 44 0
                                    

"WHAT? SERIOUSLY, Miles?" gulat na gulat at hindi makapaniwalang reaction ni Andrea nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari bago ako makarating sa opisina.

"Shh! Huwag kang maingay," agad kong saway sa kaniya at lumingon pa sa mga katrabaho namin na abala sa kani-kanilang trabaho. Katatapos ko lang kasi magpasa ng articles na in-edit ko at hihintayin ko na lang iyon kung ibabalik sa akin para i-revise pero sana naman ay hindi.

Nandoon pa rin sa mukha ni Andrea ang pagkamangha sa narinig mula sa akin. "I just cant believe it will happen, Miles. Ang lalaking ipinagpalit sa iyo ng ex-boyfriend mo ay ang lalaking ipakakasal sa 'yo? Whoa! Parang teleserye lang. That's how destiny play, Miles there's a lot of twist," natatawang komento niya.

"Destiny ka riyan!" Umikot pa ang mga mata ko. "Hindi destiny iyon, kamalasan ang tawag doon," inis ko pang dagdag.

"Pero ano, kumusta ba ang hitsura ng lalaking—este ng baklang iyon?" usisa ni Andrea na animo'y excited sa isasagot ko.

Nag-isip ako. "Well, at first you wouldn't thought that he's gay. Mukha naman kasi siyang isang typical man. Gwapo. Malapad ang katawan. Makakapal ang kilay at 'yong mga mata niya na may charm na kapag tiningnan mo mapapatitig ka talaga," paglalarawan ko sa lalaking iyon na ikinagulat ko.

"Wow! Ibig sabihin gwapo siyang nilalang? Oy! tinamaan ka sa kaguwapuhan 'no? Naakit ka ba sa charm ng mga mata niya na parang napatitig ka?" natatawang pang-aalaska niya sa akin.

Sumimangot ako. "Of course not, Andrea. Nandidiri nga ako sa kaniya sa tuwing naalala ko kung paano sila maghalikan ni Roven noon. Well, hindi naman ako against o haters ng mga gay na tao, it's just like nagkataon lang na siya ang ipinalit sa akin ng lalaking iyon. Natapakan ata pagkababae ko 'no!" dahilan  ko sa kaniya.

"Mapaglaro nga ang tadhana kagaya ng sinasabi ng marami, Miles. Be prepare for more twist," pilyang saad niya na may pagkindat pa.

"Then, I'll play with destiny, Andrea and I will make sure that I will win for this," hamon ko.

"Are you sure? Makikipaglaro ka sa tadhana?"

Tumango ako. "Why not? Kung wala na akong pagpipilian, iyon ang gagawin ko, to play with destiny. Pero sana naman huwag pumayag ang Zandy na iyon sa kasalanang inihahanda ng mga pamilya namin," nakasimangot kong saad.

"Hindi nga papayag ang Zandy na iyon, eh, paano kung pilitin ng mga magulang ninyo? Kilala natin si Tita at Tito na naiwan na ng panahon na masyadong naniniwala sa mga sumpa-sumpang iyon, concern sila sa future mo dahil nag-iisa kang anak. Gusto nilang mag-asawa ka at magkapamilya," aniya.

"Naiintindihan ko naman sila sa part na iyon, Andrea pero hindi pa ako ready sa state na iyon," kunot noo kong dahilan.

Kumibit-balikat si Andrea. "Well, hintayin na lang natin ang mangyayari. Ipagdasal mo na lang na huwag pumayag ang Zandy na iyon," ani Andrea.

Napasimangot na lang ako habang laylay ang balikat. Pakiramdam ko mahihirapan akong tanggihan ang kasal na iyon dahil ramdam kong kahit tumanggi ako hindi naman sila papayag na hindi ako makasal. Bakit kasi sinumpa-sumpa pa ako, eh?

MABIGAT ANG balikat ko na bumaba ako ng sasakyan nang makauwi ako mula sa bahay. Kumunot pa ang noo ko at mas lalong nakaramdam ng bigat ng pakiramdam nang makita ko ang pamilyar na kotse sa labas. Bumuntong-hininga ako dahil alam ko na ang madadatanan ko sa loob. Kailangan ko na lang ihanda ang sarili ko na humarap sa kanila.

Hindi nga ako nagkamali pero ang higit kong ikinagulat nang makita ko ang lalaking iyon na tahimik na nakaupo sa isahang sofa habang nakahalukikip at nakaupo na animo'y babae. Hindi man lang siya tumingin sa akin kagaya ng apat na naroon na halatang hinihintay ako.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon