Unexpected 57 (Part 1)

873 15 4
                                    

DAHIL sa mga sinabi ni Zandy sa akin sa dalampasigan, halos hindi ako nakatulog sa kakaisip tungkol doon. Ginugulo niyon ang isip ko, kung dapat ko ba siyang paniwalaan o ang takot ko na baka ako ang masaktan sa huli. Hindi madaling ibigay 'yong pagmamahal sa taong hindi sigurado kung mahal ka ba o hindi. Ayaw ko na uling maiwan at masaktan.

Humikab ako at uminat sa hinihigaan ko. Nararamdaman ko pa ang antok sa katawan ko dahil nga sa kulang ang tulog ko ng nagdaang gabi dahil sa kakaisip ko kay Zandy at sa lahat ng kakaibang ginagawa at sinasabi niya sa akin.

Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko ang maaliwalas na paligid at ang kulay asul na dagat. Napangiti ako dahil nagbigay iyon sa akin ng kakaibang vibes, ng relaxation at kapayapaan ng isip. Muli akong pumikit pero agad din akong napamulat nang maamoy ko ang mabangong pagkain na niluluto.

Lumabas ako ng silid kung saan ako natulog habang sa sala naman si Zandy. Napakunot ang noo ko ng makita ko siya na nakaharap sa stove habang nagluluto. Kung hindi ako nagkakamali, torta ang niluluto niya na isa sa mga paborito kong pagkain dahil naaamoy ko na iyon.

Humakbang ako papalapit sa kaniya at alam kong narinig niya ang yabag ng paa ko kaya humarap siya sa akin. "Wait the food to cook, Miles, maupo ka muna," seryosong aniya at muling bumaling sa niluluto niya.

"Bakit nag-abala ka pang magluto? Nasa vacation tayo and we're here to enjoy," sabi ko sa kaniya.

"I know, Miles at isa ito sa nagpapasaya sa akin, ang pagluluto and I wanna share it with you," sambit ni Zandy habang direktang nakatingin sa akin. "Just sit there and wait the food."

Hindi na ako umimik dahil nakuha ko naman ang punto niya. Saglit kong nakalimutang masaya nga pala si Zandy sa pagluluto at kahit nasaan pa siya, gagawin at gagawin niya iyon.

Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa maliit na kusina ng villa. Maliit lang din ang table na tama lang sa dalawa hanggang tatlong tao. Tahimik ko lang na pinagmamasdan si Zandy sa ginagawa niya at hindi ko pa rin maiwasang hindi humang sa kaniya.

"The food is ready," masayang anunsyo ni Zandy matapos niyang maluto ang pagkain. Ipinatong niya sa lamesa ang ilang piraso ng tortang talong at fried rice na lalong nagpakalam sa nagugutom kong tiyan. Namangha ako sa kakaibang plating ng torta dahil napaka-soyal niyong tingnan. "I know this is one of your favorite food, Miles," sabi pa niya nang makaupo sa tapat ko.

Kumunot ang noo ko at hindi naitago ang pagkagulat doon. Paano niya nalaman iyon? "Huh? Paano mo nalamang paborito ko ang torta?"

Kaswal na ngumiti si Zandy. "I have my way to know know your likes and dislikes, Miles," sabi niya. "I have my resources and he's your dad," pagtatapat pa niya.

Napaawang ang bibig ko at lalong kumunot ang noo ko. "Si Papa? Naku! Talaga si Papa hindi mapigilang hindi ako ikuwento," reklamo ko na bakas ang inis sa mukha.

Tiningnan ako ni Zandy at napailing habang nangingiti. "Don't worry, Miles dahil lahat ng nalaman ko tungkol sa iyo, gusto ko lahat ng iyon," seryosong aniya.

Hindi ako nakasagot dahil muli na naman akong natulala sa gwapo niyang mukha habang nararamdaman ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko dahil sa ipinaparamdam niyang kakaibang saya sa akin.

"Sige na, kumain ka na, alam kong gutom ka na rin." Inilagay ni Zandy ang isang piraso ng torta sa plato ko. "I made this full of love, Miles at sana maramdaman mo iyon," sabi pa niya na naging dahilan para lalong magwala ang puso ko.

Kinalma ko ang sarili ko. Yumuko ako ng saglit. "Kumain ka na lang, Zandy dahil kung ano-ano na namang lumalabas diyan sa bibig mo," natatawa kong saway sa kaniya. Napangiti na lang din si Zandy. "Siya nga pala, where did you get all of the ingredients?" usisa ko.

"Hiningi ko sa restaurant," pakli niya at kumibit-balikat pa.

"Huh? Hiningi mo?" gulat kong sabi. Tumango lang si Zandy at nagsimula nang kumain. Napailing na lang ako at sa huli'y napangiti.

"ANO'NG gusto mong gawin today? Maligo sa dagat? Maglakad?" tanong ni Zandy sa akin habang nasa isa kami sa mga cottage malapit sa dalampasigan. Kasagsagang sumisikat ang araw at ramdam ko ang init niyon sa balat ko kaya nagsuot ako ng manipis na Jacket.

"Masyadong mainit kung maliligo tayo, Zandy," sabi ko.

Unang araw pa lang namin sa resort at sa totoo lang, pakiramdam ko'y ang tagal ko ng nalayo sa Manila dahil sa kakaibang relaxation na ipinaramdam ng resort sa akin. Hindi rin sumasakit ang ulo ko sa maraming isipin dahil sapat ang ambiance ng lugar, ang mga tanawin para magkaroon ako ng peace of mind.

"Ok," sagot ni Zandy. Mayamaya tumayo siya sa pagkakaupo at humarap sa akin. "Wait me here, Miles." Pagkasabi niya niyo'y umalis siya sa harap ko. Nagataka ako at hindi na nakaimik.

Napailing na lang ako at napakunot ang noo. Inabala ko na lang ang sarili ko na pagmasdan ang asul na dagat at ang pino at puting buhangin, kasama ang asul na kalangitan at puting mga ulap na ang sarap sa mata. Hanggang hindi ko namalayang tumatakbo na naman ang isip ko kay Zandy at sa kakaibang pagtrato niya sa akin na alam kong gusto ko na rin.

Na-a-appreciate ko lahat ng bagay na ginagawa niya sa akin at nakikita ko lahat ng pagbabago sa kaniya simula nang makilala ko siya. Hindi ko iyon inaasahan dahil akala ko'y gusto niya akong hiwalayan para ipamukha sa pamilya niya na hindi lahat ng gusto ng mga ito ay makukuha nila. Pero bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin?

"Hey! Kung gaano kakalim ang dagat mukhang ganoon din kalalim ang iniisip mo, ah?"

Bahagya akong napapitlag. Bumaling ako kay Zandy na seryosong nakatingin sa akin. Hindi ako umimik.

"Let's go," aya ni Zandy.

Marahan kong ipinilig ang ulo ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Yumuko ako para kalmahin ang isip ko sa mga bagay na iyon. 

"S-saan tayo pupunta?" usisa ko nang mag-angat ako ng tingin pero hindi direktang nakatingin sa kaniya.

"Sumama ka na lang sa akin, Miles," ani Zandy. Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko. Tumayo ako sa pagkakaupo. Naramdaman ko ang enerhiyang dumaloy sa katawan ko kasabay ang pagtibok ng puso ko na hindi normal sa tibok niyon. Hindi na rin ako nakaimik nang marahan niya akong hilahin patungo sa kung saan.

Nagtaka ako ng lumabas kami ng resort at huminto roon. "Ano'ng gagawin natin dito?" tanong ko sa kaniya. Inayos ko ang buhok ko na pinapayad ng hangin.

Inilabas ni Zandy ang susi at ipinakita sa akin. Saka ko lang nakita ang motorcycle na nakaparada 'di kalayuan sa amin. "Let's go for a ride, Miles," saad niya.

Hindi agad ako umimik habang tinitingnan lang siya. "Ride? Kabisado mo ba ang lugar na ito, Zandy?"

Ngumiti siya dahilan para lumabas ang mapuputi niyang mga ngipin. Umiling siya. "No, pero handa akong maligaw basta ikaw ang kasama, Miles." Ngumiti siya at hinawakan uli ang braso ko at hinila ako palapit sa motorcycle.

Hindi ako makakuha ng salitang sasabihin sa kaniya. Nagwawala na naman ang puso ko na para bang gusto nang kumawala roon.

Binitawan ni Zandy ang kamay ko at kinuha ang helmet. Hinarap niya ako at marahang isinuot iyon sa akin. "Wear this," aniya pa. Tiningnan niya ako ng seryoso. "Tandaan mo rin, Miles na kapag isinama kita sa mga bagay na gusto kong gawin, it means you're important and special to me."

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon