"HEY! TULALA ka na naman?" Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Andrea. Ikinumpas pa niya ang mga daliri sa harap ko. "Kanina ko pang napapansin, mukhang malalim ata ang iniisip mo?" dagdag pa niya.
Kasalukuyan kaming kumakain sa labas ni Andrea. Hindi naman lumalabas ang iba pa naming mga kasama para kumaing kasabay namin dahil may sari-sarili silang mga baon.
"Wala, may naisip lang ako," dahilan ko. Pero ang totoo hindi mawala sa isip ko ang nangyari at ang salitang narinig ko mula kay Zandy nang nagdaang gabi. Umuwi itong lasing kasama ang kaibigan daw nito na si Ton. Well, I don't know if he's just friends of Zandy.
Flashback...
Pagkatapos umuwi ni Ton, naiwan ako sa silid ni Zandy. Hindi siya mapakali sa kama. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang pagdududa sa totoong relasyon ni Zandy at Ton. Hindi ko alam, pero may kakaiba akong naramdaman sa pag-aalaga nito kay Zandy o baka naman nag-o-overthink lang ako.
"Be-Beverly!"
Pinagmasdan ko lang si Zandy. Kanina pa niyang binabanggit ang pangalan na iyon. Sa pagkakaalala ko, iyon ang babaeng binanggit ni Tito Andrew no'ng inimbitahan ako ni Tita Mandy sa bahay nila. Nabanggit din iyon ni Tita Mandy sa akin at sinabing Ex ni Zandy at iniwan siya dalawang taon na ang nakalilipas para sa ibang lalaki
So, totoo nga na may ex si Zandy at si Beverly nga iyon. "Bakit ba binabanggit pa rin niya ang pangalan ng babaeng iyon?" inis kong bulong.
Mayamaya pa'y nagulat ako nang bigla siyang bumangon sa kama at umupo roon. Nakapikit pa rin ang mga mata niya at halos hindi na mabuhat ang sarili. Gumegewang-gewang pa ang katawan niya.
"Ang init," aniya, saka nagsimulang alisin ang butones ng polo niya, saka tumayo.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya mabilis ko siyang nilapitan. "What are you doing, Zandy?" sabi ko. Hinawakan ko siya sa mga braso at marahang inalalayan para umupo muli sa kama.
"S-Shino ka ba? Bitawan mo ako," aniya na halata sa boses ang pagkalasing. Hinawi niya ako. Mabuti na lang at lasing siya kaya hindi niya ako nagawang hawiin. Nagawa ko siyang iupo sa kama at napaupo na rin ako. Lalo akong nagulat nang ipagpatuloy niya ang pag-unbutton ng polo niya.
Mabilis ko siyang pinigilan. "Stop doing that, Zandy," saway ko. Buhay naman kasi ang aircon bakit naiinitan pa rin siya?
Napasinghap ako. Hinanap ko ang remote ng aircon para mas lumamig pa ang silid. Nang makatayo na ako at akmang hahakbang, nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya. Sapat ang lakas niya para madala ako at matumba kami. Napahiga siya sa kama at ako sa bisig niya.
Ramdam ko ang katawan ni Zandy sa akin at ang mainit niyong temperatura na marahil dahil sa alak na inimom niya. Nakalantad ang magandang katawan niya dahil tuluyang naalis ang butones ng polo niya. Hindi rin maikakailang nahubog iyon ng maayos dahil sa matigas iyon. Aminin ko man o hindi, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na dumaloy sa katawan ko. Biglang nag-init ang mga pisngi ko.
Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat. Nang makabawi ako, napakurap ako. Mabilis akong gumalaw para sana makaalis sa ibabaw niya pero nang akmang aalis na ako, naramdaman ko ang braso niyang yumakap sa akin.
"Beverly, please stay!"
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa narinig ko. Tiningnan ko ang mukha ni Zandy na nakapikit pero bakas doon ang sakit at pangungulila.
"I want you to say. Dito ka lang sa tabi ko."
Sumeryoso ang mukha ko. Mas hinigpitan pa ni Zandy ang pagkakayakap sa akin at ramdam ko ang mainit niyang yakap. Hindi ako gumalaw at hinayaan siya. Hindi ko rin alam kung ano'ng iisipin ko ngayon at kung ano'ng dapat kong maramdaman. Parang huminto ang pagtibok ng puso ko.
Sino ba talaga si Beverly at bakit hanggang ngayon hinahanap pa rin niya ito? Eh, si Roven? Ano'ng nangyari sa kanila, gayong dalawang taon na raw na hiwalay si Zandy at ang Beverly na iyon? Ano ba talagang nangyari, Zandy?
End of flashback...
Bumuntong-hininga ako. Bumaling ako sa pagkain ko at pinilit iyong isubo kahit pakiramdam ko'y wala akong gana.
"Si Zandy na naman ba? Hmm! It seems like he's always getting on your mind lately, ah?" makahulugang tanong niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Well, you're right pero dahil iyon sa interview na hanggang ngayon hindi ko pa nagagawa," dahilan ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Andrea ang mga bagay na iyon pero pinili kong huwag na lang. "I'm stress out, Andrea."
Gumuhit ang kakaibang tingin ni Andrea at ang pagdududa niya. "Interview nga lang ba talaga, Miles? Baka kasi iba na ang dahilan kung bakit palaging nasa isip mo si Zandy?" patuloy niya.
Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay. "Of course not, Andrea. Hindi iyon mangyayari," sabi ko na parang sigurado ako.
Nginusuan niya ako na halatang hindi sang-ayon. "Don't be too confident, Miles dahil hindi natin alam kung paano maglaro ang tadhana. Hindi ba't lahat ng nangyari sa 'yo with Zandy, unexpected lahat. So expect the unexpected, Miles." Tinaasan pa niya ako ng kilay na parang sinasabi maghanda ako sa pwedeng mangyari.
Saglit akong hindi umimik habang seryosong nakatingin kay Andrea. Hindi ko maiwasang hindi isipin ang lahat ng nangyari simula nang dumating si Zandy at lahat nga ng iyon ay unexpected.
"I won't expect anything to happen, Andrea," giit ko.
"Sige, sabi mo, eh, basta ako mag-aabang na lang ng mga mangyayari," sambit niya at ngumiti pa na para bang sigurado siya at excited sa maaaring mangyayari sa amin ni Zandy.
—
BUMUNTONG-HININGA ako bago ko binuksan ang main door ng bahay. Alam kong nandoon si Zandy dahil nakita ko roon ang sasakyan niya. Hindi pa uli kami nagkikita simula nang nagdaang gabi dahil maaga siyang umalis at hindi ko naabutan.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok doon. Nakita ko si Zandy sa sala habang nakaupo at nanonood ng TV. Hindi niya ako nilingon. Umiwas ako sa kaniya at dumiresto na sa taas para magpalit ng damit. Hindi ko rin alam kung paano ko siya haharapin at sana lang hindi niya naalala ang nangyari nang malasing siya.
Matapos kong magbihis, nagpasiya akong bumaba ng silid para uminom ng tubig. Hindi ako lumingon sa sala. Rinig ko ang tunog ng TV mula roon.
Bahagya akong nagulat nang makasalubong ko si Zandy na galing din sa kusina. Huminto siya at seryoso akong tiningnan pero agad ding umiwas ng tingin sa akin. Humakbang siya palayo habang pakiramdam ko'y nate-tense ako sa 'di ko alam na dahilan.
"I'm sorry for what happened last night."
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...