Unexpected 66 (Part 1)

803 15 2
                                    

MATAPOS kong makauwi mula sa trabaho, agad akong umakyat sa taas ng bahay pero agad din akong napahinto nang makita ko si Zandy sa terrace na seryosong nakatingin sa malawak na kalangitan na halatang malalim ang iniisip. Ngumuso ako at bahagyang napakiling. Gusto ko siyang lapitan at kausapin dahil alam kong iniisip niya ang sinabi ni Tito Andrew sa kaniya kaninang umaga. Kanina pa nga siyang walang imik bago ako pumasok sa trabaho.

Nagpasiya akong magpalit muna ng damit bago ko lapitan si Zandy. Nagbihis ako ng ternong pajama at t-shirt na pangtulog bago lumabas ng silid ko at nilapitan si Zandy.

Saglit akong napahinto at tiningnan ang malapad niyang likod. Hindi niya ako napansin dahil marahil sa lalim ng pag-iisip niya. Humugot ako ng lakas ng loob at isinantabi ang hiya ko. Lumapit ako sa kaniya at dahan-dahang inilapit ang kamay ko hanggang sa mayakap ko siya mula sa likod. Naamoy ko agad ang mabango niyang amoy na palaging gusto kong maamoy.

Naramdaman ko ang gulat niya dahil sa bahagyang pagpitlag niya pero hinayaan niya ako sa ginagawa ko.

"You look so stress, Honey," malungkot kong sabi. "Hindi mo man lang napansin ang paglapit ko sa 'yo," dagdag ko pa.

Hinawakan ni Zandy ang braso ko na nasa parteng tiyan niya at marahan iyong hinimas. "I'm sorry, Honey I'm just thinking something," balik niya na bakas doon ang lungkot. "Have you done eating dinner? I will cook for you if—"

"No, it's ok, Honey. Kumain na ako sa labas kaya huwag ka nang mag-alala, ok?" pigil ko sa kaniya. 

"Sigurado ka ba, Honey?"

"Huwag mo na akong alalahanin, kumain na ako sa labas," pag-a-assure ko sa kaniya. "Ikaw ang dapat kong kumustahin, Honey kasi alam kong hindi ka ok," mahinahon kong sambit. "Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon at naiipit ka sa gusto mo para sa sarili mo at sa gusto ng pamilya mo para sa iyo," dagdag ko pa na bakas ang simpatiya roon.

Bumuntong-hininga si Zandy. Inalis niya ang mga braso ko sa katawan niya at marahang humarap sa akin. Ipinulupot niya ang braso niya sa baywang ko habang seryosong nakatingin lang sa akin.

"I don't know what should I do, Honey. Nahihirapan ako at hindi ko kayang i-give up ang pinaghirapan ko na malapit ko ng matupad. Hindi ko alam kung kapag ba nagtrabaho ako sa kompanya, kaya ko pang asikasuhin ang restaurant at ayaw ko ring iaasa iyon kay Ton dahil may sarili rin siyang negosyo," malungkot na pagtatapat ni Zandy sa akin.

"Naiintindihan kita, Honey at alam ko ang nararamdaman mo ngayon at kung ako ang tatanungin mo, gusto kong gawin mo ang bagay na nakakapagapasaya sa iyo at alam nating parehong ang restaurant ang magpapasaya sa iyo," malumanay kong saad at ngumiti habang nakahawak ako sa mga braso niya.

Humiwalay si Zandy sa akin at muling humarap sa malawak na kalangitan habang seryoso pa rin ang mukha at halatang naguguluhan siya. Nakapatong ang mga braso niya sa bakal ng terrace. "Sana nga pwede kong piliin 'yong gusto ko at magpapasaya sa akin pero hindi iyon mangyayari dahil palaging gusto nila ang masusunod para sa akin. Kilala ko na si Papa at kapag nagbitiw siya ng ganoong salita, wala na iyong bawian at dapat kong sundin." 

Lumapit ako sa kaniya at binalingan siya, saktong nilingon din niya ako. Agad nagtama ang nga mata namin na agad nagkaroon ng koneksyon pero agad din siyang umiwas ng tingin.

"I'm sorry, Honey, wala akong magawa para tulungan ka." Yumuko ako. "Gusto ko mang kausapin si Tito ukol dito, hindi rin siya nakikinig sa akin."

Hinarap ako ni Zandy. "No, may nagagawa ka, Honey, your support is a big thing for me. Ikaw ang nagbibigay sa akin ng support na hindi nila binibigay sa akin at thankful ako roon," sabi niya at pilit na ngumiti kahit hindi lumabas ang mapuputi niyang mga ngipin. "Kaya nga ipinagpatuloy ko ang pangarap ko kasi alam kong nandiyan ka to support me at para samahan akong tuparin iyon," dagdag pa niya na bakas doon ang senseridad.

Na-flutter naman ako sa narinig ko at hindi ko maiwasang hindi kiligin at mapangiti dahil doon. Malaking bagay sa akin na ma-apppreciate ni Zandy ang support na binibigay ko sa kaniya. "Because you deserve it Honey, dahil masipag at matiyaga ka," paliwanag ko.

Seryosong nagtama ang mga mata namin na animo'y nangungusap ang mga ito. "Thank you, Honey. Salamat for the support and for being my wife," ani Zandy at saka niyakap ako. Ramdam ko sa kaniya ang saya at tuwa dahil nararamdaman niya ang suporta ko sa kaniya. Hindi ko maiwasang mapangiti at mas niyakap pa siya. Gusto ko pang iparamdam ang pagmamahal ko sa kaniya.

KINAUMAGAHAN, pasado alas-otso na ako nagising dahil napuyat ako kakaisip kay Zandy. Mabuti na lang at hapon pa ang pasok ko sa kompanya dahil tapos na rin naman ako ng ilang articles na kailangan kong ipasa.

Lumabas ako ng silid at bumaba sa sala at nadatnan ko roon sa sala si Zandy na abala sa pagtipa sa laptop niya.

"Good morning, Honey," bati ko sa kaniya.

Mabilis an nag-angat siya ng tingin sa akin. "Good morning, Honey, how was your sleep?" tanong niya. Kinaway pa niya ang kamay niya para paglapitin ako sa kaniya.

Kumunot ang noo ko pero kapagkuwa'y, lumapit pa rin ako sa kaniya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong kinintalan ng halik sa pinsgi ko. Hindi ako nakagalaw at natulala dahil sa gulat ko. Naramdaman ko na naman ang tibok ng puso ko dahil lang sa ginawa niyang iyon.

"What was that?" tanong kong nang makabawi ako sa gulat.

"A morning kiss from your husband, bakit bawal ba?" natatawang sambit ni Zandy. Kanina'y seryoso lang siya pero ngayon, ngumingiti-ngiti na. 

"Hindi ka man lang nagpapaalam, eh," reklamo ko pero nangingiti na rin ako dahil sa kilig.

"Kailangan pa ba 'yon?" 

"Oo, naman para makapaghanda ako," natatawang sabi ko.

"Ok, fine next time magpapaalam ako," sabi niya. Sumeryoso ang mukha niya. "Sige na, kumain ka na muna sa dining, I already cooked foods for you," sabi niya. 

"Eh, ikaw tapos ka na ba kumain? Hindi ka sasabay?" tanong ko sa kaniya.

"Yeah, I'm done, Honey. I'm sorry hindi na kita nagising kasi I'm busy doing my stuffs," sabi niya.

Tumango ako. "Ok," pagpayag ko at tumayo na sa sofa. Naglakad ako patungo ng kusina pero hindi pa man ako tuluyang nakakarating doon nang tumunog ang doorbell ng main door. Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya iyon?

Nagatataka man, lumapit ako sa main door at dahan-dahang hinawakan ang doorknob niyon. Pinihit ko iyon at marahang binuksan. Ganoon na lang ang gulat ko nang tumambad sa akin ang pamilyar na babae. Naka-cup siya habang nakasuot ng eyeglasses kaya hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin. Hindi agad ako nakagalaw habang nakatingin lang sa kaniya. Sinalakay ako ng kaba at takot, maging ng insecurity.

"Where's Zandy?" direktang tanong ng babae na bakas ang kakaibang tono niyon na halatang nanggaling sa ibang bansa at may pagkaarte iyon.

"B-Beverly!"

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon