Unexpected 77

687 8 2
                                    

BINABA KO ang cellphone ko nang matapos ang tawag ni Ton para sa gagawin naming plano sa nalalapit na opening ng restaurant na matagal ng pangarap ni Zandy. Natawa nga ako sa pangalang naisip ni Zandy para sa restaurant. sMILES Restaurant na talagang ipinangalan pa niya sa akin. Sa dami ng magagandang pangalan na pwedeng maisip, iyon pa talaga ang naisip niya pero aaminin ko na natuwa ako at na-apppreciate ko iyon dahil sa pamamagitan niyon, naramdaman kong mahalaga talaga ako kay Zandy.

Bumuntong-hininga ako habang nakaharap sa malawak na kalangitan. Tanghali na rin dahil mataas na ang sikat ng araw. Tumingin ako sa cellphone na hawak ko at nakita kong pasado alas-dose na ng tanghali.

Malungkot akong pumihit at umupo sa upuan na naroon sa terrace. Nami-miss ko na agad si Zandy dahil kahit sabado, kailangan niyang pumasok sa kompanya kasama ang game developer ng kompanya para sa prototype g games na ila-launch nila. Gumising nga akong wala siya sa tabi ko at naiwan lang ang sticky note na nagsasabing nagluto siya para sa akin at dapat kong kainin.

Bumaling ako sa cellphone ko. Binuhay ko iyon at inilagay sa message. Hinanap ko ang pangalan ni Zandy at nag-type ng message sa kaniya.

"Ano'ng oras ka uuwi?" Matapos kong i-type iyon, tinitigan ko muna at paulit-ulit na binasa bago iyon nagpapasiyahang i-send sa kaniya. Naghintay ako ng ilang minuto pero wala akong na-receive na reply mula sa kaniya. Baka nga sobrang busy talaga ni Zandy sa kompanya.

Mayamaya'y nag-vibrate ang cellphone ko at mabilis akong napalingon doon, umaasang pangalan ni Zandy ang makikita ko roon pero agad din akong nadismaya nang makita ko ang pangalan ni Sir Troy. Suminghap ako at walang ganang binuksan ang message niya.

"Don't forget the interview with Beverly tonight, ok?"

Napapikit ako at nasapo ang sentido ng maalala ko ang interview ko kay Beverly. Bumalik din sa isip ko ang sinabi niya tungkol kau Zandy nang nakaraang araw nang magkita kami. Napabuntong-hininga ako. Muntik ko nang makalimutan iyon dahil sa ilang bagay na gumugulo sa isip ko.

Ilang minuto pa bago ako tumayo sa pagkakaupo ko pero agad akong napahawak sa table na nandoon sa harap ko nang maramdaman ko ang pag-ikot ng paligid ko. Itinuon ko ang mga palad ko sa lamesa at mariing pumikit. Nakaramdam na naman ako ng hilo na hindi ko alam kung bakit malimit ko itong maramdaman. Marahil baka dahil sa pagod dahil sa tambak na trabaho sa kompanya.

Sinapo nang kanang kamay ko ang sentido ko at marahan iyong minasahe habang nakapikit ako. Bumuga pa ako ng hangin. Ilang saglit pa akong nasa ganoong posisyon bago nagmulat at sinubukang lumakad. Nakahinga ako ng maluwang nang maramdaman kong nabawasan ang pagkahilo ko. Baka kailangan ko lang magpahinga.

Dumeretso ako ng kwarto namin ni Zandy at humiga roon. Kumain na rin namana ko ng tanghalian kaya pwede na rin akong magpahinga. Ipinikit ko ang aking mga mata at marahang hinimas ang sentido ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.

MATAPOS kong ayusin ang sarili ko, nagpasiya na akong lumabas ng bahay. Halos ilang oras din akong nakatulog kanina at paggising ko'y kumakalat na ang dilim sa paligid kaya mabilis akong naghanda para sa interview na gagawin ko kay Beverly. Binigay na rin sa akin ni Sir Troy ang lugar kung saan iyon gagawin. Sa isang restaurant.

Natulog akong wala si Zandy at nagising akong wala pa rin siya. Nadismaya man ako at nalungkot, alam kong kailangan kong maintindihan na kailangan niyang magtrabaho para sa kompanya nila. Nami-miss ko lang siguro siya dahil pakiramdam ko, nagkakaroon ng kakulangan sa oras ang bawat isa sa amin.

Sumakay ako ng kotse at agad iyong pinaandar patungo sa restaurant na sinabi ni Sir Troy sa akin. Sigurado akong isang sosyal na restaurant iyon dahil si Beverly ang nandoon. Gusto ko na ring matapos ang project na ito para wala nang dahilan para magkita pa kaming dalawa.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon