Unexpected 1

4.2K 61 0
                                    

MARAHAN KONG inayos ang mga gamit ko sa table matapos kong ayusin ang mga articles na ginagawa ko para sa nalalapit na deadline niyon. Makakatulog na ako ng maayos dahil sa wakas ay natapos ko na ang nasabing articles na iyon na kailangan kong gawin. Tungkol iyon sa isang successful na babae na nagmula sa pagiging isang kahig isang tuka. Palaging ganoong tema ang binibigay sa akin kaya minsan nga nauumay na ako.

Nakahinga ako ng maluwag matapos kong ayusin ang mga gamit sa table ko. Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang Journalist sa isang Magazine Publication. Mahigit limang taon na rin ako sa larangang ito at kung hindi nga lang dahil sa trabahong ito kaya naging maayos ang buhay namin, baka nagpalit na ako ng larangan. Hindi kasi madali ang trabaho ng isang Journalist, kailangan mong mag-invest ng halos lahat ng oras mo. Stressful din hindi lang sa mismomg trabaho pati na rin sa mga taong nakakasalamuha ko. Kahit pakiramdam ko'y hindi ko kayang magtrabaho at hindi gumagana ang utak ko, pero dahil may deadline kailangan kong tapusin ang certain articles na iyon para hindi madakdakan ng head editor.

"Miles, are you done? Let's go."

Pinatay ko muna ang computer sa harap ko, saka tumayo at humarap kay Andrea ang long time friend ko. Nagkakilala kami sa high school and untill now we're still together with the same profession. Journalist din siya sa Magazine Publication na pinapasukan ko pero nasa line siya ng sports habang ako sa mga kilalang personality.

Tumango ako. "Yeah, let's go!" balik ko habang matamis na nakangiti. "Finally, I'm done with my article. Huwag na lang sanang ipa-revise ng head," sambit ko pa.

"Article ba 'yan tungkol kay Miss Yua?"

Tumango ako. "Yeah! One of the most inspiring people I've ever known," komento ko. "She worked hard for her position right now."

Ngumiti ako sa mga co-workers ko na nandoon sa silid habang palabas na kami ni Andrea. Abala pa ang iba na marahil naghahabol din sa deadline ng kanilang mga article. Ganito na ang nagiging sistema every time na malapit na ang deadline ng bawat isa.

"Bye!" paalam pa ni Andrea sa mga ito. Lumabas kami ng silid at sabay na sumakay ng elevator.

"Siyanga pala, Andrea how was your date last night?" usisa ko sa nakaraang blind date niya habang nakasakay kami sa elevator.

Natawa ako sa nakita kong reaction ng mukha niya. Para siyang nandidiri at pinagsisisihan iyon. "Don't ask me again about that, Miles, ok? Gusto kong kalimutan ang karanasan kong iyon. Eww! Ang dugyot niya, Miles. Kumain kami sa isang well-known restaurant tapos mangungulangot siya sa harap ko at bibilugin niya sa mga daliri niya. like, eww! Ayaw ko ng maalala iyon!" Itinaas pa ang kamay niya at pumikit habang umiiling.

Mas lalo akong natawa sa mga sinabi niya. "Seriously?" Tumango siya habang hindi ko na napigilang mapahagalpak ng tawa. "Sabi ko naman kasi sa iyo, huwag ka ng maghanap sa blind date, blind date na iyan. Mahirap ng maghanap ng lalaki ngayon, gwapo nga, mayaman, pero may dugyot, may immature, walang pangarap sa buhay at ang masaklap ka lalaki rin ang hanap," sambit ko dahil ranas ko na ang blind date na iyan dahil sa mga magulang ko na atat nang makahanap ako ng lalaking pakakasalan.

Natigilan si Andrea at makahulugang tumingin sa akin. "Wait." Saglit siyang tumigil at sinuri ako. "Parang familiar 'yong last sentence na sinabi mo. Relate ba, Miles?" Natawa si Andrea. "Kung sabagay, gwapo nga naman si Roven, mayaman pero lalaki ang hanap," aniya pa.

Natigilan ako sa pagtawa at saka ko lang na-realize ang mga sinabi ko. Bumakas ang lungkot sa mukha ko at ang pagkadismaya roon. Bumukas ang elevator at sabay kaming lumabas. "Kaya nga hindi ka dapat magtiwala kahit pa kilala mo na ang lalaki dahil palaging may itinatago ang mga iyan," paalala ko na seryoso na ang boses.

"Marahil tama ka pero hindi naman ata lahat. Bakit hindi mo subukan si Troy? Hindi ba't mukhang gusto ka naman no'n?"

Kumunot ang noo ko. "I'm not yet ready, Andrea," pakli ko.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon