Unexpected 52

1K 21 0
                                    

KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising kaya agad akong lumabas ng silid ko at bumaba. Nasa hagdan pa lang ako nang maamoy ko na ang masarap na amoy ng pagkain na nagmumula sa kusina. Napangiti ako at nasapo ko ang tiyan ko dahil sa pagkalam niyon dahil sa samyo ng pagkaing naluluto.

Bigla kong naalala ang mga huling sinabi sa akin ni Zandy nang nagdaang gabi. Buong gabi ko iyong inisip at hindi mawaglit sa akin. Paulit-ulit ko iyong naririnig kahit nakahiga na ako at nakapikit. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang epekto ng mga sinabi niya sa akin na pati ang puso ko, nakikitibok ng malakas.

Matapos naming mag-usap ni Zandy nang nagdaang araw, bumaba ako sa sala at saktong nagpaalam din sila Mama at Papa na aalis na at ganoon din si Tito Andrew at Tita Mandy na humingi pa ng tawad dahil sa nangyari. Ilang minuto naman at umalis din si Zandy na hindi nagpaalam. Naghintay akong bumalik siya pero nakatulog na lang ako kahihintay sa kaniya. Nakaramdam ako ng pag-aalala sa kaniya dahil alam kong masama ang loob niya.

Hindi ko rin alam pero nakakaramdam ako ng excitement tungkol sa three days vacation o mas gusto nilang tawaging honeymoon. Noong una'y gusto kong tumanggi pero dahil sa nangyaring sagutan ni Zandy at Tito Andrew, naisip kong baka makatulong ito kay Zandy. To relax and take some rest from stress and disappoinment niya sa buhay.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi nga ako nagkamali. Si Zandy ang nasa kusina habang nakatapat sa stove at hawak ang sandok. Naka-pink apron siya na palagi kong sinusuot. May design iyong unicorn doon. Napangiti ako dahil ang cute niyon.

"Wow! I feel so hungry when I smelled the food," pukaw ko sa kaniya. Kinabahan ako sa pwede niyang maging reaction. Baka sungitan na naman niya ako o kaya'y hindi pansinin.

Humarap siya sa akin at puminta ang ngiti sa mga labi niya na parang lumiwanag ang mukha niya sa paningin ko dahil doon. Nakapatong ang mga braso ko sa counter habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa gwapo niyang mukha habang nakasuot ng pink apron at hawak ang sandok. Bakas ang saya sa mukha niya dahil sa pagluluto.

"I know you're hungry, Miles that's why I woke up early to cooked," seryosong aniya, saka humarap muli sa kawali. "I'm sorry, Miles for what happened yesterday," mahinang sambit niya pero sapat para Marinig ko. "At sorry din kasi hindi ako nakauwi kagabi ng maaga to cook," dagdag pa niya.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang hinahalo niya ang niluluto niya na parang sauce iyon sa kung saan. "No, it's ok, Zandy hindi mo kailangang humingi ng sorry. Naiintindihan kita." Huminga ako at bahagyang yumuko. "Nag-aalala lang din ako kagabi, dahil hindi ka umuwi." Hindi ko alam na iyon pala ang lumabas sa mga labi ko at huli na para bawiin ko pa iyon. "I mean, worried ako kasi alam kong masama ang loob mo at baka uminom ka at mapahamak," paliwanag ko pa.

Hinarap ako ni Zandy. May bahagyang ngiting kumurba sa labi niya. "Thank you for your concern, Miles," aniya at umiwas ng tingin sa akin. Kinuha niya ang potholder at hinango ang kawali. Tumugo siya sa lamesa at nakita ko roon ang hiwa ng karne na parang pinirito na. Binuhusan niya iyon ng sauce at nilagyan ng dahon sa ibabaw.

"Wow! You really made that?" hindi makapaniwala kong tanong habang nakatingin sa pagkaing nasa lamesa na ang sarap tingnan. Steak nga iyon na may sauce sa ibabaw at edible leaves na nagbigay ng magandang appearance ng pagkain.

Ngumiti si Zandy. "Yeah! Gusto kong bumawi sa 'yo, for making me feel that there's someone who can understand and support me. Thank you, Miles," sabay seryosong aniya sa mga huling sinabi.

Napatulala ako sa kaniya. Hindi ko alam pero gusto ko lang siyang tiningnan dahil hindi ko alam na may ganito palang ugali si Zandy. Lalo siyang naging gwapo sa paningin ko. Ibang-iba ang Zandy na nasa harapan ko kaysa sa Zandy na nakilala ko noon.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon