"LET'S go walwal tayo, treat ko?" ani Chad habang palabas kami ng gusali. Kakatapos lang ng trabaho namin at kahit pa paano'y lumuwag ang schedule ng bawat isa sa amin dahil lahat kami'y nakapagpasa ng articles before the deadline at pasalamat kami at walang binalik para sa revision ng mga iyon.
"Sigurado ka ba, Chad? Hindi ko tatanggihan 'yan, sumakit ang ulo sa articles ko and I think I need some drinks to refresh my minds at mag-relax na rin," nakangiting ani Melissa. Inikot pa nito ang leeg na parang nagwa-warm up at saka hinimas ang sentido.
"Ako rin, Chad I won't resist your offer. Baka nabibigla ka lang, malakas uminom 'tong si Melissa," pananakot ni Andrea kay Chad.
Napangiti si Chad at bumaling kay Melissa. "Kahit pa isang bucket na beer, ibibigay ko kay Melissa if that's what make her happy," anito na tila may kahulugan.
Napakunot ang noo ko pero kapagkuwa'y natawa. "Parang may gusto kang ipahiwatig sa sinabi mo, ah?" Makahulugan ko pang tiningnan si Chad.
Naiilang itong ngumiti at saka bahagyang umiwas ng tingin sa akin. "Eh, ikaw ba, Miles sasama ka ba?" tanong nito na hindi sinagot ang tanong ko.
Hindi agad ako umimik. Wala kasi ako sa mood uminom. Parang gusto ko na lang umuwi at magpahinga.
"Ano na, Miles, desisyon. Sasama o hindi?" ani Melissa. "Papalampasin mo ba 'tong pagkakataon na 'to? Once in a blue moon lang 'to mangyari na manglibre si Chad," pagbibiro pa niya.
Natawa naman ako at ganoon din si Andrea. Napakunot naman ang noo ni Chad. Tuluyan kaming nakalabas ng gusali. Sumalubong sa amin ang malamig na hangin na dumampi sa balat ko. Pasado alas-otso na kasi ng gabi.
"Siguro next-"
"Miles!"
Napalingon ako sa nagsalita at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko si Roven na nakatayo sa tabi ng kotse nito habang medyo baluktot ang katawan. Alam ko ring nagulat ang mga kasama ko, higit lalo si Chad na maraming hindi alam tungkol sa akin. Lasing ba siya?
"Roven?" gulat na tanong ni Andrea habang nanatili akong nakatingin kay Roven na bakas ang tama ng alak sa kaniyang mukha.
"OMG! Si Roven nga," ani naman ni Melissa.
Napakurap ako. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero bakit naaawa ako sa hitsura ni Roven at nakakaramdam ng pag-aalala sa kaniya. Lumunok ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko dapat siya pansinin.
"Let's go," aya ko sa mga kasama ko. Naglakad kami pero hindi pa man kami nakakalayo nang magsalita uli si Roven na nagpahinto sa akin.
"Mahal pa rin kita, Miles! Please, give me a chance to prove my love to you. I'm so sorry for what I've done! I'm sorry!"
Hindi agad ako nakagalaw. Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero may parte sa puso ko na naging masaya dahil sa sinabi ni Roven pero may parte ring nasasaktan. Bumuntong-hininga ako. Dahan-dahan kong hinarap si Roven.
Nakita kong naglakad siya palapit sa akin habang bahagyang gumegewang-gewang na marahil dahil sa tama ng alak sa katawan nito.
"Roven, please, umuwi ka na," seryoso kong sabi. Nasapo ko pa ang noo ko. Bakit ako nag-aalala sa kaniya at naaawa?
"No, Miles! Hindi ako uuwi hanggat hindi mo sinasabing mahal mo pa rin ako," patuloy ni Roven. Bakas doon ang pagkalasing pero maayos pa naman niyang nababanggit ang mga salita. "I'm sorry sa mga bagay na nagawa ko sa iyo sa nakaraan. Pinagsisihan ko lahat ng iyon, Miles. I still love you and I want you to be mine again."
Tama ba ako ng nakikita? Umiiyak siya habang nagmamakaawang balikan ko? Ipokrita ako kung hindi ko aamining na-touch ako sa pagmamakaawa at pag-iyak niya. Ramdam ko na sincere siya sa ginagawa't sinasabi pero ako sa sarili ko, hindi ko na alam kung mahal ko pa ba siya. Ang alam ko lang, parte pa rin siya ng puso ko dahil sa nakaraan.
"Roven, lasing ka na, umuwi ka na lang," marahang patuloy ko sa pagtataboy sa kaniya. "Let's talk if you're not drunk," sabi ko.
Umiling siya at mas lumapit pa sa akin. "No! Gusto kong makausap ka ngayon, Miles. Mababaliw ako sa kakaisip sa iyo. Mababaliw ako sa pananabik kong makita at mayakap ka uli. Miles, kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, pipiliin kong hindi gawin ang bagay na iyon at isama ka na lang sa pangarap ko." Pinahid nito ang luha sa mga pisngi.
"Roven," tanging nabanggit ko. Pakiramdam ko sa pamamagitan ng ginagawa niya, ng pagluha niya, humihilom ang sugat ng nakaraan. Nakikita ko kung gaano siya ka-sincere sa sinasabi niya. Bumuntong-hininga ako at umiwas ng tingin sa kaniya. "I'm sorry, Roven pero hindi na pwedeng mangyari ang gusto mo. Isang taon na ang lumipas, marami ng nangyari para ibalik pa natin ang namagitan sa atin. And besides, kasal na ako kay Zandy," pagtatapat ko sa kaniya.
Narinig ko ang pagtawa ni Roven na bakas ang sakit doon. Saglit siyang umiwas ng tingin sa akin at pinagdikit ang mga labi. "Kasal? Miles, alam nating pareho na hindi mo mahal si Zandy at ganoon din siya sa iyo. Na ikinasal lang kayo dahil sa mga magulang ninyo. Miles, please, if you're doing this just to hurt me, you did. Nasasaktan ako, Miles habang iniisip ko na kasal ka kay Zandy, habang ako hindi ko magawang mayakap ka at maiparamdam ang pagmamahal ko. I know, kasalanan ko ang lahat pero pinagsisihan ko lahat ng iyon and I'm trying to get you back, to get things back to where it was before," puno ng damdaming aniya.
"Roven, hindi 'yon ganoon kadali. Hindi madaling ibalik ang lahat dahil lang mahal mo pa ako. It's been a year, and do you think I still love you the same way before? Maraming nagbago, Roven at hindi mo na iyon maibabalik na gaya ng dati," balik ko sa kaniya na bakas ang lungkot sa mukha ko. Tahimik lang ang mga kasama ko na nagmamasid sa likod. "Kaya please, Roven, tama na. Lasing ka at mas mabuti pang umuwi ka na lang at magpahinga. I'm sorry."
Nang akmang tatalikod na ako ng nang maramdaman ko ang kamay ni Roven na humila sa akin palapit sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit at dahil sa gulat ko hindi ako nakagalaw. Nawalan ako ng lakas para itulak siya palayo.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...