"ANO'NG plano, Miles? Next week would be your birthday, right?" tila excited na sabi ni Andrea habang palabas kami ng gusali. Katatapos lang ng trabaho namin at lahat kami'y na-stress sa dami ng trabaho. Gusto ko nang ipahinga ang utak ko dahil buong araw ko ata iyong nagamit.
Nanliit ang mga mata ko pero kapagkuwa'y napaawang ang bibig ko at sa huli'y napangiti kasabay ng pag-iling ko. Naalala kong birthday ko na pala next week at iyon ang ika-thirty years ko sa mundo at katulad ng inaasahan nila Mama, mapuputol na raw ang sumpa dahil kasal na ako.
"I forgot, Andrea," pagtatapat ko. "Sa sobrang daming nangyari, sa sobrang busy sa trabaho, nakalimutan kong birthday ko pala next week," malungkot kong sabi.
"You're just distracted, Miles. Dahil ba 'yan sa pagdating ni Beverly?" usisa naman ni Melissa. Kaninang umaga pa nga lang, inulan na nila ako ng maraming tanong tungkol sa amin ni Zandy at sa pagbabalik ni Beverly. Wala naman akong choice at dahil nga mga kaibigan ko sila, inamin ko ang totoong relasyon namin ni Zandy at ang tungkol kay Beverly. Well, hindi na ako nagulat sa reaction nila. Halos mabingi nga ako sa tili nila dahil sa sobrang kilig para sa amin.
Umiling ako. "Hindi, Melissa I'm just really busy and also, I'm too happy kaya siguro nawala sa isip ko ang birthday ko," sabi ko at napangiti pa na bakas doon ang kilig.
"Aysus! Eh, 'di sana all happy," natatawang sabi ni Andrea. "Porket ikaw ang pinili," aniya pa.
"Well, ako rin happy pero never kong nakalimutan ang birthday ko kasi naman palagi akong nag-aabang ng regalo from my family and friends at sa mga manliligaw ko na rin," natatawa naman na sabi ni Melissa.
"As if naman marami kang manliligaw," segunda naman ni Chad.
"Tse! Wala ka na roong paki, Chad. Basta I'm happy," giit ni Melissa. Napailing na lang kami ni Andrea.
Tuluyan kaming nakalabas ng gusali at agad na bumagsak ang mga mata ko kay Zandy. Bahagya pa akong nagulat na makita ito roon habang nakatayo at nakasandal sa sasakyan nito.
"Ayieh! Husband is here," pang-aalaska ni Melissa.
"Eh, 'di sana all talaga masaya at pinili," segunda naman ni Andrea habang pangiti-ngiti lang si Chad.
"Oh! Why you're here?" tanong ko nang makalapit sa akin si Zandy.
Ngumiti siya. "I'm here to pick up my wife," simpleng sagot nito at mabilis akong hinalikan sa pisngi kaya naman nagsitilian sa kilig ang dalawang babae sa likod ko.
"Aysus! I have my own car, Hon—Zandy kaya hindi mo naman kailangang—"
"I insist, Honey. I want to be your husband material," putol niya sa sasabihin ko na lalong nagpakilig kila Andrea at Melissa. Nahiya naman akong tawagin siyang Honey dahil hindi ako sanay kahit pa alam na nila ang relasyon namin ni Zandy.
"Sana all, Honey," natatawang sabi ni Andrea.
Napangiti ako at pilit kong pinipigilan ang kilig. Bakit ba masyadong clingy 'tong si Zandy kahit sa harap ng mga kaibigan ko? "O-ok, fine if that's what you want," pagpayag ko sa gusto niya.
"So, let's go home?" tanong ni Zandy. Bumaling siya sa mga kasama ko. "Hi, good evening," bati pa nito sa mga ito habang nakangiti. "Thank you for the support, but for now I'm excited to go home with my wife. Let's hang out again, next time," dagdag pa nito na lalo lang nagpasaya sa mga kaibigan ko.
Lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ko. Alam kong ganito si Zandy pero hindi ko inaasahan na mas magiging sweet at clingy siya sa akin sa harap ng mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang kiligin. Umaapaw na saya kasunod ng mabilis na pagtibok ng puso ko ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...