Unexpected 44 (Part 1)

1K 20 0
                                    

DAHIL nitong mga nakaraang araw, palaging ginugulo ni Zandy ang isip ko, nakalimutan ko ang meeting namin ni Sir Troy with that anonymous person na kailangan kong interview-hin. Until now wala pa rin akong ideya kung sino ang lalaking iyon at kung makilala ko man siya, hindi ko alam kung paano ko siya Kakausapin. Ni hindi ako nakapag-background check sa taong iyon para magkaroon ng ideya kung ano'ng klaseng tao siya.

Kaninang umaga nga, naka-receive ako ng message mula kay Sir Troy para ipaalala sa akin ang meeting na iyon with that person. Susunduin niya raw ako sa bahay, bandang alas-sais ng gabi. Nagulat pa ako dahil nakalimutan ko iyon. Isa pa, dapat pahinga ko pa ngayon dahil linggo pa lang kaya dapat may additional ang sahod ko.

Kaninang tanghali naman, umalis si Zandy at malamang makikipagkita na naman siya kay Ton. Palagi na lang siyang nakikipagkita sa lalaking iyon at kapag nandito naman sa bahay, malimit siya sa silid o kaya naman sa terrace habang kaharap ang laptop niya na parang hangin kami sa isa't isa.

Dahil gusto ko ring umalis ng bahay, maaga pa lang nag-ayos na ako. Simpleng Floral dress na hanggang tuhod ang suot ko at hinayaang nakalugay ang buhok ko. Pakiramdam ko kasi nalulunod ako sa tuwing kami lang dalawa ni Zandy sa bahay. Hindi ako mapakali na para bang mayroong bumubulong sa akin na kausapin ko siya.

Lumabas ako ng silid ko hawak ang color cream porch. Inayos ko ang buhok ko at inipit iyon sa likod ng tainga ko.

Habang pababa ako ng hagdan, bahagya akong nagulat nang makita ko si Zandy na nasa baba habang seryosong nakatingin sa akin. Bigla akong kinabahan na animo'y may mga dagang nagtakbuhan sa dibdib ko. Parang bumagal ang lahat sa paligid ko dahil sa paraan ng mga tingin niya sa akin.

Hindi ako umimik habang pababa pero nasa kaniya pa rin ang mga mata ko at ganoon din siya sa akin hanggang makababa ako. Nakita ko ang pagkurap niya.

"Why you're beauti—I mean why you're dressed up?"

Kinalma ko ang sarili ko sa kakaibang pakiramdam na nabuhay sa loob ko dahil sa mga tingin niya. "Bakit, ikaw lang ba dapat ang pwedeng lumabas at makipag date?" balik na tanong ko. "Syempre, dapat ako rin," dagdag ko pa.

Kumunot ang noo ni Zandy. "Date? Makikipag-date ka at kanino naman?" Hindi naitago ang pagkagulat sa boses niya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Secret, basta I have a date tonight," kunyaring excited kong sabi. "Hindi mo man lang ba ako sasabihan na mag-enjoy? Na sulitin ang gabi with him? Or any message?" sabi ko na para bang iniinggit siya.

Ngumisi si Zandy. Inilagay niya ang kamay sa bulsa ng pants na suot. "Ok, enjoy the night, Miles," nakangiting aniya at saka naglakad na palayo.

Kumunot ang noo ko at napasinghap. Hindi man lang ba niya ako pipigilan? Wait? Bakit ko nga ba sinasabi sa kaniya na may date ako na para bang pinagseselos ko siya? Hays! Napapadyak ako at inis na binalingan si Zandy. Inirapan ko pa siya. Wala man lang ba siyang sasabihin sa akin?

Maigi naman at saktong nakarinig ako ng doorbell mula sa labas at alam kong si Sir Troy na iyon. Muli kong binalingan ang pinanggalingan ni Zandy na bakas ang inis sa mukha bago padabog na lumabas ng bahay. Hindi nga ako nagkamali dahil si Sir Troy nga iyon.

"Good evening, Sir Troy," nakangiti kong bati nang pagbuksan ko siya ng gate.

"Good evening, Miles you look ready. So ano, tara na?" balik niya sa akin na saglit muna akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Ngumiti siya sa akin bago naglakad patungo sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

"Salamat, Sir," sabi ko bago pumasok sa sasakyan.

Mayamaya sumakay na rin si Sir Troy sa driver's seat, saka marahang pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang siya habang nagmamaneho.

"You don't need to feel nervous, Miles act normal, ok? Just ask basic question and that's it."

Bumaling ako kay Sir Troy. Tumango ako sa kaniya. "Hindi ko maiwasang hindi isipin kung sino siya. What he's purpose to be unknown? At bakit ako ang gusto niyang humarap sa kaniya? Is he ugly or a shy type person?" curious kong tanong.

"I don't know either, Miles I just do what he requested," kaswal na sagot ni Sir Troy. "Pero alam kong kilala ka niya, Miles."

Malamang na kilala ako ng lalaking iyon dahil ako ang pinili nito para mag-interview sa kaniya. Kumunot ang noo ko. Ano'ng intensyon niya? Hindi na lang ako nagtanong pa dahil alam ko namang hindi rin alam ni Sir Troy ang sagot.

Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang sasakyan sa tapat ng isang gusali. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang lugar. Nakakalula ang taas ng gusaling iyon. Ibig bang sabihin, ang i-interview-hin ko ay ang may-ari ng malaking kompanyang ito?

"Are we here, Sir Troy?" manghang tanong ko sa kaniya nang makalabas ako ng sasakyan.

Ngumiti siya at tumango. "Yeah, we're here, Miles," sagot niya.

"I thought it was a dinner meeting?" usisa ko pa.

"Yeah, dinner at his company. So, shall we?"

Hindi na ako umimik. Inilahad ni Sir Troy ang kamay papasok sa gusali. Nasa mukha ko pa rin ang pagkamanghang. Hindi ko inakala na ganito kalaki ang kompanya ng kung sino mang lalaking iyon at hindi ko maunawaan kung bakit pakiramdam ko may koneksyon ako sa taong iyon. Sino ba talaga siya?

Humakbang na ako papasok sa malaking gusali at bawat hakbang ko, nakararamdam ako ng kaba at kakaibang pakiramdam na para bang nakikilala ko na ang haharapin ko.

Sumakay kami sa elevator at pinindot iyon ni Sir Troy sa 20th floor. Tahimik lang ako habang umandar iyon. Hindi ko alam ang iisipin ko o dapat ko pa bang isipin kung sino ang haharapin ko, pero hindi ko maiwasang hindi kabahan at makaramdam ng tensyon. Parang gusto ko nang bumalik na lang uli sa bahay.

Mayamaya pa'y bumukas na ang elevator. Naunang lumabas si Sir Troy at tahimik akong sumunod. Binasa ko pa ang labi ko na pakiramdam ko'y nanunuyo at napapawi ang lipstick na nilagay ko roon dahil sa kaba.

"Hello, Sir, Ma'am this way please," sabi ng magandang babaeng sumalubong sa amin sa tapat ng isang pinto. Ngumiti ako sa babae at ganoon din si Sir Troy. Binuksan nito ang pinto at naunang naglakad si Sir Troy.

Nakita kong tumango si Sir Troy sa babae at saka ito umalis. Agad kong hinanap kung sino man ang naroon. Bumagsak ang paningin ko sa lalaking nakaharap sa labas, sa isang malaking glass wall habang nasa tainga nito ang cellphone at may kausap.

Para akong naestatwa sa bultong nakita ko. Pamilyar iyon sa akin at ang repleksyon niya sa salamin ang nagkumpirma sa akin niyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gusto kong tumakbo palayo pero hindi ko magawa. Isa-isang bumalik sa isip ko kung sino siya at kung paano siya naging parte ng nakaraan ko.

"R-Roven?" mahina kong bulong na bakas doon ang pagkagulat.

Kapagkuwa'y nakita ko ang pagbaba ni Roven ng cellphone at ibinulsa iyon. Dahan-dahan siyang humarap sa gawi namin at agad na bumagsak sa akin ang mga mata niya. Hindi man lang bumakas ang gulat sa mga mata niya na halatang inaasahan niya ako.

Kaya pala ako kinakabahan dahil plano ni Roven ang interview na ito para makausap ako. Kaya pala ayaw niyang magpakilala. Ganito na pala siya ka-succeessful ngayon.

Ngumiti si Roven at lumapit sa amin. "Oh! I'm glad you're here," aniya at nakipagkamay kay Sir Troy.

"Of course, Roven It's a privilege for our publication to feature a young and successful Director of Rio Group of Company," masayang sabi ni Sir Troy na puno ng papuri para kay Roven.

Director? Narating niya agad ang posisyong iyon sa loob lamang ng isang taon? Kilala ko si Roven at alam kong puno siya ng pangarap at dedikasyon dahil sa pamilya niya na lahat umaasa sa kaniya.

"No, the Privilege is mine, Troy. By the way, how are you?" tanong ni Roven.

"I'm good, Roven and by the way, I am with our best journalist in publication to do an interview with you. Like you said, I brought Miles to do this," pakilala ni Sir Troy sa akin.

Ngumiti si Roven habang iwas ang tingin ko sa kaniya. Bumaling siya sa akin na matamis ang mga ngiti. "Yeah, Miles Virgilio, right? You're still the same person I knew."

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon