Unexpected 17

1.4K 21 0
                                    

NAPANGIWI AKO nang imulat ko ang mga mata ko dahil sa kirot na nagmula sa ulo ko. Pakiramdam ko rin, nanunuyo ang lalamun ko at bahagyang masakit iyon. Dahan-dahan akong gumalaw at muling napapikit ng masilaw ako ng sikat ng araw na tumagos sa bintana ng silid ko.

Napasandal ako sa headboard at nasapo ang ulo ko. Nanghihina ang katawan ko at walang ganang gumalaw. "Ano bang nangyari?" nagtataka kong tanong. Inalala ko ang mga kaganapan sa nagdaang gabi pero napakunot ang noo ko dahil sa hindi ko maalala ang lahat. Ni hindi ko na natandaan kung paano nakauwi. Mabilis kong tiningnan ang suot ko na may kaba dahil baka kung ano'ng nangyari sa akin. Nang makita kong iyon pa rin ang suot ko, nakahinga ako ng maluwag. "Paano ako nakauwi?" tanong ko pa sa sarili ko.

Ang huling naalala ko, lumabas kami ng Resto na iyon kasama sila ate Shai, pero umalis din sila at kami ang natira ni Zandy. Hanggang doon na lang at wala na akong ibang maalala. Napangiwi muli ako ng muling kumirot ang ulo ko na marahil dala ng hangover. Bakit ba kasi ako uminom at nagpakalasing kagabi? Hindi ko na tuloy alam ang nangyari. Paano kung may ginawa akong hindi maganda o si Zandy?

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko, saka lumingon sa alarm clock na nakapatong sa side table. Napapikit ako nang makitang pasado alas-nuebe na ng umaga. Napabuntong-hininga ako.

Ilang sandali pa, bago ako nagpasiyang bumaba ng kama. Pakiramdam ko'y wala akong lakas at nanghihina ang katawan ko. Dahil siguro sa nasobrahan ako ng alak nang nagdaang gabi.

Inayos ko muna ang sarili ko. Pinuyod ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Lumabas ako ng silid ko at tinungo ang rest room. Naghilamos ako roon at lumabas.

"Mag-almusal ka na riyan, 'nak."

Lumingon ako kay Mama nang akmang kukuha ako ng malamig na tubig sa refrigerator dahil pakiramdam ko, nauuhaw ako. "'Ma, paano ako nakauwi kagabi?" usisa ko, matapos kong inumin ang malamig na tubig na gumuhit sa lalamunan ko at nagbigay ng ginhawa sa akin.

"Bakit ka kasi naglasing, Miles? Buti na lang sinundo ka ni Zandy at inuwi. Nasukahan mo pa siya sa damit," sagot ni Mama na concern pa kay Zandy kaysa sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. "Nasukahan ko ang damit ni Zandy?" gulat kong tanong.

"Mabuti na lang at mabait itong si Zandy at hindi ka iniwan kahit nakakadiri ang suka mo," patuloy ni Mama.

"Mabait!" bulong ko, saka lumayo sa refrigerator at lumapit kay Mama na nagpupunas ng mga platong nahugasan na. Akala mo nama'y totoong mabait, pero ang totoo mapagpanggap siya, pati ang totoo niyang kasarian. Pero nakakahiya nga ang ginawa ko kay Zandy pero hindi naman niya ako masisisi kasi lasing ako.

Bumaling sa akin si Mama pero muli ring bumaling sa mga hinugasan. "Ah! Siya nga pala, 'nak hindi ba't nababanggit ko sa iyo ang tungkol sa dinner date na inihanda namin ni Mandy sa inyo ni Zandy? It would be tonight, 'nak."

"Huh? Date?" gulat kong bulalas. Biglang bumalik sa isip ko ang sinabi ni Mama sa akin tungkol sa date na iyon. Nakalimutan ko na sana iyon pero mukhang hindi iyon makakalimutan ni Mama. "Lilipat na rin naman kami ng bahay next week, 'Ma kaya bakit pa namin kailangang mag-date?" tanong ko na may halong pagpo-protesta.

"Anak, kailangan niyo ng date ni Zandy para makilala niyo ang bawat isa. Isa pa, since hindi naman kayo nagkakaroon ng time to each other, this is the chance, 'Nak. Kilalanin mo muna si Zandy bilang kaibigan and after that, malay mo magustuhan mo rin siya kapag nakilala mo na ang pagkatao niya," litanya ni Mama.

Sumimangot ako. Lumayo ako kay Mama at umupo sa upuan sa harap ng dining table. Kailangan ko pa bang kilalanin si Zandy? Kilala ko na siya at hindi na iyon mababago ang katotohanang siya pa rin ang umagaw kay Roven at hindi ko iyon makalilimutan.

"Fine. Susubukan ko, 'Ma."

DAHIL SUNDAY at wala ako sa opisina, nagpasiya na lang akong lumabas. Tinawagan ko rin si Andrea para samahan akong magliwaliw. Katulad ko kasi'y, day off rin niya. Dumeretso ako sa GoodCoffee Café, 'di kalayuan sa mall. Tinext ko na rin si Andrea na doon ko siya hihintayin. Gusto ko rin siyang tanungin tungkol sa nangyari nang nagdaang gabi, nang malasing ako.

Ilang minuto pa akong naghintay bago dumating si Andrea. Nakasuot ito ng crop top na tinernuhan niya na palda na hindi umabot sa tuhod niya habang ako'y simpleng nagsuot ng pants, t-shirt at Snicker.

"Bakit bigla ka atang nag-ayang lumabas?" bungad sa akin ni Andrea.

Bumakas ang frustration sa mukha ko at sumimangot. "I was just stress, Andrea kaya gusto kong makalanghap ng kakaibang hangin at kahit pa paano'y magbago naman ang environment ko," sagot ko. "Pakiramdam ko kasi, hindi ako titigilan ni Mama hanggat hindi ako nahuhulog sa baklang iyon." Suminghap ako at nagbuga ng hangin.

Tiningnan muna ako ni Andrea ng seryo at napangiti. "Guess what, may ginawa na naman si Tita, right?" hula ni Andrea na totoo naman.

"Seriously, Andrea gusto niyang makipag-date ako sa Zandy na iyon? Ni hindi nila ako tinanong kung gusto ko, they were just planned all of that damn date para sa aming dalawa," reklamo ko na bakas doon ang inis at pagkadismaya.

Napaawang ang bibig ng kaibigan ko pero kapagkuwa'y, napangiti na wari'y hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin. "A date for you with Zandy? Wow! I just can't believe it, Miles. Mukhang hindi sila titigil hanggang sa pareho kayong mahulog sa isa't isa. This is insane!" hindi makapaniwala sabi niya.

"Mababaliw na talaga ako, Andrea! Hindi ko na alam ang gagawin ko." Nagusot ang mukha ko sa sinabi ko at bahagya pang nagpapadyak na parang bata.

"Wait, Miles kung gusto nila ng ganito, why don't you just play with them. I mean, gawin mo ang gusto nila," suhestiyon ni Andrea.

Kumunot ang noo ko. "Gawin ang gusto nila? Seryoso ka, Andrea I don't want to play with them, Andrea dahil alam kong wala silang limitasyon pagdating sa amin ni Zandy. They are all desperate na makatuluyan ko ang baklang iyo that would never happen. Period!"

"Oy! Huwag kasigurado," pang-aalaska ni Andrea.

"Sigurado ako, Andrea," madiin kong balik.

Makalipas ang ilang minuto, nagpasiya na rin kaming pumasok sa loob ng mall para magtingin doon ng kahit ano, kahit wala naman akong balak bilhin.

"Siya nga pala, Miles kumusta pag-uwi mo kagabi?" tanong ni Andrea habang nagtitingin kami ng mga damit doon.

Nilingon ko siya. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Hinatid ako ni Zandy at sabi ni Mama nasukahan ko pa raw ang mokong na iyon. "Ok naman," pakli ko.

"Mukhang naparami nga ang inom mo kagabi, eh, mabuti na lang nandoon si Zandy at hindi uminom. Gumegewang-gewang ka pa nga, eh habang inaalalayan ka ni Zandy. Alam mo, sa totoo lang Miles, he's gentleman at masarap din kausap," ani Andrea.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Gentleman at masarap kausap? I don't think so, Andrea. Nakakainis kaya ang baklang iyon. He's annoying and always getting into my nerves like a crazy man." Umirap pa ako sa mga sinabi ko.

"Hindi mo ba alam, Miles go na go siyang makipagkwentuhan sa atin kagabi. Kahit sabihing mayaman siya, marunong siyang makisama at makibagay," patuloy na pagpuri niya kay Zandy.

"Naku, Andrea don't be deceive by his pakitang tao attitude," protesta ko naman.

"Grabi ka naman kay Zandy, Miles parang hindi naman siya ganoon," pagtatanggol niya.

Lalo lang kumunot ang noo ko. Bakit ba pinagtatanggol niya ang lalaking iyon? Isa beses lang naman niyang nakasama, mabait na agad at gentleman.

"Whatever, Andrea. Tara na nga," aya ko na lang sa kaniya. Nauna na akong lumabas ng store. Ayaw ko na ring makipagtalo pa sa kaniya tungkol sa Zandy na iyon. Basta ako, naiinis at galit sa baklang iyon.

Nang makalabas ako ng store, napagawi ang tingin ko sa kanang bahagi ng malawak na gusali. Para akong naestatwa at kusang nakita ng mga mata ko ang pamilyar na bulto. Naka-side view ito pero hindi ako pwedeng magkamali.

"R-Roven?!"

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon