HINDI ko alam kung ano'ng dapat kong isipin matapos kong marinig ang mga sinabi ni Roven sa akin. Kung sana noon, sinabi na niya sa akin ang bagay na iyon, hindi sana kami humantong sa ganito. Kaya ko naman siyang intindihin, eh, kaya kong mag-adjust sa relasyon namin kung 'yon ang kailangan kong gawin. Hindi 'yong sasaktan niya ako sa pamamagitan ni Zandy. Hindi pa rin valid ang dahilang iyon para patawarin ko siya.
Pasado alas-dose na ng gabi at hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Nagpasiya akong lumabas ng silid at tumungo sa terrace. Nakasuot lang ako ng pajama at sandong pantulog dahil mainit kanina sa silid ko.
Matapos kong iwan si Roven at Zandy kanina, dumeretso ako sa bahay nila Mama at Papa para ilabas ang lahat ng sakit at galit ko sa mga nalaman ko. Hinayaan nila akong umiyak at ilabas ang lahat ng hinanakit at sakit sa puso ko habang yakap ni Mama. Kahit pa paano'y nararamdaman kong may masasandalan ako sa kabila ng lungkot at pagkalito ko. Pakiramdam ko nga, namumugto na ang mga mata ko kakaiyak.
Niyakap ko ang sarili ko ng umihip ang malamig na hangin. Nakatayo ako sa terrace habang nakatingin sa malawak na kalangitan kung saan may nagliliwanag na mga bituin na kahit pa paano'y nagbibigay sa akin ng comfort."Why you're still awake, Miles?"
Naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin at alam kong si Zandy iyon. Sa totoo'y wala na akong makapang galit sa kaniya dahil marahil si Roven naman talaga ang may kasalanan. Saglit ko siyang nilingon. "Hindi ko kayang ipikit ang mga mata ko, Zandy dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga iyon, bumabalik ang lahat sa nakaraan ko," seryoso kong sambit.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Zandy. Ayon sa suot niya, kakauwi lang niya mula sa kung saan. Naka-jacket kasi siya at trouser. Nakita kong hinubad niya ang suot na jacket. "Wear this, masyadong malamig dito sa labas," marahan niyang sabi.
Nagulat na lang ako nang inilagay niya sa likod ko ang jacket niya. Hindi ko alam pero naramdaman kong tila may yumakap sa akin para bigyan ako ng comfort. May kung ano sa loob ko na nakaramdam ng kiliti dulot ng ginawa ni Zandy.
"Salamat, Zandy," tanging nabanggit ko at muling tumingin sa kalangitan.
"I'm sorry, Miles if you think na nakikialam ako sa 'yo at kay Roven. I'm sorry kung sa tingin mo, wala ako sa lugar to invade your personal relationship with Roven," seryosong aniya. Bumaling ako sa kaniya at saktong nakatingin din siya sa akin. Seryoso ang mukha niya. "Sabihin mo lang kung ayaw mo ang ginagawa ko," dagdag pa niya.
Umiwas ako sa kaniya ng tingin at bahagyang yumuko. "Gusto ko lang malaman, Zandy kung bakit ka pumayag sa plano ni Roven? Pilit kong iniisip kung ano'ng relasyon mo sa kaniya para pumayag ka sa gusto niya?"
Bumuga ng hangin si Zandy. Nakahawak siya sa bakal na nagsisilbing harang sa terrace. "Hindi ko gustong gawin ang bagay na iyon, Miles para saktan ka pero may sarili akong dahilan." Saglit siyang huminto sa pagsasalita. "Pinsan ni Roven si Beverly, ang babaeng minahal ko sa loob ng limang taon that I thought she's the one for me for the rest of my life, pero nagkamali ako when Beverly asked me to broke up with her. Sabi niya, gusto niyang unahin ang career niya. She wants to be a model in Paris. So, we're on the same ground that time, Miles. Pareho tayong iniwan dahil may mas priority sila kaysa sa atin. A year ago, after we broke up, tinawagan ako ni Roven para sa isang deal, tutulungan niya akong makausap si Beverly at tutulungan ko siya sa plano niya. At first, I've never thought that he wants me to be his affair para saktan ka at iwan mo siya." Nakita ko ang pagngiti niya na bakas doon ang lungkot at pagsisisi.
"Nagkamali ako noon, Miles. Bukod sa sinaktan kita, nasaktan din ako dahil when I talked to Beverly, she told me that she doesn't love me anymore," aniya pa.
Hindi agad ako nakaimik sa narinig ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. May kung ano'ng pagkadismaya ang lumitaw sa puso ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko ang sinabi ni Roven na nagbalik na si Beverly at ang model na nasa nasa publication na Beverly din ang pangalan na nakasabay ko pa sa elevator. Siya na ba si Beverly?
Umiwas ako sa kaniya ng tingin at bumaling sa mga bituin. Ngumiti ako. "Pareho pala talaga tayo ng sitwasyon, Zandy simula sa nakaraan nating pag-ibig hanggang sa pamimilit ng pamilya nating ikasal tayo sa isa't isa. Nagkataon lang ba na pareho tayo ng sitwasyon?" tanong ko.
"Hindi ko alam, Miles pero maybe we're destined to met each other, kasi we're on the same situation." Kumibit-balikat pa si Zandy.
Hindi ko alam kung bakit may lungkot akong nararamdaman dahil alam kong may lugar pa rin si Beverly sa puso ni Zandy. "Ano'ng gagawin mo sakaling totoo ang sinabi ni Roven na nagbalik na si Beverly?"
Hindi agad nakaimik si Zandy at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Nawala ang emosyon doon, saka umiwas siya ng tingin sa akin. "I don't know, Miles. Hindi ko alam," kaswal na aniya.
Bakit nararamdaman ko ito? Bakit may lungkot sa puso ko sa katotohanang mahal pa rin ni Zandy si Beverly?
"Babalikan mo ba siya at iiwan ako?" Hindi ko namalayan ang lumabas sa mga bibig ko. Kusa iyong lumabas na bakas ang lungkot doon.
"Huh?" gulat na reaction ni Zandy. "Hindi ko alam kung totoong bumalik siya, Miles pero kung totoo man iyon, hindi kita iiwan para balikan siya. You're my wife. You made me feel special and accepted, Miles na hindi ko naramdaman sa kaniya," aniya habang nakatingin sa mga mata ko.
Nagtama ang paningin naming dalawa na animo'y nagungusap ang mga iyon. Kahit pilitin kong mang umiwas, ayaw gawin ng mga mata ko. Tila na-magnet iyon ng magagandang mata ni Zandy. Tumahimik ang paligid at tanging ang tibok ng puso ko ang naririnig ko. Nawala rin ang lamig ng hangin dahil sa kakaibang init na nararamdaman ko.
"T-thank you, Zandy. Kung iiwan mo man ako, please huwag muna ngayon," marahan kong sabi sa kaniya. "I'll give you the permission to invade my personal feelings, Zandy. Gusto ko ang ginagawa mo," dagdag ko pa. Pakiramdam ko'y nilamon na ako ng kakaibang nararamdaman ko na pati ang boses ko'y 'di ko na naririnig.
"I'll do, Miles basta ipangako mong palagi ka sa tabi ko para suportahan ako. You always give me strength and motivation to do what I love to do, Miles. Salamat."
Naramdaman ko na lang na magkalapit na pala kami ni Zandy. Naramdaman ko ang katawan niya sa akin. Hindi pa rin naghihiwalay ang mga mata namin na nangungusap. Pakiramdam ko'y namumula ang pisngi ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umiwas ng tingin sa kaniya. Gusto ko ang nararamdaman ko at ang nagyayari sa pagitan namin ni Zandy.
Hanggang sa namalayan ko na lang ang palad ni Zandy na pinahid ang luha sa mga mata ko na hindi ko namalayang tumulo.
"Gusto kong makilala ka pa, Miles," pabulong na ani Zandy. "I wanted you to be part of my heart," dagdag pa niya na lalong nagpalakas ng kabog ng dibd*b ko.
"Z-Zandy," tanging nausal ko.
Kinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya. Kapwa kami'y nilamon na ng kakaibang pakiramdam na iyon at ng init na bumabalot sa amin. Mas lumapit pa ang mukha niya sa akin at kita ko ang bawat detalye ng gwapo niyang mukha. Naririnig ko na rin ang paghinga niya.
Pumikit ako nang mas lumapit pa ang mukha ni Zandy sa akin. Ilang saglit pa at naramdaman ko ang malambot niyang labi na lumapat sa akin. Gumalaw ang mga labi niya habang mahigpit ako napakapit sa bakal ng terrace. Para akong nanghihina sa nararamdaman ko. Para akong babagsak.
"Gusto kong palagi tayong ganito, Miles."
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...