"HUH! IPAKAKASAL ka nila Tita at Tito sa anak ng kaibigan ni Tito? OMG! Seriously, Miles?" bayolenteng reaction ni Andrea nang sabihin ko sa kaniya ang naging usapan namin ng mga magulang ko nang nagdaang gabi na hindi nagpatulog sa akin. Sino nga ba namang makakatulog kung malalaman mong ikakasal ka na pala ng hindi mo nalalaman.
Nasa labas kami ng kompanya habang kumakain ng lunch.
Malungkot akong tumango para ikompirma ang sinabi ko. "Nahihibang na sila para gawin iyon, Andrea. Just because of that damn f*cking curse na iyon na panahon pa ni kupongkupong pinaniniwalaan. Hello! Nasa year 2022 na tayo at wala sa 90's. Hindi na uso ang sumpa," pagra-rant ko sa kaniya.
Seryoso akong tiningnan ni Andrea at kapagkuwa'y natawa rin. Tinaasan ko siya ng kilay. "I'm sorry, Miles. Natatawa pa rin ako every time na naririnig ko ang sumpang iyan. Mukhang naiwan ng nakaraan ang pamilya mo for believing in that old ritual. Pero kung sa bagay, may point din sila sa ibang parte." Sumeryoso na siya. "You're going thirty, few months from now. May edad na rin ang mga magulang mo kaya siguro pinipilit ka na nilang magpakasal. Kahit ako nga, eh I'm just going twenty-nine pero pinipilit na rin ako ng mga magulang ko na magpakasal para raw makita nila ang magiging apo sa akin dahil may edad na raw sila," pagkwekwento niya, saka sumubo ng pagkain.
"Naiintindihan ko sila sa parteng iyon, Andrea pero sa ngayon I'm not ready to settle down. I'm on the process of fixing myself para ihanda sa lalaking darating sa buhay ko. Isang beses lang ikakasal ang babae at gusto kong gawin iyon sa lalaking mahal ko. And besides, married isn't just a matter of ceremony, it's a ritual of love, giving your whole self, whole life, to the man you choose to be with all your life." Halos hindi ko magalaw ang pagkain ko dahil sa pressure at stress na nararamdaman ko.
"You're right, Miles pero the question is kaya mo bang suwayin ang mga magulang mo?"
Hindi agad ako nakasagot. Kaya ko nga bang hindi sila pagbigyan sa kahilingan nila para sa akin? Naiintindihan ko ang gusto nila pero ang hirap niyon para sa akin.
—
NAGULAT NA LANG ako nang makauwi ako mula sa trabaho, nang makita ko ang isang 'di pamilyar na kotse sa harap ng bahay. Kulay itim iyon at nagkikinang pa. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Kaninong kotse naman iyon at bakit nasa tapat iyon ng bahay? May bisita pa sila Mama sa ganitong oras?
Nagtataka man, ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at nagpatuloy na sa paglalakad papasok sa bahay. Hindi ganoon kalakihan ang bahay na mayroon kami pero masasabing pinagastusan din iyon ng malaki dahil sa magandang disenyo niyon. Kulay white ang kulay niyon. Dati kasing seaman si Papa kaya nagawa rin naming makapagpundar ng ganoong tirahan.
Pumasok ako sa bahay habang kinukuha ang cellphone ko sa shoulder bag na dala ko.
"Anak, come here."
Napahinto ako at nag-angat ng tingin kay Mama. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang dalawang taong 'di pamilyar sa akin. Ngayon ko lang sila nakita. Kung pagbabasehan ang mga hitsura nila, hindi nalalayo sa edad ni Mama at Papa ang mga ito. Mukhang mag-asawa rin sila. Ngumiti ang mga ito sa akin habang pinagmamasdan ako.
"So, ikaw na pala ang anak nitong si Wesley at Emma, hija," marahang sambit ng babaeng iyon na marahil ay nasa edad singkwenta na ngunit hindi iyon mahahalata dahil sa taglay nitong ganda lalo na siguro no'ng kabataan nito.
Hindi ako agad nakasagot at naka-react, nanatiling seryoso ang mukha ko. Sino sila? Nang makabawi ako sa gulat, alangan akong ngumiti sa kanila. Binalingan ko si Mama at sinenyasan naman niya akong lumapit at ginawa ko naman.
"Hello po! Magandang gabi," magalang kong bati sa kanila.
"Kumusta, hija? Mas maganda ka pala sa inaaaahan ko. You're not just beautiful but you look so smart ang mature," komento naman ng lalaking katabi ng babaeng iyon.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomansSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...