NAPILI NAMING kumain sa malapit na resto, kung saan may bandang umaawit sa entablado. Maraming tao sa lugar at open iyon kung kaya naman ramdam ko ang ihip ng malamig na hangin sa katawan ko.
"Sigurado ka ba, Zandy na ok lang sa 'yo ang lugar na ito? You're rich man at hindi ka bagay sa lugar na ito," tanong uli ni Andrea kay Zandy nang makaupo kami sa bakanteng table.
Ngumiti si Zandy at saglit na yumuko. "Don't treat me like a rich man tonight. At saka, gusto ko ring maranasan 'yong ganito, 'yong simpleng buhay. Isipin niyo na lang na we're on the same ground," seryoso ani Zandy.
Tahimik lang ako habang pasimpleng umiirap sa mga sinasabi ni Zandy na ang hirap paniwalaan. Bakit ba kung umakto siya sa taong malalapit sa akin, animo'y mabait siya at walang ginawa sa akin. Naiinis ako at nagagalit sa pagpapakitang tao niya.
"Teka ka nga, Chad um-order ka na nga ng food at drinks para masimulan na natin ang walwalan," utos ni Melissa kay Chad na katabi nito sa upuan. Magkatabi naman kami ni Zandy habang magkatapat si Andrea at ate Shai.
"Inutusan mo pa talaga ako, Melissa 'no? Bakit kaya hindi na lang ikaw ang um-order, nakita ko pa namang gwapo 'yong server," sambit ni Chad.
"Gwapo? Nasaan?" agad naman na tanong ni Melissa at luminga pa sa paligid. "Waiter," sabay tawag niya sa lalaking nakatalikod 'di kalayuan sa amin.
"Naku! 'Pag gwapo talaga ang bilis mo, 'no?" naiiling na komento ni ate Shai.
"Ganiyan talaga pag-single, pagbigyan niyo na 'yang si Melissa," natatawang wika naman ni Andrea.
Habang pinili ko na lang manahimik. Naiilang din ako dahil katabi ko si Zandy at alam kong panaka-naka siyang tumitingin sa akin.
Mayamaya pa'y lumapit ang server, kasunod ang pagpipigil ng tawa ng mga kasama ko, maging ako'y hindi naiwasang matawa sa pagkadismayang nakita ko sa mukha ni Melissa nang dumating ang server. Gwapo naman nga ito pero nang magsalita, isa pa lang bakla.
"Buset ka, Chad! Gwapo pala huh?" inis na ani Melissa matapos niyang um-order at hinampas pa sa braso ang natatawang si Chad.
"Gwapo naman, ah? Hilig mo kasi sa gwapo, eh, hindi ka naman nila hilig," banat pa ni Chad.
Napatawa na lang kaming lahat. Naalala ko si Zandy na katabi ko, gwapo nga pero bakla naman. Sumeryoso ako at nakaisip ng patama sa kaniya. "Naku, Melissa hindi ka dapat magtiwala sa mga gwapong lalaki kasi hindi natin alam ang tunay nilang pagkatao, 'yong iba riyan nagpapanggap na lalaki, gwapo, hot pero ang totoo lalaki rin ang hanap," makahulugan kong sabi na pabulong sa nga huling salita. Bumaling ako kay Zandy. "'Di ba, Zandy?" tanong ko sa kaniya.
Narinig kong halos masamid si Andrea sa naging tanong ko kay Zandy. Nagtaka naman ang mga kasama namin sa naging reaction ni Andrea.
Pero imbis na maapektuhan si Zandy, ngumiti pa siya sa akin. "Tama ka, Miles minsan they were just pretend to hide their true gender preference pero minsan din nami-misinterpret lang natin sila dahil sa mga nakita natin na kakaiba sa kanila," paliwanag niya.
"Wait, bakit ba napunta sa gender preference ang usapan, huh? Saka, Miles bakit parang pingdududahan mo naman ang pagiging lalaki nitong si Zandy?" sabat ni ate Shai.
"Hello, Ma'am, Sir ito na po ang order niyo," saad ng baklang server nang makarating ito sa table namin. Isa-isa niyang nilapag ang mga pagkaing in-order namin at ang beer na inumin.
"What? Baliw ka Miles kung pagdududahan mo ang pagiging lalaki nitong si Zandy. Look how mannly, handsome and hot he is. Kahit sinong babae, pati bakla hahabulin siya," segunda naman ni Melissa nang makaalis ang server na nginitian pa nito. Kumuha pa ito sa crackers na nasa lamesa at sinubo iyon.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...