Unexpected 56 (Part 2)

890 15 0
                                    

NAPUNO ng katahimikan ang loob ng sasakayan habang nagbabyahe kami ni Zandy patungo ng Quezon. Naalala ko pa rin ang mukha ni Roven nang iwan ko siya sa tapat ng bahay. Kita ko ang sakit at kirot doon at inaamin kong naaawa ako sa kaniya. May bahagi sa aking gusto ko siyang balikan para kausapin pero alam kong hindi ko na iyon dapat gawin. Pagbalik ko mula sa bakasyon, saka ko aayusin ang lahat sa amin ni Roven at lilinawin iyon.

"Mahal mo pa rin ba siya, Miles?" basag ni Zandy sa katahimikan.

Mula sa labas ng sasakyan, lumipad ang paningin ko sa kaniya. Seryoso lang ang mukha ko at pagdaka'y umiwas din ng tingin. "I don't know, Zandy. Hindi ko alam ang nararamdaman ko para kay Roven. Kung pagmamahal pa ba ito o awa na lang," sagot ko. "Ang alam ko lang, he's still part of my heart."

"Did your heart beats everytime he's near with you? Do you feel the same happiness and feelings the way you felt it before?" tanong ni Zandy.

Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Bumibilis pa ba ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko si Roven? Ganito ba 'yong pakiramdam na naramdaman ko noon, nang panahon masaya pa kami sa isa't isa? Hindi agad ako nakasagot dahil ang alam ko, kay Zandy bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi na kay Roven.

"Hindi ko rin alam, Zandy. Baka kasi, 'pag pinatawad ko siya at inalis ko ang galit ko sa ginawa niya noon, baka muli kong maramdaman ang pagmamahal ko sa kaniya. He's still the man I loved before at hindi malabong mangyari ulit iyon. Maaring natatabunan ng galit ko ang pagmamahal na mayroon pa ako sa kaniya," sambit ko na seryoso lang ang mukha.

"Sinasabi mo bang baka mahal mo pa rin siya? Na may pagmamahal ka pa ring natitira para sa kaniya? Gusto ka niyang makuha ulit and you will let him do that?" Bakit parang hindi niya iyon gusto? Hindi ba't pabor naman iyon sa kaniya?

"Hindi ganoon, Zandy hindi ko sinasabing hahayaan ko siyang bumalik sa buhay ko kasi hindi iyon mangyayari. Hindi na pwede. I'm married to you, Zandy at isa pa, marami ng nangyari para muli pa naming ibalik ang nakaraan namin," dahilan ko. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa kaniya? "Ikaw, Zandy kapag ba bumalik si Beverly at makipagbalikan sa 'yo, tatanggapin mo siya kahit kasal tayo?" balik kong tanong sa kaniya.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa naging tanong ko. Hindi rin agad siya nakasagot.

"P-paanong kung sabihin kong hindi na because I am happy with my life now, a married man, as a husband. Masaya na akong kasama ka," sagot niya.

Ako naman ang natigilan sa narinig ko. Tama bang lahat ng iyon o nagkamali lang ako ng pandinig. Napatingin ako sa kay Zandy. Nagtama ang mga mata namin pero agad din siyang umiwas para bumaling sa daan. Kita ko ang pagkaseryoso sa mukha niya. Nagsimula na namang tumibok ng 'di normal ang puso ko at may kung ano'ng sayang lumitaw doon kasabay ang kiliti roon.

Hindi ko makuha ang salitang dapat kong isagot sa sinabi ni Zandy kaya mas pinili ko na lang na manahimik at itago ang nahihiya kong mukha na pakiramdam ko'y namumula na.

Muling namayanin ang nakakabinging katahimikan sa loob ng sasakyan at tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Hindi na rin nagsalita si Zandy at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. 

Ilang oras din ang byahe mula Manila to Quezon kaya naisipan kong umidlip muna para na rin iwasan ang kakaibang tensyon na nabuo sa pagitan namin ni Zandy.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaidlip nang magising ako, nang tumama sa mukha ko ang sikat ng araw na agad ding nawala. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko ang kamay ni Zandy na nakaharang sa sikat ng araw habang nandoon siya sa labas ng bintana.

"Let's eat, Miles alam kong gutom ka na," bungad niya sa akin. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat ko. Hindi ko rin alam ang ire-react ko.
 
"Nasaan na ba tayo?" tanong ko.

"Nasa Laguna pa lang tayo, Miles," sagot niya.

Umiwas ako ng tingin kay Zandy bago bumaba ng sasakyan. Akala ko'y nandito na kami sa Quezon, nag-stop over lang pala si Zandy para kumain. Kung sa bagay, gutom na rin naman kasi talaga ako. Ilang oras na rin kami sa byahe.

Dinala ako ni Zandy sa isang restaurant malapit sa pinagparadahan niya ng sasakyan. Simple lang iyon pero napakalinis tingnan at mukhang masasarap ang mga pagkain. Marami ring kumakain doon. Filipino foods ang hinahain ng restaurant.

Matapos um-order ni Zandy ng pagkain, tahimik lang kaming nag-antay na mai-serve iyon at nang dumating na ang pagkain, tahimik lang kaming kumain.

Base sa obserbasyon ko, tunay ngang masasarap ang pagkain sa restaurant na iyon kaya hindi ko namalayang marami pala akong nakain at naubos namin ang lahat ng pagkaing in-order ni Zandy.

"I loved their foods. There's unique taste in every dishes that they served," puri ni Zandy sa mga pagkaing inihain sa amin.

Tumango ako. "You really have a different taste when it comes to food, Zandy. Alam mo ang masarap o hindi. Ako kasi everytime na kumakain ako, kapag nagustuhan ko, masarap na iyon sa akin," nangingiti kong sambit.

"That's the taste, Miles kapag nagustuhan ng dila mo, it means, masarap at patok sa taste mo," wika ni Zandy.

Ngumiti ako. "Maybe you're right, kaya siguro palaging gusto ng bibig ko ang pagkaing niluluto mo dahil masasarap iyon." Ngumiti lang si Zandy na nagpalabas ng ka-cute-tan niya na gusto ko palaging nakikita.

Matapos naming kumain at magbayad ng bill, agad na rin kaming umalis. Nag-take out pa si Zandy ng Milk tea para sa aming dalawa na tamang-tama dahil sa init ng panahon.

Nagsimula na ulit ang byahe namin patungo sa Quezon Province. Bakit kasi sa probinsya pa nila napili ang vacation na ito? There's a lot of places near in Manila, na mas malapit para sa bakasyon.

"You can take a nap, Miles gisingin na lang kita kapag nandoon na tayo," sabi ni Zandy habang nagmamaneho.

Lumingon ako sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang pagngiti niya. Hindi ko na naman magawang alisin ang mga mata ko sa kaniya dahil sa napakagwapo niyang mga ngiti. Para akong mina-magnet niyon.

"Don't look at me like that, Miles nagmamaneho ako and don't distract me with that kind of look, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko," nangingiting sambit ni Zandy at umiwas ng tingin sa akin para ibalik iyon sa unahan ng sasakyan.

Doon ako natauhan. Mabilis akong kumurap at umiwas ng tingin sa kaniya. Lumingon na lang ako sa labas ng bintana habang ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Bigla akong kinabahan kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Nandito na naman ang kakaibang pakiramdam na ito na hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko sa tuwing nagtatama ang mga mata naming dalawa.

Bakit ba ganito na lang ang epekto mo sa akin, Zandy? Dati naman, wala ka lang sa akin at wala akong pakialam sa presensiya mo, pero ngayon, ibang-iba na. May nararamdaman na nga ba ako para sa iyo?

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon