Unexpected 85 (Part 1)

960 12 2
                                    

HALOS hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip ko kay Zandy dahil sa mga sinabi ng taong nasa paligid ko na isa lang din ang gusto nilang sabihin sa akin, na bigyan ko ng pagkakaton si Zandy na maging ama at asawa sa bata at sa akin. Gayon din ang pagkakataon na baka tuluyang mawala si Zandy sa akin kung hahayaan ko siyang lumayo.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Lumapit ako sa side table na naroon at kinuha ang isang envelope. Binuksan ko iyon at nakita ko ang pangalan ng sMILES Restaurant na itinayo ni Zandy sa tulong ni Ton. Invitation iyon para sa opening niyon at ipinidala ni Ton sa akin ang invitation. Gaganapin ang opening sa isang araw at hanggang ngayon, pinag-iisipan ko kung dapat ba akong pumunta roon o hindi. 

Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant na si Zandy mismo ang nag-isip at hindi niya naisipang palitan pa iyon.

Bumuntong-hininga ako. Binalingan ko ang umuumbok kong tiyan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hinimas ko ang tiyan ko. Sa tuwing ginagawa ko iyon, pakiramdam ko ay yakap ko na ang bata maging si Zandy.

"Alam kong kung nandito ka na sa tabi ko, sasabihin mo rin sa akin na bigyan ko ng pagkakataon si Zandy na maging tatay sa iyo at maging asawa sa akin." Saglit akong tumingala. "Hindi ko naman gustong bitawan si Zandy, eh, dahil mahal ko siya. Marahil sapat na ang space na ibinigay ko para sa aming dalawa para ayusin ang relasyon at pagsasama namin." Ngumiti ako habang nakatingin sa tiyan ko kung saan nandoon ang magiging anak namin ni Zandy.

Umusbong ang excitement at saya sa akin dahil sa maaring mangyari. Dahil sa mga tao sa paligid ko at sa batang nasa sinapupunan ko, mas nalinawan ako sa dapat kong gawin. Tama sila, minsan pa lang nagkamali si Zandy and he deserve the chance. Tama rin sila na baka dahil sa space na hiningi ko, tuluyang mawala si Zandy sa buhay ko at pagsisisihan ko iyon. Pero ngayon, handa na ako para ayusin ang lahat at sana hindi pa ako huli. Sana hindi pa huli ang lahat para i-save ko ang relasyon naming dalawa.

Hindi ko rin gustong mawala ang relasyong sinimulan naming buuin at ayaw kong ipanganak ang bata na wala si Zandy sa tabi namin. Tama na ang space na hiningi ko para sa aming dalawa dahil na-realize ko na ang lahat ng bagay. Mahal ko si Zandy at hindi ko kayang mawala siya sa buhay namin ng magiging anak namin.

PUNO NG excitement ang puso ko nang dumating ang araw na iyon kung saan magbubukas ang pangarap ni Zandy at sa pagbubukas niyon ang katuparan ng mga pangarap niya. Sobrang saya ko para sa kaniya dahil sa wakas, matutupad na niya iyon ng malaya.

Nagmamadali kong inasikaso ang sarili ko. Pumili ako ng dress ba babagay sa akin at nakuha ko naman ang isang kulay pink na dress na matagal ko ng hindi nasusuot. Mabuti na lang at nagkasya pa iyon sa akin. 

Ilang araw kong hinintay ang pagkakataong ito dahil gusto kong mas maging masaya si Zandy at ganoon din ako. Handa na akong ayusin ang lahat sa amin para sa pamilyang bubouin pa namin na magkasama.

Matapos kong tiningnan ang repleksiyon ko sa salamin at ma-satisfy sa hitsura ko, lumabas ako ng silid ko at nadatnan ko roon si Mama at Papa. Nagulat pa ako nang makita kong nakaayos din sila. Nakangiti pa nila akong sinalubong.

Kumunot ang noo ko. "Are you going with me, 'Ma?" nagtataka kong tanong.

Ngumiti at nagkatinginan silang dalawa na mas lalong nagpakunot sa noo ko. Tumango si Mama. "Of course, Miles. Gusto rin naming masakasihan ang tagumpay ng aming son in law and besides we also have an invitation for the opening of sMILES Restaurant," masayang pahayag ni Mama at itinaas pa ang kanang kamay na hawak ang invitation.

Napangiti ako. Naramdaman ko ang suporta ng pamilya ko kay Zandy at hindi ko maiwasang hindi sumaya para sa kaniya. I'm so proud of him dahil sa wakas nagawa niya ang bagay na gusto niyang gawin.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon