"YEAH! Miles Virgilio, right? You're still the same person I knew."
Nakaramdam ako ng inis kay Roven. Umaakto siyang parang walang nangyari sa nakaraan namin. Ngumisi ako. "You're wrong, Ro—Sir Tuaris, I'm not the old Miles that you knew," madiin kong sabi.
Ngumiti siya at marahang yumuko saglit. "Ok, sabi mo, eh." Humarap muli siya kay Sir Troy. "Let's go to our mini bar here in our company. Alam kong gutom na rin kayo so, dinner muna tayo before we're going to talk some serious matters," dagdag pa niya na hindi man lang apektado sa sinabi ko.
Mayamaya pa'y bumalik ang babaeng sumalubong sa amin. "Hello, Sir the dinner is ready," anunsyo nito.
"Ok, thanks," kaswal na sagot ni Roven.
Ibang-iba na siya sa Roven na kilala ko noon. Napaka elegante na niyang tingnan, mula sa suot niya hanggang sa pananalita. Totoo ngang malayo na ang narating niya.
Hindi naman nakaiwas sa akin ang gulat at pagtataka sa mukha ni Sir Troy sa mga narinig mula sa amin pero pinili nitong manahimik.
Sumunod lang ako kay Sir Troy nang lumabas na kami ng silid at tumungo sa kabilang silid kung saan mayroon doong ilang table na nakatapat sa labas kung saan kita ang maliwanag na siyudad. Sa may counter naman, nandoon ang iba't ibang inumin na alak.
Umupo kami sa bahaging gilid, malapit sa glass wall. Hindi ko magawang tingnan ng diretso si Roven habang alam kong nakikiramdam lang din siya. Bumaling ako sa pagkaing nasa lamesa. Amoy pa lang niyon, masasabi kong masarap na iyon pero wala akong ganang kumain.
"Let's eat," aya ni Roven. Nagsimula na rin siyang kumain at ganoon din si Sir Troy.
"Miles, let's eat," ani naman ni Sir Troy sa akin. Pilit akong ngumiti at walang nagawa kung 'di ang kumain at pilitin ang sarili.
"Siyanga pala, Roven paano mo nakilala itong si Miles?" usisa ni Sir Troy sa gitna ng pagkain namin.
Muntik akong masamid sa tanong na iyon ni Sir Troy. Napaangat ako ng tingin at nakita kong nakatingin din si Roven sa akin, saka ngumiti kay Sir Troy.
"Magazines are popular nowadays, Troy and yeah, I've read some magazine at nakikita ko roon who is the journalist who wrote some articles their," aniya. "And also, she's part of my life," dagdag pa niya.
Parang huminto ang paligid sa narinig ko mula sa kaniya at ang pagbaling niya sa akin. Bakas ang senseridad sa mukha niya at ang lungkot doon.
"Whoa! So, it means she's the one you're talking about, Roven? Oh!" gulat na balik ni Sir Troy.
Ngumiti lang si Roven, saka bumaling sa pagkain. Tahimik lang ako dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.
Ilang minuto pa at natapos na kaming kumain. Hindi pa rin ako umiimik habang abala sa pakikipag-usap si Sir Troy kay Roven na halatang matagal na silang magkakilala.
"Miles, are you ready?" kapagkuwa'y tanong sa akin ni Sir Troy nang bumaling sa akin.
Wala naman akong magagawa at isa pa, gusto ko na ring makaalis sa kompanyang ito at matakasan ang kaba at tensyon na nararamdaman ko dahil kay Roven. Pakiramdam ko, nasasakal ako at muling nasasaktan.
"Huwag kang kabahan, Miles ako lang 'to, ako pa rin ito," seryosong sabi ni Roven.
Saglit akong napatitig sa kaniya pero agad ding umiwas. Bakit ba sinasabi pa niya sa akin ang mga bagay na iyon? Ano bang gusto niyang mangyari?
"Hindi ako kinakabahan, Roven hindi ko lang gusto na kaharap ka," diretso kong sambit sa kaniya.
"Mukhang kailangan ko munang lumabas dahil sa tingin ko bukod sa interview marami pa kayong dapat pag-usapan."
Hindi pa man ako nakapagsalita para sana pigilan ito, nakaalis na agad si Sir Troy sa harap ko at tuluyang lumabas ng silid.
Humugot ako ng hininga. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko at isiping trabaho lang ito kaya kailangan ko siyang harapin at pakitunguhan. Kinuha ko ang cellphone ko at in-on ang recorder para mabalikan ko iyon kapag magsusulat na ako ng article tungkol sa buhay niya. Pero hindi ako makapagsalita dahil wala akong maisip na itatanong sa kaniya o kung dapat ko pa ba siyang tanungin. Hindi gumagana ang utak ko.
"Hindi ka ba magtatanong, Miles?" pukaw niya sa akin dahil natahimik ako.
Kumurap ako. Kinalma ko ang sarili ko. "C-can...can you tell us how did you become a successful businessman? F-from being an HR staff to become a Director of a company?" simula ko na halos mautal na.
Ngumiti si Roven. Nakasandal siya sa upuan habang naka-de-kwatro at magkasalikop ang mga palad na nakapatong sa tuhod niya. "It wasn't easy at all, Miles hindi madali ang lahat para sa akin. It is not just a sudden success but a process to success. I work hard for this, I spent almost my time and effort dahil sa pamilya ko na umaasa sa akin at sa kagustuhan kong mabigyan sila ng marangyang buhay," seryoso aniya.
Saglit akong napatitig sa kaniya. Kita ko ang dedikasyon at ang pangarap niya na ngayo'y nakuha na niya. Lumunok ako ng laway at bahagyang yumuko. "A-as a successful businessman, what did you sacrificed for your success?"
Tiningnan ako ni Roven sa mga mata. Nakita ko sa mukha niya ang lungkot. Mapait siyang ngumiti. "When I was an aspirant businessman, I thought that when I enter business I need to sacrifice some part of my life. Yeah, kailangan mong isakripisyo ang lahat ng bagay na sa tingin mo'y makahahadlang sa pangarap mo. Pero mali ako nang pakawakan kita, Miles. Mali ako na iwan ka because of my ambition to be a successful person. Inisip kong kapag wala ka o ang sino mang babae sa buhay ko, hindi ako madi-distract sa pangarap ko pero nagkamali ako, Miles. Paulit-ulit kong pinagsisihan ang pananakit ko sa iyo. Kaya ipinangako ko sa sarili na kapag nakuha ko na iyong pangarap ko, babalik ako para—"
"Roven, stop!" pigil ko sa sasabihin niya. Hindi ko namalayang tumulo na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero may sakit at ligaya roon na hindi ko alam kung paano ko tatanggapin.
"Miles, I'm sorry! I'm so sorry for hurting you in that way," puno ng emosyong aniya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Sorry, Roven? Isang taon, Roven! Isang taon akong nag-iisip habang nasasaktan kung bakit mo ako iniwan ng wala paliwanag! Damn! You're sorry is not enough to heal the pain, Roven. Hindi ka na lang sana bumalik dahil ibinalik mo lang din ang sakit na kinalilimutan ko." Tumayo ako. Kinuha ko ang cellphone sa lamesa at inilagay iyon sa wallet na dala ko. "Tapos na ang interview, Roven."
Nang akmang hahakbang ako palayo, naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa braso ko at marahan akong hinila at niyakap niya ng mahigpit.
"I'm so sorry, Miles kung kailangan kung lumugod, gagawin ko Miles. Alam kong hindi enough lahat ng ginagawa ko para patawarin mo, pero please give me a chance to prove myself again. Para iparamdam ko ang pagsisisi ko. Kasi mahal pa kita, Miles I still love you at gusto kong bumalik sa buhay mo."
Patuloy sa pagtulo ang luha sa mga mata ko. Gusto kong kumawala sa mga yakap ni Roven. Sinubukan kong itulak siya pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin.
"Bitawan mo ako, Roven!" madiin kong sabi. Itinulak ko pa uli siya at sa huli'y nakawala rin ako dahil niluwagan niya ng mga bisig na nakayakap sa akin. "Para saan pa, Roven? Para ba pagtakpan 'yang tunay mong kasarian kaya gusto mo akong balikan?"
"Hindi ganoon, Miles. Totoo ang nararamdaman ko para sa iyo. I'm not gay, bi o kung anumang tawag mo roon. Hindi totoo ang nakita mo nang araw na iyon," aniya. Saglit akong natahimik.
Umiling ako. "No! Hindi ako naniniwala. At isa pa, kasal na ako, Roven! Kasal na ako at hindi ka na pwedeng bumalik sa buhay ko," pagtatapat ko sa kaniya. Bakas pa rin ang sakit at lungkot sa mukha ko.
"I know, Miles. I know everything about you at alam ko ring hindi mo mahal si Zandy na kinasal lang kayo dahil sa mga magulang ninyo."
"Paano kong mahal ko na siya, Roven? Paano kong mahal ko na ang lalaking ipinalit mo sa akin?"
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...