Unexpected 71

673 8 0
                                    

KINAUMAGAHAN, maaga akong pumasok sa trabaho dahil sa tambak na gawain. Iniisip ko rin kung paano ko gagawin ang trabaho ko kasama si Beverly. Malapit na ang deadline niyon pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko siya i-interview-hin.

"Oh? Parang ang aga mo atang pumasok, Miles?" puna ni Chad nang madatnan ko siya roon kasama ang ilang katrabaho namin sa department habang hindi ko naman makita si Melissa at Andrea na malamang mamaya pa ang dating ng dalawang iyon.

"I have a lot of works to do, Chad kaya kailangan kong pumasok ng maagap," sagot ko, saka inilapag sa table ko ang dala kong bag at ang ilang mga gamit ko.

Binuhay ko ang monitor sa harap ko. Hindi na rin umimik si Chad. Nagsimula akong magtipa para simulan ang articles na matagal nang nasa file ko. Nakakailang words pa lang ako nang marinig ko ang boses ni Ate Shai.

"Miles, you have to go to Sir Troy's office," seryosong sambit niya sa akin. Humarap ako kay Ate Shai na nagtatanong. "Kung itatanong mo sa akin kung bakit, I don't know," nangingiti niyang segunda ng tila mabasa niya ang isip ko. "Just go there."

Kumunot na lang ang noo ko at naiwang nag-iisip. Palagi na lang akong pinapatawag ni Sir Troy. Hindi lang naman ako ang journalist sa department na ito. Pero dahil wala naman akong choice, hinanda ko na lang ang sarili ko. 

Lumabas ako ng silid at dumeretso sa opisina ni Sir Troy. Kumatok muna ako at nang marinig ko ang pahintulot niya, saka ako pumasok. Ngunit nagulat ako nang makitang hindi lang si Sir Troy ang nandoon, maging si Beverly ay nasa harap ko.

Sa pwesto pa lang ng upo ni Beverly, sa ayos at kasuotan niya, hindi talaga maikakailang isa siyang modelo. Binalingan niya ako na agad sinuri ang kabuuan ko na para bang may kasalanan ako sa kaniya.

"Good morning, Sir," naiilang kong bati kay Sir Troy na pilit kong hindi tinitingnan si Beverly.

"Good morning!," balik ni Sir Troy. "So, pinatawag kita para sa interview mo with Beverly," simula niya. "About the interview with Beverly, I adjusted the deadline dahil sa busy schedules niya. So, siya na mismo ang magsasabi sa iyo kung kailan ninyo gagawin ang interview," patuloy niya habang nakatingin sa akin na seryoso lang ang mukha.

Bumaling ako kay Beverly. Ngumiti siya sa akin pero may kakaiba roon na para bang hindi totoo. Hindi ko magawang maging comfortable sa kaniya kahit pa magiging katrabaho ko siya sa maikling panahon.

"I only have some free time, Miles kaya kung gusto mong interview-hin ako, let's meet on Saturday, that's the only free time I have," diretsong sambit ni Beverly na hindi pa rin natitinag sa napakasopistikada niyang upo.

"Saturday?" ulit ko.

Tumango siya. "Yes, Saturday. You know how busy I am, Miles. Marami akong inaasikaso at tinatrabaho. May mga bagay akong dapat kunin sa ibang tao na dapat akin naman."

Kumunot ang noo ko dahil sa tila makahulugang sinabi ni Beverly. Si Zandy ba ang tinutukoy niyang kukunin niya? Bigla ring nagbago ang hitsura niya na para bang nagsalubong ang mga kilay. "Naiintindihan ko, Beverly," sambit ko. Kumurap ako at umiwas ng tingin sa kaniya.

Kita sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Beverly. Humarap siya kay Sir Troy. "Thank you, Troy but I have to go now," magiliw na paalam niya.

"No, it's ok, Beverly. Take care," balik naman ni Sir Troy.

Ngumiti uli si Beverly bago tumalikod at lumabas ng silid. Hindi ko alam kung ano bang relasyon mayroon si Beverly at Sir Troy, pakiramdam ko'y may kakaiba sa tinginan nilang dalawa. Palagi ring nandito si Beverly kahit wala naman itong appointment kay Sir Troy. 

"Ah, Sir, mauna na rin po ako," paalam ko. Marami pa akong dapat gawin. Ngumiti lang si Sir Troy. Tumalikod ako at lumabas ng silid. Nakahinga ako ng maluwag dahil tuluyan na akong nakalabas ng silid at wala na rin si Beverly.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Beverly kanina. Napaisip ako kung intensyon ba niyang sabihin iyon para ipaalalang sa kaniya si Zandy.

Tahimik at ukupado ng sinabi ni Beverly ang utak ko habang naglalakad pabalik ng department. Bigla akong kinabahan sa kayang gawin ni Beverly para kunin si Zandy.

"Alam mo ba kung ano'ng klaseng lalaki si Zandy? He's easy to bored kapag hindi niya mahal ang babae."

Napapitlag ako at napahinto nang marinig ko ang boses ni Beverly sa tabi ko. Hindi ko namalayan ang pagdating niya dahil sa kakaisip ko sa sinabi niya kanina.

"A-ano'ng ibig mong sabihin, Beverly?"

Ngumiti siya at saglit na yumuko. "I wanted to tell you this para aware ka sa pagkatao ni Zandy, Miles. Kilala ko si Zandy at nakasama ko siya sa loob ng ilang taon, habang ikaw, ilang buwan mo pa lang siyang nakilala. Sad to say pero...madali siyang magsawa sa babae. Ngayon, sasabihan ka niyang mahal pero bukas, iiwan ka niya dahil nagsawa na siya sa iyo," paliwanag ni Beverly.

Hindi agad ako nakaimik dahil sa mga sinabi ni Beverly. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ano'ng dapat kong isipin tungkol kay Zandy dahil sa mga narinig ko. Totoo kaya lahat ng iyon o gumagawa lang ng paraan si Beverly para siraan si Zandy sa akin?

Ngumiti ako kay Beverly. "I don't think so, Beverly. Tama ka, ilang buwan pa lang na nagkakilala kami pero alam kong totoo siya. For me, it is not matter how long I've him, the matter most is what I've feel at kung paano niya ipinakilala ang sarili niya sa akin," nakangiti kong sagot na parang 'di apektado sa sinabi ni Beverly.

Sa huli'y na-realize ko na hindi ako dapat magpaapekto sa mga sasabihin ni Beverly. May tiwala ako kay Zandy at alam kong totoo ang pagkatao niya na ipinakita sa akin. Alam kong totoo ang lahat ng sinab niya sa akin, ang pagmamahal niya.

Kumunot ang noo ni Beverly at saka suminghap, kasunod ang pagngisi nito. Bumakas ang inis sa mukha niya dahil sa naging sagot ko na hindi naapektuhan sa sinabi niya. "Seriously, Miles? I'm just warning you para hangga't maaga pa, alam mo na kung saan ka lulugar. You're just an extra, nakisingit ka lang sa buhay namin at sa huli'y babalik ang original para palitan ka," mahina pero puno ng diin na sambit ni Beverly sa akin na halatang galit at naiinis sa akin.

Ngumiti ako. "So, ayon, lumabas din ang tunay na motibo mo, Beverly. Bakit, hindi mo pa rin ba matanggap na hindi ka na ang mahal ni Zandy? Tama ka, nauna ka pero hindi ibig sabihin no'n na ikaw na ang huli," balik ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Maganda ka, Beverly pero hindi niyan kayang itago ang ugaling meron ka." Ngumisi ako, saka tumalikod at iniwan siya na alam kong umuusok na ang tainga sa inis.

Ngayon pa ba siya maghahabol, matapos niyang iwan si Zandy? Maraming consequences ang mga bagay na nagagawa natin sa nakaraan. Alam kong nauna si Beverly at siya naman talaga ang mahal ni Zandy pero iniwan niya ito at ngayong mahal na namin ang isa't isa, saka siya darating para sirain ang relasyon namin. Hindi ako papayag. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para kay Zandy.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon