Unexpected 29

1.1K 16 0
                                    

KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising mula sa pagkakatulog ko. Napapikit ako at hinarang ang aking mga palad sa sikat nang araw na tumatagos sa glass wall ng silid. Umiwas ako roon, saka uminat at humikab. It's my day off today kaya masarap ang pakiramdam ko.

Nagpasiya na rin akong bumangon. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng silid ko. Nasa hagdan pa lang ako nang maamoy ko ang mabangong samyo galing sa kusina. Kumunot ang noo ko. Nagluluto ba uli si Zandy? Amoy bawang at sibuyas iyon na ginigisa na nagpakalam sa sikmura ko dahil sa amoy niyon.

Tuluyan akong nakababa sa hagdan at humakbang patungo sa kusina at hindi nga ako nagkamali. Nandoon si Zandy sa tapat ng stove at nagluluto

Napakiling ang ulo ko ng bahagya. Bigla kong naalala ang nakita ko kagabi. Nakita kong niyakap siya ni Ton, ang kaibigan daw niya. Hindi ko maiwasang hindi magduda sa kanilang dalawa.

Tumikhim ako. "May bisita ka ba kagabi, Zandy? I heard you were talking with someone?" usisa ko.

Hindi siya humarap at nagpatuloy lang sa pagluluto. "It was, Ton my friend," kaswal na sabi niya.

"Ow! Ka-ibig-gan? I mean, kaibigan mo pala 'yong si Ton," sabi ko at pasimpleng natawa.

"Yeah, He's my best friend since high school."

"Talaga? Bakit hindi ko siya nakita sa kasal?" curious kong tanong.

"He was been on Cebu that time kaya hindi siya naka-attend at saka bakit pa niya kailangang um-attend sa kasal natin?" sagot niya. Humarap siya sa akin. "Ayaw kong makita niya akong ikasal sa babaeng hindi ko naman gusto," mahina niyang sabi at muling bumaling sa niluluto.

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Masasaktan ba siya if he was there witnessing our wedding?" makahulugan kong tanong.

"Maybe," pakli niya. Nagsimula na si Zandy na i-prepare ang fried rice, ham at itlog na niluto niya para sa almusal. "Kumain ka na," sabay aniya matapos iaayos ang mga pagkain.

Hindi agad ako gumalaw habang nakatingin lang kay Zandy. Ilang araw pa lang kaming nakatira rito at halos hindi nga ako kumakain sa bahay. Umaalis kasi ako ng maaga at gabi na umuuwi, hindi na rin ako kumakain dahil sa antok at pagod.

"Titingin ka na lang ba, Miles? Come here, eat with me," alok niya.

Nanliit ang mga mata ko, saka humakbang palapit sa table. Umupo ako sa bakanteng upuan at humarap sa kaniya. "Why you cooked for me?" tanong ko sa kaniya na seryoso ang mukha.

Ngumisi siya. Hindi ko alam pero parang ilang araw kong hindi nakita ang gwapo niyang mukha, ang mga mata niyang tila nang-aakit. Kumurap ako bago pa ako tuluyang mapatulala sa kaniya.

"Do you think I could cooked for you? Of course not, Miles niluto ko 'to para sa akin and since  I can't eat all of this, ibinahagi ko sa iyo." Ngumiti pa siya at tinaasan ako ng kilay.

Sumimangot ako at inirapan siya. "Yabang! Eh, 'di kainin mo lahat ng pagkaing niluto mo," inis kong sabi at tumayo sa pagkakaupo.

"Hey! I'm just jo—"

Natigilan ako nang marinig ko ang doorbell sa labas. Nagkatinginan pa kami ni Zandy na kapwa nagtatanong kungs sino ang dumating.

"Maybe he's Ton, bakit hindi mo puntahan?" aniko. "Baka nami-miss ka na," dagdag ko pa.

"Hindi 'yan si Ton, nasa Batangas siya ngayon," kaswal na sagot ni Zandy.

Pinanliitan ko siya ng mga mata at marahas na nagmartsa palayo sa kaniya para buksan ang pinto. "Hindi 'yan si  Ton, nasa Batangas siya ngayon. Nyenye!" Ginaya ko pa talaga ang sinabi niya. Ano bang relasyon niya sa Ton na iyon bukod sa kaibigan? Binabanggit pa lang niya ang pangalan nito, pakiramdam ko napaka-special nito sa kaniya.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon