NARAMDAMAN ko ang paghinto ng sasakyan nang imulat ko ang aking mga mata. Pupungos-pungos pa akong luminga sa paligid at bahagya akong napapikit dahil sa matinding sikat ng araw sa paligid. Naramdaman ko rin ang sariwang simoy ng hangin at nakita ko 'di kalayuan ang alon na humahampas sa dalampasigan. Nandito na ba kami?
Mayamaya pa'y bumukas ang pinto ng sasakyan at nakita ko si Zandy sa labas. "We're here, Miles, come on let's go," aniya habang bahagyang nakakunot ang noo na marahil dahil sa sikat ng araw.
"Ok," sabi ko at bumaba ng sasakyan. Tiningnan ko pa ang wristwatch na suot ko at napagtantong pasado ala-una na pala ng hapon. Ilang oras din pala ang byahe namin papunta rito at hindi ko iyon namalayan dahil sa nakatulog ako sa byahe.
Tumambad agad sa akin ang maaliwas na paligid. Lumilipad pa ang mahaba kong buhok dahil sa malakas na hangin na umiihip doon. Napakaganda ng berdeng kalangitan at ang mga ulap doon na may iba't ibang hugis. Nakaka-relax sa pakiramdam. Nakita ko rin ang mangilan-ngilang bahay sa paligid ng dagat na kulay asul na may malalakas na alon.
Napangiti ako dahil sa totoo lang sobrang na-miss ko ang ganitong pakiramdam. Matagal na rin kasi nang huli akong nakapagbakasyon pero hindi iyon sa dagat na katulad nito.
"Wow! Napakaganda ng lugar. It makes me feel so relax and give me some peace of mind vibes," nakangiti kong sambit habang iniipit sa likod ng tainga ko ang bawat hibla ng buhok ko na nililipad ng hangin.
"You're more beautiful, Miles."
Natigilan ako sa narinig ko at dahan-dahang lumingon kay Zandy at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Saglit na nagtama ang mga mata namin pero agad akong umiwas sa kaniya. Pakiramdam ko, lalong namumula ang pisngi ko, hindi dahil sa sikat ng araw kung 'di dahil sa sinabi ni Zandy."B-baliw! Ngayon ko lang nalaman na bolero ka rin pala," sabi ko at tumawa kahit naiilang ako.
"No, I'm not, Miles nagsasabi lang ako ng totoo sa nakikita ko," pagtanggi niya. "Just believe in me, Miles. If I said, I really mean it," dagdag pa niya.
Muli akong napatingin sa kaniya at napatitig sa seryoso niyang mukha. Normal pa ba si Zandy o may nainom siyang hindi maganda ang epekto sa pag-iisip niya? Hindi ako sanay sa ginagawa niyang pagtrato sa akin at nagugulat na lang din ako sa mga sinasabi niya na parang nagpapatigil ng mundo ko at nagpapabilis ng kabog ng puso ko.
Kumurap at bahagyang yumuko. Ngumiti ako habang hindi nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata. "O-ok, payag," sabi ko. "Ano, tara na? Nakakapagod ang byahe and I want to take some rest," pagbabago ko sa usapan.
Napailing si Zandy at napakamot sa noo niya. Nauna na siyang naglakad papunta sa kotse para kunin doon ang mga gamit na dala namin. Kinuha ko ang backpack na nasa passenger seat. Nang makuha ko iyon, Nakita ko naman si Zandy na bitbit ang maletang dala ko at ang backpack na dala niya at ang isa pang backpack na para sa akin.
"Ako na magdadala nang backpack mo, Zandy," alok ko.
"No, ako na, Miles," tanggi naman niya. "Let's go," aya ni Zandy at nauna na siyang naglakad. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang nakikita ko siyang naglalakad.
Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa buong lugar. Napakaganda niyon at napaka-fresh ng hangin. Pumasok kami sa entrance ng resort kung saan may arko at nakasulat doon ang 'Happy Land Resort'. Napangiti ako dahil totoo iyon dahil nagbibigay ng kakaibang saya ang lugar.
Maraming nagkalat na puno ng niyog sa paligid ng resort, mga cottages at mga bahay doon.
"Seriously, Zandy tayo lang ang nandito sa lugar na ito? Napakaganda naman ng lugar na ito at imposible atang walang ibang pumupunta rito," sabi ko nang mapansin kong kami lang ang naroon.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomansaSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...