Unexpected 20 (Part 1)

1.1K 16 0
                                    

"MASYADO kang tahimik, Miles," pukas ni Melissa sa akin habang naglalakad kami sa hallway ng department. Sabay-sabay kaming lumabas nila Melissa, Andrea at Chad habang naiwan naman si ate Shai.

"Siyanga pala, Miles bakit ka pinatawag ni Sir Troy?" usisa naman ni Andrea.

"Umusok na naman ba tainga niya sa magulo mong articles?" natatawa namang tanong ni Chad nang maalala nito ang nangyari noon na halos mabingi ako sa galit ni Sir Troy dahil sa magulong construction ng articles ko na daig pa ng high school journalist ang pagkakagawa. That was the time na sariwa pa ang sugat na ginawa ni Roven sa akin.

Binalingan ko sila at sumimangot. "He gave me a new project," pag-amin ko. "I hate this project at kung pwede ko lang ipasa ito sa iba, gagawin ko," malungkot kong sabi.

Nagkatinginan ang tatlo sa naging reaction ko. "Oh? Ano'ng problema sa new project bakit parang sobrang bigat naman ng problema mo, eh, project lang naman pala. And besides, it's been a while na rin since your last project, 'di ba?" nagtatakang sambit ni Andrea.

"Let me guess, dahil na naman ba 'to sa taong ipi-feature mo, right? Hindi mo siya gusto? Sino ba 'tong personality na 'to?" usisa naman naman Melissa.

"Magtataka ka pa ba kay, Miles, eh, every time naman na ayaw niya ang taong ipi-feature niya ganiyan 'yan magluksa," segunda naman ni Chad.

"Eh, sino ba ang ipi-feature mo this time, huh?" tanong ni Andrea.

Hindi naming namalayang nakalabas na pala kami ng gusali dahil sa usapan namin. Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin sa paligid. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Si Za—"

"Oy, Miles, hija!"

Agad akong napalingon sa boses ng babaeng tumawag sa akin at nag-interupt sa sasabihin ko at ganoon na lang ang gulat na rumehistro sa mukha ko ng makita ko roon si Tita Mandy na malapad ang ngiti. Nakasuot ito black dress na abot sa binti nito.

"Tita Mandy," bulalas ko sa pangalan nito. Marahil nagtataka na rin ang mga kasama ko.

"Who si she, Miles?" usisa ni Melissa.

"She's Zandy's mother," mahinang sagot ni Andrea rito na marahil nagulat din.

"Yeah! I know her because she's been in some articles about their company," kaswal naman na ani Chad.

Lumapit pa sa amin si Tita Mandy at matamis na ngumiti sa mga kasama ko. "Hello, sa inyo? Workmates ba kayo nitong si Miles? I'm Mandy, her mother in law," magiliw na pakilala nito.

Nakita ko ang pagkaalangan sa mukha nila pero sa huli'y nginitian din nila si Tita Mandy. Hindi naman maikakaila na magiliw siya sa mga tao at nakikita ko na iyon sa personality niya noon pa man.

"Nice meeting you po, Tita Mandy," nakangiting sabi ni Melissa. "Melissa po," pakilala pa nito.

"Hi, Melissa you look so funny and talkative," sambit ni Tita Mandy na natumbok ang ugali ni Melissa. Natawa tuloy kami pero pinigilan namin iyon.

"Hello po, Ma'am I'm Chad, Mile's workmate and I want you to know that I'm a fan of the games that your company were created," saad naman ni Chad fli-nex pa nito ang pagiging fan.

"Oh! Thank you, dear I hope you enjoy playing games with our games," nakangiting sagot ni Tita Mandy. Bumaling naman siya kay Andrea. "And you're Andrea, right?"

Tumango si Andrea. "Yes po, Tita," pagkumpirma nito.

"Nice meeting you everyone," masayang pahayag ni Tita Mandy. "By the way, may I borrow Miles? I would like to invite her to our home for a dinner," paalam pa niya sa mga kaibigan ko.

Nagkatinginan ang mga kasama ko, maging ako'y nagulat sa sinabi ni Tita Mandy. Gumuhit naman ang inggit at tila kilig kay Melissa.

"Po? Dinner?" gulat kong tanong.

Ngumiti si Tita Mandy sa akin. "Yes, hija I want you to be in our home tonight for a dinner. Nandoon na rin su Zandy. I also told it to your Mom."

"Pero—"

"Since the wedding hindi ka pa namin nakaharap sa dinner and we want it to happen," patuloy ni Tita Mandy.

"Sige na, Miles ok lang kami rito, uuwi na rin naman kami. Enjoy," baling sa akin ni Andrea.

Wala na akong nagawa nang hawakan ako ni Tita Mandy sa braso ko. Bumaling siya sa mga katrabaho ko at ngumiti. "Sorry, akin muna si Miles, huh? Ingat sa pag-uwi. Nice meeting you all," paalam niya at marahan akong hinila patungo sa sasakyan niya. Hindi na lang ako umimik at tahimik na sumakay. Pareho kaming nasa passenger seat.

"They're all adorable, hija. You're lucky to have them in your life," puri niya sa mga kaibigan at katrabaho ko. Naramdaman kong umandar na ang sasakyan.

Ngumiti ako kay Tita Mandy at hindi pinakita ang pagtutol sa mukha ko. Hindi ko naman talaga gustong sumama sa bahay ng mga Saavedra kaya lang nakakahiyang tanggihan si Tita Mandy sa harap ng mga kaibigan ko at baka makahalata rin sila Melissa. "Salamat po, Tita Mandy," aniko.

"I hope Zandy would have a friends like them too. Sa totoo lang, he's not friendly that's why he has just a few friends," pagkwekwento ni Tita Mandy na hindi ko alam kung bakit parang biglang nagkaroon ako ng interes sa sinasabi niya.

"Si Zandy po iilan lang ang friends?" gulat kong tanong. Parang ang hirap paniwalaan niyon dahil sa nakikita ko mukha naman siyang sociable person.

Malungkot na tumango si Tita Mandy. "He's an introvert at mas lalong inilayo ang sarili sa iba ng iwan siya ni Beverly para sa ibang lalaki. He's so in love with that b*tch woman without knowing na nauubos na siya kaya ng iwan siya ni Beverly, almost two years ago halos nakalimutan niya ang sarili niya. He was just being back to his old self now and I'm happy for him," paliwanag niya na puno ng awa at simpatiya para sa anak.

Hindi ko alam kung kung bakit biglang may lungkot akong naramdaman at simpatiya para kay Zandy at mayroon ding parte na parang ang hirap paniwalaan niyon dahil iba iyon sa pagkakakilala ko kay Zandy. Napaisip tuloy ako at mas lalong na-curious sa totoong pagkatao ni Zandy. Pero totoo bang may ex-girlfriend ito at iniwan para ipagpalit sa iba?

Nagulat ako nang hawakan ni Tita Mandy ang kamay ko habang nakaharap sa akin. Marahan niya iyong pinisil. "Kaya nga sobrang saya ko nang hindi siya tumanggi sa kasal ninyong dalawa. Alam kong pareho kayong may pinagdaanan sa nakaraan ninyo kaya nga sana mahanap ninyo ang sarili ninyo sa isa't isa. Hindi man kayo magkasundo ngayon, pero naniniwala akong magkokonekta rin kayong dalawa," litanya niya at prenteng ngumiti.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon