HINDI KO magawang tumingin kay Zandy habang lulan kami ng sasakyan niya patungo sa restaurant kung saan kami magde-date daw. Pilit kong inalala sa isip ko ang ginawa ko nang nagdaang gabi at lahat iyon muling bumalik sa isip ko. Hindi ko na alam kung paano ako haharap kay Zandy. Tama siya, para nga akong baliw nang nagdaang gabi.
Nahihiya ako sa sarili ko, maging kay Zandy dahil sa pinagagawa at pinagsasabi ko. Bigla ko tuloy pinagsisihan ang pag-inom ko ng marami. Naalala kong ako nga pala ang nanghamon kay Zandy na halikan ako, inilapit ko pa ang nguso ko sa kaniya dahil iniisip kong hindi naman niya iyon kayang gawin. Nakalimutan ko atang ginawa na niya iyon nang ikasal kami.
Mayamaya pa'y huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking restaurant. Napaka-elegante niyon mula sa labas at hindi maitatangging halos mayaman lamang ang kumakain doon. Glass wall iyon na may kakaibang mga ilaw sa taas na nakasabit. Hindi rin tipikal ang lamesa't upuan doon.
Hindi ko na hinintay pa si Zandy na pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan at mukhang hindi rin naman niya iyon gagawin. Nilingon ko muna ang kabuuan ng gusali at hindi ko maiwasang mapangiti at mamangha sa kakaibang disenyo niyon.
"Shall we?"
Binalingan ko si Zandy, saka inirapan. Hindi ko na rin siya hinintay na maunang maglakad, kaya naglakad na ako papasok.
"Good evening, Mister and Miss Saavedra welcome to De Trio Restaurant," salubong sa amin ng babaeng nasa bukana ng pinto. Napakunot pa ang noo ko dahil paanong nakilala niya agad kami. Pero naalala kong marahil pinakilala na kami ni Tita Mandy sa mga staff ng restaurant. "This way po."
Ngumiti ako sa magandang babae kahit nagtataka ako. Mayamaya pa'y iginiya nito kami sa parteng gitna ng malawak na restaurant. Lalo akong nagtaka ng wala akong makita customer sa paligid. Huwag nilang sabihing, binayaran nila ang buong restaurant para lang sa amin ni Zandy?
Umupo kami sa bakanteng upuan sa harap ng isang circle table na may kandila sa gitna. Hindi ko rin maiwasang hindi maamoy ang amoy rosas na samyo na hindi ko alam kung saan nagmumula.
Mayamaya pa'y napalingon ako sa paligid nang biglang mamatay ang ilaw, kasunod ang pag-bukas ng ilaw sa tapat ng lamesa kung saan kami nakaukupa. Napaka-romantic ng kulay niyon, sinamahan pa ng kandila sa gitna ng lamesa na lalong nagpa-romantic s. Sinabayan pa ng tunog ng violin at piano mula sa stereo ng silid.
"They obviously prepared for this date, but you seem to like it," narinig kong ani Zandy. Ngumiti pa ito napailing.
Nawala ang ngiting kumurba sa mga labi ko dahil sa napaka-romantic na ambiance ng lugar. Hindi ko pala namalayang napangiti na ako. Humarap ako sa kaniya. "Of course, nagustuhan ko ang lugar pero dahil kasama kita, nasisira ang lugar sa paningin ko," masungit kong sagot sa kaniya.
"Hello, Sir, Ma'm the appetizer is here," ani ng babaeng nakangiti at dala ang pagkaing nasa tray. Isa-isa nito iyong inilapag sa lamesa. "Enjoy," anito pa bago umalis sa harap namin.
Amoy pa lang ng pagkain halos kumalam na ang sikmura ko. Hindi ko alam kung ano'ng uri ng pagkain iyon pero parang style nuggets ang nasa harap namin na nakapatong sa isang uri ng edible na dahon. May ilan pang appetizer na nakalagay sa lamesa.
"You can eat now, Miles alam kong gusto mo nang umuwi," seryoso ani Zandy.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at kumunot ang noo dahil mukhang balik na naman siya sa seryosong attitude. "Umuwi? No, I don't want to go home yet, Zandy. Since, nandito na rin naman tayo why don't we just enjoy the place," aniko na naging dahilan ng pagtataka sa mukha ni Zandy. "Hindi ba't ito naman ang gusto nila, then pagbigyan natin sila," dagdag ko pa.
Ngumisi si Zandy. "Are you playing with me, Miles?" tanong nito.
"Huh? I'm sorry, Zandy pero hindi ako marunong makipaglaro kagaya ng ginagawa mo. Naisip ko lang na pagbigyan sila sa gusto nila," patuloy ko. Hindi ko rin naman talaga ito gusto pero hindi ko rin alam kung bakit biglang gusto kong mag-stay sa lugar kahit sandali lang dahil sa kakaibang pakiramdam niyon. Nakakagaan lang sa pakiramdam ang kakaibang lighting at ang tunog mula sa violin at piano. Pakiramdam ko kahit pa paano napayapa ang isip ko.
"Ok, fine, sabi mo, eh," pagpayag ni Zandy.
Nagsimula na akong kumain at ilang sandali ay nagsimula na rin si Zandy. Hindi ko maiwasang mapangiti nang malasahan ko ang mga pagkaing inihain sa amin. Napakalinamnam niyon sa panglasa.
Matapos nga appetizer, nag-serve na rin sila ng iba pang pagkain hanggang sa dessert. Hindi maikakailang na kaya lumago marahil ang restaurant na iyon dahil sa mga pagkain nila na talaga namang papatok sa panglasa ng bawat isa.
"When was your last date, Miles?"
Nag-angat ako ng tingin kay Zandy habang sinisimulan kong lantakan ang kakaibang dessert na iyon na parang ice cream na nasa kopita. Kumunot ang noo ko. "Bakit mo tinatanong? It's none of your business, Zandy," diretso ko sa kaniya.
"I'm just curious, Miles. Pagkatapos bang iwan ka ni Roven, nakipag-date ka uli?" tanong niya na parang hindi naintindihan ang sinabi ko.
Natigilan ako sa pagkain sa naging tanong niya. Suminghap ako. Hindi ko alam kung gaano kakapal ang mukha niya para tanungin sa akin ang bagay na iyon, na siya mismo ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Roven. "Are you, numb o sadyang gusto mo lang sa akin ipamukha na iniwan ako ni Roven para sa iyo?" inis at galit kong tanong sa kaniya.
"You always misinterpret what I'm saying, Miles," paliwanag niya.
Umismid ako. Minimis-interpret? Hindi naman kasi ako manhid para hindi maramdaman na ipinamumukha niya sa akin na iniwan ako ni Roven. "No, I'm not Zandy you just always say it to my face na iniwan ako ni Zandy noon para sa 'yo. Bakit hindi mo na lang direktahin ang gusto mong sabihin? Hindi ako manhid, Zandy para hindi iyon maramdaman." Hindi ko maiwasang mapataas ang boses ko.
"That's not what I'm trying to say, Miles I just asked that to start a conversation with you at hindi para ipamukha sa iyo na iniwan ka," seryosong aniya na parang nakikita niya ang guilt sa mga mata niya.
Ngumisi ako. "Pero iyon ang ipinapamukha mo sa akin, Zandy. Iyon ang nararamdaman ko. Hindi ka pa ba masaya na nakuha mo na siya noon?" Pakiramdam ko'y tutulo na ang luha sa mga mata ko dahil sa kirot na bumalik sa puso ko.
"Miles, stop please! Hindi ko gustong—"
"Don't act like you're an innocent, Zandy. Huwag kang magbait-baitan na para wala kang kasalanan," putol ko sa sasabihin niya.
Hindi ko na napigilan ang luhang pumatak sa nga mata ko dahil sa sakit na muling ipinaramdam sa akin ni Zandy. Pakiramdam ko'y, talo na naman ako at karapat-dapat ipagpalit sa katulad niya. Na parang hindi ako naging sapat kay Roven.
"Do you think I'm that bad para paulit-ulit ko sa iyong ipamukha ang nakaraan mo? Ok, fine I'm sorry. Mali ako ng naging tanong pero wala akong intensyong kahit ano," balik ni Zandy na mababanaad ang ang malamlam niyang mga mata.
Umismid ako dahil hindi ko kayang paniwalaan ang sinabi niya. Umiling ako at marahas na tumayo sa lamesa. "You're such a jerk, Zandy." Pagkasabi ko niyon, mabilis akong naglakad palayo sa kaniya.
Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at tuluyang lumabas ng gusali na mabigat ang dibidib dahil sa sinabi ni Zandy. Lalo lang akong nainis at nagalit sa kaniya. Paulit-ulit niyang pinapamukha sa akin na hindi ako sapat para kay Roven kaya ipinagpalit ako nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...