"SINO naman kaya ang anonymous person na iyon?" usisa ni Andrea habang palabas kami ng gusali. Nagtataka rin siya at nagtatanong kung sino ang personality na iyon na kailangan kong interview-hin at ayaw magpakilala sa akin. Ano bang tingin niyon sa akin, manghuhula?
Umiling ako. "I don't have an idea who he is. Nakakapagtaka lang na bakit ayaw niyang sabihin ang pangalan niya?" tanong ko.
Kumibit-balikat naman si Andrea. Naiwan sa opisina si Chad at Andrea dahil naghahabol ang mga ito ng deadline dahil sa tambak nilang trabaho habang kami ni Andrea, makakatulog na ng maayos dahil sa wakas tapos na kami ng aming mga articles at kailangan naman naming paghandaan ang susunod na trabaho. Naiwan pa nga naming nagtatalo ang dalawang iyon.
Naramdaman ko ang malamig na hangin na yumakap sa akin nang tuluyan kaming makalabas ng gusali. "Maybe he's ugly or he's a ghost CEO?" hula ni Andrea. "Kung my ghost writer, may ghost CEO rin," natatawa pa niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. "Ghost CEO? saan mo naman nakuha ang ideya na iyan?"
"Wala naisip ko lang," natatawang aniya Pagkasabi niyo'y napahinto siya nang bumaling sa harap ang tingin niya kaya napahinto rin ako. "Look, who's here." Kinulbit pa niya ako.
Dahan-dahan akong humarap at nagulat nang makita ko si Zandy na nakasandal sa sasakyan niya habang nakahalukipkip at magka-cross ang mga binti. Napakagwapo niya habang bahagyang nakayuko. Simpleng t-shirt at trouser lang ang suot niya pero lumabas na ang taglay niyang gandang lalaki.
"Zandy," narinig kong tawag ni Andrea.
Nag-angat ng tingin si Zandy at bumaling sa amin. Napakurap ako dahil naramdaman kong napatitig na pala ako sa kaniya. Nakita ako ang pagngiti niya at ang paglayo sa sasakyan.
Humakbang si Andrea at sumunod ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nate-tense akong harapin si Zandy. May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Pilit kong kinakaswal ang boses ko.
"Hi, Zandy," nakangiti namang bati ni Andrea.
"Hi, Andrea," balik ni Zandy, saka bumaling sa akin. "I'm here to pick you out, your mom texted me at gusto niyang dumalaw tayo sa inyo ngayon," seryosong sagot niya sa tanong ko.
"Ngayon?" gulat kong tanong. Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakitang pasado alas-otso na ng gabi. "It's already eight o'clock, it's too late for us to go there," reklamo ko.
"Yeah, pero Tita told me, she prepared dinner for us. Sayang naman ang effort ni Tita kung hindi natin pagbibigayan, 'di ba? And besides, it's been almost two weeks simula nang lumipat tayo. Don't you miss your family, Miles?" paliwanag niya. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko sa kakaibang tono ng boses niya na para bang comfortable na kami sa isa't isa.
Bumaling ako kay Andrea. Nakatingin lang ito sa amin at halatang kinikilig. Pinipigilan pa nitong tumawa. Mahina akong bumuntong-hininga. "Ok, fine," pagpayag ko.
Palagi akong nagbabalak na dumalaw sa kanila pero palagi kong nakalilimutan dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Isa pa, hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanila dahil sa arrange marriage na ito. Sa dami kasi ng taong pwedeng mahanap para sa akin, si Zandy pa, na naging parte ng nakaraan ko. Bumaling ako kay Andrea. "Mauna na kami, Andrea," paalam ko rito.
Tumango si Andrea na halata pa rin ang pagpipigil ng ngiting dulot ng kakaibang tingin niya sa amin ni Zandy. "Sige na, umalis na kayo. For sure kanina pa kayong hinihintay ni Tita roon," sabi pa nito.
Ngumiti naman si Zandy. "We gonna go, Andrea, ingat ka. Bye!" magiliw na paalam ni Zandy.
Ngumiti pa lalo si Andrea na bakas ang kilig doon dahil sa sinabi ni Zandy. Napapailing na lang ako rito pero alam kong inaasar langg ako nito. "Sige, bye! Ingat kayo," paalala pa ni Andrea.
Ngumiti lang ako at umiling sa kaniya. Matapos niyon, nauna nang tumalikod si Zandy at humakbang papunta sa kotse niya.
"Good luck, Miles mukhang utay-utay nang nagbabago ang ihip ng hangin, ah?" makahulugang sabi nito.
Tinaasan ko ito ng kilay at kinunutan ng noo. Ano bang pinagsasasabi nito? "Ewan sa 'yo, Andrea. Sige na, aalis na kami," paalam ko uli bago tumalikod at sumunod kay Zandy sa sasakyan nito.
Sumakay ako sa sasakyan niya at iniwan ang sarili kong kotse. Marahang sinara ni Zandy ang pinto niyon. Lumakad naman siya patungo sa pinto ng driver's seat at doon pumasok, saka marahang pinaandar ang sasakyan niya.
Muli ko na namang naramdaman ang pagkailang at tensyon dahil sa magkalapit na naman kami ni Zandy at kaming dalawa lang. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang conversation namin. Panaka-naka ko siyang tinatapunan ng sulyap. Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa unahan ng sasakyan.
"I received the email of the publication and They sent me all the photos during photoshoot for the magazine," simula ni Zandy. Hindi pa rin siya lumilingon sa akin.
"Nagustuhan mo ba ang mga larawan?" balik ko.
"Yeah! All the photos are good," pakli niya.
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya muling tumahimik ang loob ng sasakyan. Tumikhim ako. "Bakit pumayag ka sa dinner na ito? You can resist my Mom's invitation, after all" usisa ko. "Are you not busy?"
Saglit niya akong binalingan ng tingin. "Why not, Miles? And besides, sa tingin ko it's helpful for us if we act like we're in good relationship in front of them para hindi na sila gumawa ng way para paglapitin tayo, 'di ba?"
Kumunot ang noo ko. "Hindi kita maintindihan, Zandy. Do you want us to act like we're in a good relationship in front of them?" ulit ko.
Tumango siya. "Yeah! Kapag nakikita nilang hindi tayo ok, they'll do everything para lang mapalapit tayo sa isa't isa," paliwanag ni Zandy. "At alam kong ayaw mo rin iyon."
Hindi agad ako umimik. May punto ang sinsabi niya. Mas tatahimik siguro ang buhay namin kung aakto kami sa harap nila na ok na kami para tigilan na rin nila ang ginagawa nila para mapalapit kami ni Zandy sa isa't isa. Pero bakit may bahagi sa akin na nadismaya?
Hindi ko alam pero biglang may naramdaman akong lungkot sa bahagi ng puso ko. Kaya ba mabait siya sa akin dahil nagpapanggap siyang ok kami para tigilan na kami ng mga magulang namin? Hindi ko alam kung bakit naiisip ko ang bagay na iyon at nadismaya ako. "Kaya ba umaakto kang ok na tayo?" seryosong tanong ko.
Bumaling siya sa akin, seryoso ang mukha. "What do you mean, Miles?"
"Kaya ba mabait ka sa akin dahil kailangan mong magpanggap na ok na tayo?" patuloy ko.
"Are you saying that I'm just pretending to be kind to you?" balik niya.
Hindi agad ako umimik. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bumaling sa labas ng sasakyan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nakaramdam ako ng inis dahil sa mga naisip ko. "Never mind, Zandy, tama ka, kailangan lang nating magpanggap na ok tayo pero ang totoo hindi," sabi ko sa malamig na boses.
Pakiramdam ko nagpapanggap lang si Zandy sa akin nitong mga nakaraang araw dahil sa kabaitang ipinakikita niya sa akin.
Hindi ko na narinig pang magsalita si Zandy dahil huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay. Hindi ko na rin siya nilingon pa. Naiinis ako.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomansaSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...