HINDI KO alam kung paano ko haharapin si Zandy matapos nang naging usapan namin ni Tita Mandy. Gusto ko siyang lapitan para kausapin tungkol sa bagay na iyon pero pakiramdam ko'y wala ako sa lugar. Isa pa, hindi nga kami magkasundo, baka lumabas lang na nakikialam ako sa kaniya.
Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa labas ng terrace. Kita ko ang mga puno at bahay sa harapan niyon. Ang gandang pagmasdan ng kalangitan na kulay asul at ang ulap na nagkalat doon.
Hindi maalis sa isip ko ang naging pagtatalo ni Zandy at Tita Mandy. Hanggang ngayon mayroong bumubulong sa isip ko na kilalanin pa si Zandy at maintindihan siya. Nararamdaman ko ang sarili ko sa kaniya, dahil pareho kaming pinilit ng mga magulang namin sa bagay na hindi namin gustong gawin, ang kaibahan lang, pati ang career na gusto ni Zandy, gusto ring pakialamanan ng pamilya niya.
Mayamaya pa'y napapitlag ako ng marinig ko ang pag-vibrate ng cellphone na hawak ko. Binuksan ko iyon at nakita ko ang mensahe ni Sir Troy.
"I need your articles by tommorow, Miles."
Napapikit ako nang maalala ko ang interview kay Zandy na hanggang ngayon hindi ko pa rin nagagawa. Umupo ako sa upuan na naroon at nasapo ang sentido ko. Paano ko i-interview-hin si Zandy gayong mainit ang ulo niya?
"I received the email of the publication about the interview, kailan mo gustong gawin?"
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Zandy na seryosong nasa likod ko. Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Huh?" gulat na tanong ko.
"Ayaw mo ba, Miles?"
"No! I mean, ngayon na...kung ok lang sa iyo," nahihiya kong sambit.
Humakbang siya at umupo sa tapat na upuan kung saan ako nakaupo. "Ok. Ask me any questions na gusto mong itanong, I'll answer it," prenteng sagot niya.
"Lahat?" gulat kong tanong. Sa totoo lang, hindi naman mga personal ang tanong ko sa kaniya, eh. Tungkol lang iyon sa journey niya at kung paano niya narating kung nasaan siya ngayon.
"I mean, the questions you prepared to ask."
Hindi agad ako nakasagot habang nakatingin sa kaniya. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang dahil sa inaakto niya sa akin. Bakit biglang parang ang bait niya sa akin ngayon? Parang nagbago ang ihip ng hangin. Akala ko nga'y hindi siya papayag, eh.
"Sigurado ka ba, Zandy? I mean, I didn't expect you to do this interview with me," hindi makapaniwalang tanong ko, bahagya pa akong napangiti.
Seryoso lang ang mukha niya na nakatingin sa akin. "Why not, 'di ba? I'm not immature, Miles trabaho mo ito and I'm part of it."
Hindi ko alam pero may bahagi sa puso ko na tila hinaplos niya. "Thank you, Zandy," seryoso kong sabi.
"Go ahead, start your interview," pagbibigay niya ng permiso.
"Wait, Zandy I'll gonna record it," sabi ko at binuhay ang cellphone ko at inilagay iyon sa record app. Ipinatong ko iyon sa lamesa. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita. "Everyone wants to know you as a son of Saavedra, so can you tell us more about yourself that everyone doesn't know?"
Naka-dekwatro si Zandy habang nakapatong sa gilid ng upuan ang mga braso niya. "There's no unique about me. Like anyone else, I'm just a typical son who wants to do what I really want. The truth is, I like food and it's my comfort zone that anyone doesn't know," sagot niya. Maikli man iyon pero nandoon ang gusto niyang iparating. "I'm somehow brat but I know how to respect someone."
Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kaniya at hindi ko napansing tapos na pala siya sa pagsasalita. Kumurap ako at bahagyang yumuko. Hindi agad ako nakakuha ng salitang sasabihin. "Ahm! The next question is...about you as a soon to be CEO of a well known gaming company? What could you contribute for your company to make it more successful?" Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas nakapagsalita ako ng maayos kahit medyo nataranta ako kaya napabilis iyon.
"Hindi ko alam. I don't know what I can do about the company, since I'm not into gaming. I don't know what the principles of the company or anything about company. I'm not interested!" Huminto siya sa pagsasalita. "Pero alam kong darating ang puntong ako ang magpapatakbo ng kompanya and if it's happen, I'm willing to learn and to know everything about the company to be a successful businessman," dagdag pa niya.
"Have you ever thought that you'll be a shadow of your Dad when you become a CEO? A more expectations and more pressure?"
"No. I know what I can do and I know Dad capabilities in terms in business. The pressure and expectations are always there but the most important thing is you do what the best for the company and for the employee," prenteng sagot niya
Hindi ko maiwasang hindi humanga sa kaniya. Napaka-direct niyang sumagot at hindi mababakasan ng kahit ano'ng pagkukunwari. Sa dami ng nakaharap kong iba't ibang tao, isa si Zandy sa hinahangaan ko sa pagsagot. Napakatotoo niya.
"May I know what happened to your past? I want to know you more, Zandy."
Hindi ko alam kung bakit naitanong ko iyon. Kusang lumabas sa bibig ko ang mga iyon at huli na para ma-realize ko ang naging tanong ko. Hindi naman kasi kasama iyon sa dapat kong itanong dahil isa iyon sa private matter ni Zandy at naiintindihan ko iyon. Kumurap ako at bahagyang yumuko. "I mean...you don't need to answer—"
"Ano'ng gagawin mo if the person in your past came back?" seryoso niyang tanong na pumutol sa sasabihin ko.
"Huh?" tanging naging reaction ko sa tanong niya habang pilit ko iyong iniisip at inuunawa. Sinong bumalik mula sa nakaraan? Bigla kong naalala si Roven at ang nakaraan namin na muling bumalik kasabay nang pagbabalik nito. Sumeryoso ang mukha ko. "I don't know, Zandy maybe it depends on what that person did to you at kung may nararamdaman ka pa sa taong iyon. Pero sa totoo lang, mahirap sabihing kalimutan ang taong iyon kahit pa sa hindi magandang nangyari, lalo na't alam mong he's been a part of your life," litanya ko. Prente pa akong ngumiti matapos kong sabihin iyon.
"Ganoon ba ang gagawin mo kapag bumalik si Roven?" muling tanong niya.
Hindi agad ako nakasagot. Muling sumeryoso ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa naisip ko. Bumalik na si Roven. Maaari kayang si Roven ang tinutukoy ni Zandy sa tanong niya. "Si Roven ba ang tinutukoy mo sa naging tanong mo abaout sa nakaraan?" usisa ko na walang emosyon ang mukha ko.
"I have a right to do not answer your question, right?" balik niya.
Mahina akong napasinghap at umayos ng upo. Tumango ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng inis nang banggitin niya si Roven sa harap ko.
"Don't you know, Roven's back?"
Kumibit-balikat si Zandy. "Yeah, I know. We've meet the day when he came back and the good thing is, you'll know the truth, Miles."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean the truth?"
Bahagyang sinapo ni Zandy ang noo niya at marahan iyong hinimas. "I mean, the explanation you wanted to hear from him. Hindi ba't iyon naman ang gusto mong marinig mula sa kaniya?"
Hindi agad ako nakaimik dahil sa mga sinabi ni Zandy. Hindi ko maintindihan. Ano'ng totoo ang sinasabi niya?
"I'm done with him, Zandy at wala na akong oras to hear his damn excuses," sabi ko na bakas ang inis doon, hindi kay Zandy kung 'di kay Roven.
"Ibig bang sabihin, nagkita na kayo ni Roven?" seryosong tanong niya.
"Is none of your business, Zandy." Kinuha ko ang cellphone na nasa table ko at humarap sa kaniya.
"Are you done with the interview? Hindi ba nila gustong malaman kung paano ako maging asawa mo? Our love story?" tanong niya nang makatayo ako.
"Thank you for the interview, Zandy." Naglakad palayo sa kaniya at pumasok sa silid ko.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko. May dapat pa ba akong marinig mula kay Roven o dapat ko pa bang pakinggan ang explanation niya? It's been a year at sa sobrang tagal nang wala akong narinig sa kaniya, tinanggap ko na lang na ang nakita ko ang mag-e-explain ng lahat.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...