Unexpected 43

976 17 0
                                    

KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising dahil sa hindi ko alam na dahilan. Hindi na nga ako masyadong nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip sa huling mga sinabi ni Zandy sa akin. Paulit-ulit iyong bumabalik sa isip ko na para bang may nakatagong mensahe roon.

'I'm ok, Miles I can't sleep in your room, I'm afraid.' Ipinilig ko ang aking ulo para alisin iyon sa isip ko. Bakit ba iniisip ko pa ang bagay na iyon?

Umupo ako sa kama at luminga sa paligid at hindi ko nakita roon si Zandy na totoo ngang hindi siya roon natulog. "Saan kaya natulog ang mokong na iyon?" mahina kong sabi. Nasa kama pa rin nakapatong ang blanket na ipagagamit ko sana sa kaniya.

Ilang minuto pa ako bago nagpasiyang lumabas ng silid at nagulat ako nang madatnan ko si Zandy sa sofa habang nakabaluktot ang katawan dahil masyado siyang mahaba para sa sofa. Halatang nahihirapan siya sa posisyon niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Pero bakit ko iyon mararamdaman, eh, pinili naman niyang doon matulog.

Kumurap ako at dahan-dahang lumapit kay Zandy na halatang tulog pa. Maymaya pa'y pinalo niya ang binti na marahil may lamok na dumapo roon. Nang makalapit ako sa kaniya, huminto ako at pinagmasdan siya. Kahit ano'ng sabihin ng isip ko, nararamdaman ko pa rin ang awa sa kaniya. Lalo na nang maalala kong kagagaling nga lang pala niya sa injury at hindi pa masyadong magaling ang likod niya.

Bumuntong-hininga ako. "Bakit ba kasi ang kulit mo?" mahina kong tanong. "Pinatutulog na nga kita sa silid, pinili mo pa ritong matulog," dagdag ko pa.

Napakamot ako sa batok ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang gisingin o hayaan na lang sa ganoong posisyon. Halata ring katutulog lang niya. Iniamba ko ang kamay ko para sana tapikin siya pero binawi ko rin agad dahil sa pagkalito. Pero mayamaya'y nagpasiya akong gisingin na siya. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa kaniya at marahang siyang tinapik.

"Oh!" mahinang ungol niya at nagbago ng posisyon. Tumihaya siya sa sofa at humalukipkip. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na ngayo'y napakainosente sa lahat ng mga bagay. Hindi ko namalayang bahagyang kumurba ang ngiti sa labi ko kaya agad ko iyong pinigilan. Pumikit ako at umiling saka iniamba muli ang kamay ko.

Sa pagkakataong iyon, mas nilakasan ko ang pagtapik ko sa kaniya pero wala pa rin iyong epekto sa kaniya. Mas nilakas ko pa hanggang sa nanlaki ang mga mata ko sa sunod na nangyari. Hindi ako nakagalaw nang bigla na lang hawakan ni Zandy ang braso ko at hinila iyon pababa, dahilan para mapalapit ang katawan ko sa kaniya. Muntik pa akong matumba pero mabuti na lang at nandoon ang sofa.

Pigil ko ang hininga ko habang iilang inches na lang ang nakikita kong pagitan ng aming mga mukha. Kita ko ng malapitan ang mukha ni Zandy na para bang bawat detalye niyon at tumatatak sa isip ko. Napakinis pala ng mukha niya sa malapitan at mas nakakaakit ang mga mata niya.

"What are you doing to me, Miles?" tanong ni Zandy, seryoso ang mukha habang nakatingin sa mukha ko. Kahit bagong gising siya, hindi pa rin mabaho ang hininga niya.

Wala akong makuhang salitang isasagot. Pakiramdam ko naninigas ako at nawawalan ng lakas, lalo pa't nararamdaman ko ang katawan niya sa akin. Napalunok ako at rinig na rinig iyon. "I-I'm sorry," nauutal kong paghingi ng paumanhin.

"Don't do this to me again, Miles baka kung anong gawin ko sa iyo," mahinang aniya. Nanuot ang baritong boses niya sa tainga ko na naghatid sa akin ng kakaibang pakiramdam na sapat para tumaas ang balahibo ko sa aking katawan. Hawak pa rin niya ang braso ko na para bang may enerhiyang dumadaloy sa akin.

Tumango ako. "O-Ok, hi-hindi na mauulit," sabi ko. Humugot ako ng lakas ng loob at ng katawan para tumayo ng maayos at bawiin ang kamay ko sa kaniya pero hindi ko pa nagagawa iyon nang marinig ko ang boses ni Mama.

"OMG! I'm sorry, sa abala. Sige, please continue what you two are doing, ok? I'll be back if you're done with each other," gulat na sabi ni Mama na agad napalitan ng tuwa at ligaya sa nasaksihan at talagang gusto nitong ipagpatuloy namin ang aming ginagawa. Mabilis na nawala si Mama at pumasok sa silid nila ni Papa.

Mabilis akong gumalaw at lumayo kay Zandy na agad ko namang nagawa. Nakita kong bumangon siya. Napangiwi pa siya at sinapo ang likod. Lalo akong naawa sa kaniya.

"H-how's your back?" nahihiya kong tanong.

"Don't worry, Miles I'm fine medyo sumakit lang ang likod ko dahil masyadong maikli ang sofa," kaswal na sagot niya na hindi tumitingin sa akin.

"Next time, don't you dare to wake me up when I'm sleeping, ok? Hindi ako sanay na ginigising sa pamamagitan ng pagtapik, nagugulat ako at may nagagawa akong hindi maganda. You're lucky, dahil iyon lang ang ginawa ko sa 'yo," paliwanag niya sa akin.

Sumeryoso ako. May ganoon pala siyang katangian. Kaya pala ganoon na lang ang gulat niya kanina nang tapikin ko siya. Tumango ako at ngumuso. "Ok," sagot ko na lang.

SIMULA nang makauwi kami ni Zandy sa sarili naming bahay, hindi na uli kami nagpansinan na para bang balik na naman kami sa una. Hindi ko alam kung bakit parang umiiwas siya sa akin. Hindi niya rin ako masyadong binabalingan ng tingin. Nakalimutan ko lang siguro na pagpapanggap nga lang pala namin 'yong magandang turingan namin sa bahay.

Bumuntong-hininga ako habang naka-upo sa sofa at nasa taas naman si Zandy. Kanina pa nga siya roon at wala na atang balak bumaba. Doon na kami nagtanghalian sa bahay kaya hindi na rin kami nag-abala pang kumain dito.

Hindi nga kami tinigilan ni Mama at Papa sa pang-aalaska dahil sa nakita ni Mamang posisyon namin si Zandy sa sofa. Sabi pa nila, mukhang napabilis daw kaysa inaakala nila ang lahat. Tuwang-tuwa sila na para bang sigurado na sila na mangyayari ang gusto nilang mangyari.

Mayamaya pa'y narinig ko ang yabag ng mga lakad ni Zandy. Nakita kong naka-polo shirt siya habang naka-pants at snicker. Saan naman kaya ang punta niya? Hindi ko alam kung bakit gusto ko pa iyong alamin.

"Saan ka pupunta?" tanong ko na parang asawang nagtatanong.

"I'll gonna meet Ton, today. Why you asking, my wife?" tanong nito.

Pinanliitan ko ng mga mata ang sinabi niya. Parang kanina lang, hindi niya ako pinapansin ah. Pero aminin ko man o hindi may kakaiba akong naramdaman sa mga narinig kong iyon. May kung ano'ng kiliti sa kaibuturan ko. "My wife? Stop acting, Zandy nandito na tayo sa sariling bahay at wala nang mga matang nagmamasid," protesta ko.

"But you're acting like a real wife, Miles," balik niya.

Umikot ang mga mata ko. "Whatever, Zandy, just go and met your boyfriend," sabi ko pa. Sumandal pa ako sa sofa at hindi na siya tiningnan.

"Ok, I'll gonna met my boyfriend today," narinig ko pang sabi niya kasunod ang paghakbang niya palayo at ang tunog ng pagsara ng pintuan.

Suminghap ako. Hindi ko maintindihan ang ugali ni Zandy, para siyang babae na pabago-bago ang mood. Minsan, mabait at minsan hindi. Para siyang weather na bukas maulan at sa isang araw mainit. Haist! Ang hirap intindihin.

Salamat sa suporta ninyo💛

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon