Unexpected 42

1K 18 0
                                    

NAPABUNTONG-HININGA ako at nagusot ang mukha dahil sa pagpayag ni Zandy na dito kami matulog sa bahay ngayong gabi. Ano bang naisip niya para pumayag sa kanila? Saan siya tutulog, sa sofa? Alangan namang magsama kami sa iisang silid? No way!

"Are you out of your mind, Zandy? Bakit naman naisipan mong pumayag at sumakay sa gusto nila?" sermon ko sa kaniya nang makaalis na sila Mama at Papa.

Seryoso ang mukha ni Zandy at kapagkuwa'y ngumiti sa akin na para bang natutuwa pa sa ginawa niya. "Why not, 'di ba? Don't you miss your house, Miles? Why you're acting like a nervous wife in her first night with her husband?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko. Ganoon ba ang dating niyon? Bigla akong huminahon. Lumunok ako ng laway. "Ok, fine pero dito ka matutulog sa sofa, ok? Walang ibang silid sa bahay na ito at hindi tayo pwedeng matulog sa iisang kwarto, naiintindihan mo ba?" paliwanag ko sa kaniya para maintindihan niya na hindi siya matutulog sa kwarto.

Lumingon si Zandy sa sofa at saka kumunot ang noo. "Seriously, Miles papatulugin mo ako sa sofa?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Why not, 'di ba, ginusto mo ito, eh, panindigan mo," giit ko sa kaniya. "Sige, goodnight." Nginitian ko pa siya pero saglit lang iyon. Nang akmang hahakbang na ako, naramdaman ko ang kamay niyang pumigil sa braso ko. Para akong napaso, kasunod ang kakaibang enerhiyang dumaloy sa buo kong katawan. Hinarap ko siya na seryoso ang mukha.

"Hindi ka ba naaawa sa akin, Miles? I'm not yet recover from the accident. Masakit pa ang likod ko."

Kumunot ang noo ko nang makita kong napangiwi siya at inilagay ang kanang kamay sa likod. Halata namang umaarte lang siya kaya hindi ko siya pinansin. Binawi ko ang kamay ko at humakbang palayo pero hindi pa man ako nakararating sa pinto ng silid ko, nandoon na si Zandy sa harap ko at hinarangan ako.

"Can you please stop, Zandy? Antok na ako at gusto ko ng magpahinga. Doon ka sa sofa," madiin kong sabi sa huling mga salita at itinuro pa iyon.

"Masyadong matigas ang sofa para sa akin, Miles. Don't you forget I was injured, masakit pa rin ang likod ko," sabi ulit niya.

Tiningnan ko muna siya ng seryoso. Hindi ko alam pero bakit may bahagi sa akin na gusto siyang pagbigyan. Ilang araw pa nga lang naman simula ang paglabas niya sa hospital at marahil na may sakit pa rin ang likod niya dahil sa namaga iyon.

"Ano'ng gusto mong mangyari, Zandy, matutulog tayo sa iisang silid?" tanong ko.

'Why not, 'di ba, we're couple," natatawang aniya.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Can you please stop acting, Zandy, wala na sila sa harap natin at hindi mo na kailangang magpanggap na ok tayo," diretso kong sagot sa kaniya na hindi ko alam pero may kirot akong nararamdaman dahil doon.

"Please, Miles let me sleep to your room," patuloy ni Zandy. Natigilan ako dahil sa paraan ng pagsasalita niya na nagmamakaawa sa akin. Napakamarahan niyon na para bang bago sa pandinig ko  Ngumuso pa siya. "Alam kong kasing sasakit lalo ang likod ko if I sleep on the sofa. Kahit sa baba ako at sa taas ka. If you have a blanket, ok na iyon sa akin."

Bumuntong-hininga ako. Hindi na ako umimik. Humakbang ako papasok sa silid ko at hinayaan iyong nakabukas para kusa siyang pumasok doon. Dumeretso ako sa gilid ng silid ko kung saan may blanket doon na ipinapalit ko sa blanket na nasa kama ko.

Mayamaya pa'y pumasok na rin si Zandy sa loob ng silid. "Thank you, Miles," aniya.

"Here's the blanket, bahala ka na kung saan mo gustong matulog," sabi ko na halos hindi makatingin sa kaniya.

Ngumiti si Zandy. Hindi ko alam pero naiinis ako dahil sa inaakto niya. Ano bang gusto niya? Bakit bigla na naman siyang ganito sa akin na para bang matagal na kaming ok.

Nakita kong lumingon siya sa kama ko. "You have a huge bed, can I also sleep here?" sabi niya. Lumapit pa siya sa kama at umupo sa gilid niyon habang hinihimas iyon.

Kumunot ang noo ko at bahagyang nanlaki ang aking mga mata. "Are you crazy, Zandy? No! Hindi pwede, matulog ka diyan sa baba, sa labas, sa sofa, sa CR o kung saan mo gusto pero hindi sa kama ko." Dahil sa gulat ko sa sinabi niya, napabilis ang pagbuka ng bibig ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin, seryoso ang mukha. "Bakit hindi, you're my wife and I'm your husband, bakit hindi ako pwede matulog na katabi mo?"

Hindi agad ako nakaimik sa sinabi ni Zandy. Ano'ng pinagsasabi niya? Nababaliw na ba siya? "You're crazy, Zandy!" naiiling kong sabi.

"Ako, baliw? No, I'm not. I just want to remind you that I'm your husband, we're married and married couple supposed to be sleeping together, right?" patuloy niya na seryoso pa rin ang mukha na para bang seryoso rin siya sa sinasabi.

Kumurap ako. Pinanliitan ko siya ng mga mata pero hindi ko magawang direktang tumingin sa kaniya dahil nasa akin ang tingin niya. Naiilang ako. Lalo akong nakararamdam ng tense. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako at may kung ano'ng pitik sa puso ko. "Wala akong panahon para makipagbiruan sa iyo, Zandy. Gusto ko nang matulog. Bahala ka kung ano'ng gusto mong gawin. Oh, you're blanket." Binato ko sa kaniya ang makapal na blanket. Natamaan siya sa katawan at nagulat pero kapagkuwa'y tumawa ng mahina na hindi nakaligtas sa pandinig ko. Ang sarap niyon sa tainga.

"Ouch!" aniya. "Why you're blushing, Miles? Are you tense with my presence?" tanong niya na natatawa pa rin.

Kumunot muli ang noo ko. "Huh? Ako, nagba-blush at nate-tense? Of course not, at bakit naman ako magba-blush at mate-tense. You're gay at hindi ako pumapatol sa kagaya mo," diretso kong sabi pero ang katotohanan, nararamdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko.

Nakita ko ang pagseryoso ng mukha niya at mataman akong tinitigan. Agad akong umiwas sa kaniya. Lumapit ako sa kama at sumampa roon, sumandal ako sa headboard niyon. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil lalo lang ako nakararamdam ng kaba at tensyon. Parang biglang nag-init ang silid kahit naka-aircon naman iyon.

"Ano'ng sinabi mo? Bakla ako?" Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagngisi niya habang nakatingin sa akin. "I'll show you what gay can do to a girl like you," dagdag pa niya.

Ganoon na lang ang gulat ko nang sumampa siya sa kama at humarap sa akin. "Hoy! Z-Zandy, a-ano'ng...ano'ng ginagawa mo?" Mas lalo akong nagulat nang lumapit pa siya at tila ba nakapatong na siya sa akin habang nakatuon ang mga palad niya sa kama at seryoso ang mukha na nakatingin sa akin. Para akong naging yelo, nanigas at hindi makagalaw. Parang tumahimik ang buong silid at ang tanging tibok ng puso ko ang naririnig ko kasabay ng paglunok ko dahil sa kaba at tensyon.

"Hindi ka pumapatol sa bakla?" tanong niya. Ngumisi pa siya habang pilit hinuhuli ang tingin ko. "I'll show you that gay can kiss a girl, Miles." Hindi ko makita ang anumang pagbibiro sa mukha niya.

Wala akong mahanap na salitang pwede kong sabihin. Parang umurong ang dila ko dahil sa napakalapit ni Zandy sa akin. Napaawang ang bibig ko nang lumapit pa ang mukha niya sa akin.

"Z-zandy, s-stop," nauutal kong aniya at pilit iniangat ang kamay ko para pigilan siya. Mariin din akong napapikit at napakiling. Naramdaman ko ang matigas niyang dibdib nang lumapat doon ang palad ko. Hindi ko alam pero animo'y may enerhiyang gumapang mula sa kaniya patungo sa akin.

"Bakit, are you affected, Miles? Did I make yor heart beats fast? Sa tingin mo, gay won't make you tremble?" Ngumisi siya. "Natatakot ka bang kasama ako sa silid at sa pwedeng mangyari habang magkasama tayo?"

"S-sige na! O-oo na," sabi ko habang nakapikit pa rin at hindi makatingin sa kaniya. Para akong nanghihina dahil sa kakaibang presensiya niya na nararamdaman ko at naghahatid sa akin ng kakaibang pakiramdam.

Mayamaya pa'y naramdaman ko ang pag-alis niya sa harapan ko. Narinig ko pa ang pagtawa niya ng mahina. Napalunok ako ng ilang ulit. Dahan-dahan akong nagmulat at nakita kong nakababa na siya sa kama at tumungo sa pinto ng silid.

"I'll sleep on the sofa," aniya at saglit lang akong tiningnan.

"W-wait! Y-you can sleep here on my room...I mean, sa baba," pigil ko sa kaniya. "H-hindi pa masyadong magaling ang likod mo, 'di ba? I don't want you to blame me kapag bukas sumakit ang likod mo dahil natulog ka sa sofa," pigil ko sa kaniya at umiwas ng tingin.

"I'm ok, Miles I can't sleep on your room, I'm afraid."

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon