KINAUMAGAHAN, hindi na ako nagtaka nang magising akong may ngiti sa mga labi. Ang gaan ng pakiramdam ko at ng paligid. Uminat ako habang nakapaskil ang matamis na ngiti sa mga labi ko, saka kinikilig na niyakap ko ang unan at nagpagulong-gulong sa malambot na kama. Maging sa panaginip ko'y hindi ako iniwan ng alaalang iyon kasama si Zandy.Hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa at sinabi ni Zandy sa akin nang nagdaang gabi para ipamukha kay Roven na pag-aari na niya ako. Paulit-ulit iyon na bumabalik sa isip ko at sa tuwing naiisip ko iyon, hindi ko maiwasang ngumiti at kiligin. Magdududa pa ba ako sa kaniya gayong pinatunayan ni Zandy na deserve niyang paniwalaan at pagkatiwalaan? Pero hanggang ngayon, naiisip ko rin ang kalagayan ni Roven ngunit alam kong ito ang mas mabuti para sa aming dalawa.
Ilang minuto pa akong tumitig sa kisame. Nababaliw na ata ako na pati sa kisame'y nakikita ko ang gwapong mukha ni Zandy na nakatingin at nakangiti sa akin. Kusa na lang ngumiti na may halong kilig ang mga labi ko.
Walang nang duda ang nararamdaman ko para kay Zandy. Alam kong mahal ko na siya at inaamin ko na iyon sa sarili ko. Handa na rin akong harapin ang magiging resulta nito.
Ilang saglit pa at kumurap ako.Sumeryoso ako at nagpasiya nang lumabas ng silid ko at bumaba sa sala. Katulad nang nakasanayan ko, naamoy ko agad ang mabangong amoy ng pagkaing niluluto sa kusina at alam kong nandoon si Zandy at nagluluto.
"Good morning, Zandy," magiliw kong bati sa kaniya nang makapasok ako sa kusina.
Humarap siya at tumambad sa akin ang gwapong niyang mukha na sinabayan pa ng maganda niyang ngiti na kahit sinong babae'y kikiligin.Muli na namang tumibok ang puso ko ng mabilis na si Zandy lang ang dahilan.
"Good morning, Honey, tamang-tama ang gising mo dahil malapit na 'tong maluto," balik ni Zandy.
Nanliit ang mga mata ko habang pinipigilan kong mapangiti. Tama ba ako ng narinig ko? Honey? Ang sarap niyon sa pandinig lalo't si Zandy mismo ang nagbanggit niyo sa seryosong paraan at hindi para magpanggap sa mga tao sa paligid namin.
"H-Honey?" nauutal pero natatawa kong tanong.
Humarap uli si Zandy. Yes, Honey. Bakit ayaw mo ng endearment na Honey? Sige, what do you want? Love, Babe, Sugar and Salt, ano?" natawa pa ito sa huling sinabi.
Napayuko ako saglit at napakamot sa noo. Pakiramdam ko'y umiinit na ang pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman ko. Hindi ako sanay na ganito kami pero masaya ako.
"No, o-ok na sa akin ang, Honey," pagsang-ayon ko.
"Then, from now on I want you to call me Honey, ok?" sambit ni Zandy.
Hindi agad ako sumagot. "S-susubukan ko, Zandy—"
"Honey," putol niya para itama ang sasabihin ko.
"O-ok, fine, Honey," nahihiya kong sabi at agad umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ako sanay at nahihiya ako. Pakiramdam ko nga'y namumula na ang pisngi ko.
"Good," tatango-tangong sabi ni Zandy. "It's done, so let's eat, Honey, come here," sabi pa niya at iwinagayway ang kamay para palapitin ako sa kaniya na ginawa ko naman.
"Here, kumain ka ng marami para may energy ka sa trabaho," sabi ni Zandy habang nilalagay niya ang gulay sa plato ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa ligayang nararamdaman ko dahil sa ikinikilos niya.
"T-Thank you, Zand—"
"Call me Honey," pagtatama uli niya. "Alam kong naiilang kang tawagin akong Honey pero I always want to hear it from you."
"H-Honey," sabi ko na nauutal. Agad akong yumuko. Para akong teenager na nahihiya at kinikilig sa ka-date na teenager din.
Pinagdaanan ko na rin naman ito dati pero bakit nahihiya pa rin ako. Masasanay din siguro ako na tawagin siya sa ganoong paraan
Nagsimula kaming kumain ni Zandy. Tahimik lang kaming dalawa habang panaka-nakang akong tumitingin sa kaniya pero agad ding umiiwas. Minsanan din akong nilalagyan ng pagkain ni Zandy sa pinggan ko.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomansaSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...