Unexpected 8

1.7K 26 0
                                    

"NAKAKAINIS talaga! Bakla!" mahina kong sabi na bakas ang inis doon habang mabilis akong naglalakad papasok sa hallway patungo sa opisina ng department na kinabibilangan ko. Patingin-tingin pa ako sa wristwatch ko dahil ilang minuto na lang at male-late na ako. Kung hindi talaga dahil sa baklang Zandy na iyon, kanina pa akong nasa opisina at hindi ko kailangang magmadali para habulin ang oras.

Huminto ako sa tapat ng glass door ng opisina. Huminga muna ako ng malalim, saka inayos ang sarili ko. Hinawakan ko ang hawakan niyo at madiing tinulak papasok hanggang magbukas iyon. Naramdaman ko agad ang malamig na hanging kumawala mula sa aircon ng silid. Ipinasok ko ang sarili ko sa pinto.

"Congrats!"

Napapitlag ako sa gulat ng bigla na lang naghiyawan ang mga tao sa silid, kasabay ang mahinang pagsabog ng hawak ni Chad, ang isa sa mga katrabaho ko. May pa-confetti pa silang nalalaman at pa-banner na may nakalagay na 'Best Wishes'. Ang gulat na nakapinta sa mukha ko, napalitan ng ngiti dahil sa surprise na ito na hindi ko talaga inasahang gagawin nila. Hindi ko alam pero bakit may sayang lumitaw sa akin?

"Congrats, Miles best wishes. I'm happy for you," agad na bati ni Andrea sa akin. Nilapitan pa niya ako at mahigpit na niyakap. "Ngayon may asawa ka na, huwag mong kalimutan i-date pa rin kami sa labas, huh?" nakanguso pa niyang dagdag.

Natawa naman ako sa pinagsasabi ni Andrea. Akala mo nama'y hindi niya alam ang dahilan ng pagpapakasal ko. "Bakit ko naman kalilimutan iyon? Ano ka, kasal lang ako pero ako pa rin 'to, si Miles the only gorgeous Miles," pagyayabang ko pa sa kanila.

Kung pwede ko nga lang sana sabihin sa kanila ang dahilan ng kasal ko, sinabi ko na para hindi na sila nag-abala sa ganitong surprised.

"Congratulations, Miles. We pray for your happiness and of course for your future baby," bati naman ni Ate Shai, ang head editor ng department at ang pinakamatanda sa aming lahat doon. May asawa na kasi siya at dalawang anak.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ate Shai dahil sa gulat. Kung alam lang nila kung bakit ako kinasal, hindi siguro nito iyon sasabihin. "Baby agad, Ate Shai? It's to early for that," protesta ko naman.

"Why not, 'di ba? May asawa ka na at normal na magka-baby unless baog ka o ang asawa mo," agad naman na sang-ayon ni Melissa kay Ate Shai at natawa pa sila sa sinabi nito.

Ngumuso ako at kinunutan pa sila ng noo. "Siguro darating din tayo riyan, pero hindi pa ngayon," giit ko. Pero alam kong hindi iyon mangyayari habang asawa ko si Zandy.

"Ok, fine! Payag," pagsuko ni Ate Shai. "By the way, Miles grabi ka naman sa amin. Ni hindi man lang kami na-inform na ikakasal ka na pala at wala man lang wedding invitation ang nakarating sa amin. Nakakapagtampo, eh, si Andrea lang ang inimbita mo sa kasal mo," dagdag pa nito.

"Oo nga, Miles ni hindi nga namin nabalitaan na may boyfriend ka. Ang alam pa nga namin pumuporma sa iyo itong si Sir Troy, eh," sabat naman ni Chad. Si sir Troy ang isa sa mga head consultant ng publication na nagpapakita ng motibo sa akin noon pa man pero dahil hindi ko naman ito gusto kahit gwapo ito, hindi ko rin ini-entertain.

"So, kailan namin makikilala ang asawa mo? For sure he's so handsome and hot," tila kinilig naman na sabi ni Melissa.

Sumeryoso ang mukha ko at alangang tiningnan si Andrea na napakamot sa noo dahil sa mga tanong nila sa akin.

"Biglaan lang kasi ang proposal at kasal. Gusto rin ng pamilya ng asawa ko na gawin na lang private ang kasal at exclusive sa mga kamag-anak at ilang close friends," pagsisinungalin ko. Gusto ko pang masuka sa pagbanggit ko sa 'asawa ko'. Hindi ko na lang sinagot ang huling nga sinabi niya.

Sumimangot silang lahat. "Napakadamot naman ng pamilya ng asawa mo, Miles," reklamo ni Ate Shai.

"Baka naman kasi walang ipapakain sa bisita dahil sapat lang para sa pamilya niya at ni Miles," natatawang hula naman ni Melissa.

Nagkatinginan kami ni Andrea. Ngumiti siya na gustong ipagmalaki si Zandy. "Nagkakamali ka, Melissa, kahit buong barangay niyo kaya niyang pakain. Miles husband is a well-known millionaire," pagtatanggol ni Andrea."

Gumuhit naman ang labis na pagkagulat sa mukha ni Melissa. "Millionaire? OMG! Sino itong lalaking ito? May kapatid ba siya, pareto naman ako, oh," tila desperadang sabi pa nito.

"Tumigil ka nga, Melissa dahil baka kahit driver ng asawa ni Miles ayawan ka," pang-aalaska naman ni Chad.

"Aysus! Inggit ka lang kasi wala ka ring jowa!" balik ni Melissa.

Napailing at napatawa na lang kaming tatlo dahil sa pagtatalo ng dalawang iyon na hindi naman na bago sa amin. Baka nga sila pa ang magkatuluyan sa huli dahil sa araw-araw nilang asaran.

Pasalamat naman ako at hindi na sila nagtanong pa tungkol sa kasal ko at sa lalaking pinakasalan ko. Mabuti na rin siguro iyon na hindi nila alam ang totoong nangyari sa akin para iwas na rin sa issue at sa maraming tanong.

Nagsimula na kaming magtrabaho. Napasimangot agad ako nang makitang tambak ang email ko for another project at ang ilang article na kailangan kong i-revise. Sumasakit na agad ang ulo ko sa dami ng trabahong inilagay nila sa email ko. Gusto kong na lang sanang mag-leave ulit. Tinitigan ko lang muna ang mga email na iyon habang nakasimangot bago isa-isang pinagbubuksan iyon.

UMINAT AKO at humikab matapos kong i-revise ang ilang articles na ginawa ko para sa isang magazine cover ng isang sikat na singer. Akala ko'y maayos ko na iyong naipasa sa head ng publication pero hindi pa rin pala maayos.

"Tapos ka na ba, Miles? Let's go," aya sa akin ni Andrea. Kasalukuyan na siyang nagliligpit ng mga gamit niya.

"Are you done with your articles?" tanong ko sa kaniya.

Tumango si Andrea. "Almost done, konting proofread na lang 'yon," sagot naman niya.

"Ok. I'll go home too. I'm almost done na rin kasi, eh," sambit ko. Ayaw ko namang maiwang mag-isa sa opisina. Pasado alas-otso na rin kasi ng gabi at nakauwi na sila ate Shai kasama sina Melissa at Chad.

Matapos kong ayusin ang mga gamit ko, sinakbit ko ang shoulder bag na suot ko at sabay na kaming lumabas ng opisina ni Andrea.

"By the way, kumusta ang unang araw ng may asawa? Kumusta ang pakiramdam mo? I was shocked when you passed out nang halikan ka ni Zandy sa kasal ninyo," usisa ni Andrea sa akin at natawa pa sa huling mga sinabi.

Bumakas agad ang lungkot sa mukha ko dahil sa totoo'y nai-stress ako kapag nababanggit o naaalala ko ang ang kasal at ang salitang asawa. "Sa totoo lang, Andrea ang hirap mag-adjust. Untill now hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na may asawa na ako. Ang hirap tanggapin at masakit sa loob," daing ko.

Gumuhit ang simpatiya sa mukha ni Andrea. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Andrea. Alam kong mahirap ang sitwasyon mo dahil hindi mo naman ginusto ang kasal na iyan, napilitan ka lang," malungkot na sambit niya.

Napahinto ako ng may maalala ako. Seryosong hinarap ko si Andrea. "Hindi ba't may sasabihin ka sa akin after the wedding? Na may naisip kang plano?" curious kong tanong ng maalala ko iyon.

Saglit na natahimik si Andrea, pero agad ding ngumiti. "Yeah! Nakaisip ako ng plano para si Zandy na mismo ang humiling sa iyo na hiwalayan mo siya," simula ni Andrea. "Since, hindi naman ninyo mahal ang isa't isa at sinabi na rin ng parents ninyo na kapag hindi kayo nag-work, papalayain nila kayo sa desisyon niyo." Huminto siya sa pagsasalita.

"So, ano'ng naisip mong plano?" usisa ko. Hindi ako titigil hanggat hindi iyon nalalaman. Naku-curious lalo ako sa planong naisip niya.

"Hindi ba't ikaw na mismo ang nagsabing bakla si Zandy, right? Then if that's the case, ang kailangan mong gawin hanapan ng lalaki si Zandy na mamahalin niya para 'pag dumating na sa puntong iyon, siya na mismo ang makikipaghiwalay sa iyo," paglalahad ni Andrea sa naisip niyang plano.

Saglit akong nag-isip at inoobserba ang plano ni Andrea. "Do you think, it will work?" paninigurado ko.

"I don't know, Miles pero hindi naman masamang sumubok, eh, malay natin mag-work."

Nag-isip pa ako ng ibang paraan pero wala akong maisip na ibang paraang para maging dahilan ng paghihiwalay namin. May sense naman ang suhestiyon ni Andrea at pwedeng mangyari nga iyon. Pero paano ko gagawin?

"Sige, subukan natin, Andrea kung magwo-work o hindi," pagsang-ayon ko. Bahala na!

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon