Unexpected 37

1.1K 18 2
                                    

AGAD akong sinalubong ni Melissa at Andrea nang makapasok ako sa opisina. Dumeretso ako sa table ko at inilapag doon ang mga gamit ko.

"Kumusta si Zandy?" usisa ni Andrea.

"Is he fine? Hindi ba nabali ang likod niya?" segunda naman ni Melissa. Ramdam ko ang pag-aalala nila kay Zandy.

"He's fine. Mabilis naman siyang maka-recover," sagot ko sa kanila. "Don't worry about him, he's strong at hindi iyon ang magiging dahilan para mamatay siya," sabi ko pa.

"Grabi ka naman sa mamatay na term? Tinatanong lang naman namin kung ok siya, 'di ba?" gulat na sabi ni Melissa. Napakunot pa ang noo.

"I mean, hindi naman seryoso ang injury niya so he's fine at nakakalakad naman siya. Hindi pa siya baldado," paglilinaw ko.

"Ah! Mabuti naman kung ganoon. Eh, bakit pumasok ka pa? Akala namin hindi ka papasok para alagaan ang asawa mo, eh?" sambit ni Andrea at makahulugan pang ngumiti sa akin.

"He can handle himself and like I said hindi naman siya baldado and besides ayaw niya rin namang magpaalaga." Humarap ako sa monitor ko at binuhay iyon.

"Ganoon? Baka gusto mo ako mag-alaga sa kaniya? I'll do it for free," mataray na wika ni Melissa.

Binalingan ko siya na masama ang tingin. "No thanks, Melissa," seryoso kong turan at bumaling muli sa monitor ko.

"Ano na namang sinasabi mo riyan, Melissa? Ang aga-aga, puro ka pantasiya."

Napalingon kami kay Chad na kararating lang. Si Melissa na naman ang una nitong nakita. "It's none of your business, Chad so shut your mouth, ok?" masungit na balik nito sa binata.

Natawa na lang kami ni Andrea at napailing dahil nagsimula na namang magbangayan ang dalawang iyon na parang naging routine na nilang gawin. Hindi na bago iyon sa amin.

Kunot ang noong bumalik si Andrea sa table niya at muling bumaling sa akin nangingiti.

SABAY kaming lumabas ni Andrea ng gusali para kumain sa labas. Lunch time na at medyo gutom na rin ako. Kumusta kaya si Zandy sa bahay? Hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano'ng ginagawa niya habang mag-isa roon. Kung kumain na ba ito at kung ok lang ba ito roon?

"ANO na bang status niyo ni Zandy, huh? Mukhang nakalimutan mo na kung sino at kung ano'ng ginawa niya sa iyo noon, ah," simula ni Andrea habang naglalakad kami palapit patungo sa sasakyan ko. Bakas ang pagdududa sa mukha niya.

Kumunot ang noo ko at humarap sa kaniya. "Status? What do you mean? Of course I know he is at hindi ko nakalilimutan ang ginawa nila sa akin," sagot ko.

"Ganoon ba 'yon? Eh, sa napapansin ko,  mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa, eh. Are you falling in love with Zandy?"

Natigilan ako sa paglalakad sa naging tanong niya sa akin. Ako, napu-fall kay Zandy? No! "Of course not, Andrea. Are you crazy? Sa tingin mo mapu-fall ako sa lalaki—este baklang ipinagpalit sa akin ng ex-boyfriend ko?" gulat kong sabi. Umirap pa ako.

Makahulugan akong tiningnan ni Andrea. "Why not, 'di ba? At saka, hindi naman halatang bakla si Zandy or should I ask, bakla ba talaga si Zandy? Alam mo, Miles hindi ko mahanap ang dahilan para isipin kong bakla si Zandy bukod sa kwento mo na kahalikan diumano ni Roven si Zandy. He's so manly."

"No! He's gay, Andrea. Kitang-kita ng mga mata ko na kahalikan ni Zandy si Roven noon," giit ko.

"Hindi ba't sabi mo hindi mo naman nakita ang mga labi nila kasi nakatalikod sila," patuloy naman ni Andrea.

"Yeah! Pero base sa reaction nila nang makita ko sila, naghalikan sila. Believe me or not, he's gay," sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko, nasagip ng paningin ko ang pamilyar na bulto. Napalingon ako sa gawing kanan at tama nga ako nang nakita. Si Roven iyon, kabababa lang sa kotseng iyon, 'di kalayuan sa amin.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon