KINAUMAGAHAN, hindi ko alam pero kusang nagmulat nang maaga ang mga mata ko kahit halos hindi ako nakatulog nang nagdaang kagabi, dahil sa kakaisip ko sa nangyayari sa pagitan namin ni Zandy na hindi ko inasahan.
Matapos kong ayusin ang sarili ko, nagpasiya akong bumaba ng silid ko. Naalala kong wala nga pa lang magluluto dahil masakit pa ang likod ni Zandy. Maaga pa naman. Dumeretso ako sa kusina. Uminom muna ako ng tubig at luminga sa kitchen.
"Ano'ng lulutuin ko?" tanong ko. Lumapit ako sa refrigerator at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang iba't ibang frozen food doon. Ngumuso ako habang nag-iisip kung ano'ng dapat kong lutuin para sa amin ni Zandy. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako marunong magluto kaya lang kailangan kong gawin iyon. Hindi naman pwedeng iwan ko na lang si Zandy ng walang pagkain. Ako na nga ang dahilan kung bakit siya napahamak, hindi ko pa siya ipagluluto. Minsan lang naman.
Bumuntong-hininga ako, saka nagpasiyang kunin ang cheesedog at ham. Ok na siguro ito para sa amin ni Zandy. Hindi naman siguro siya magrereklamo kung anuman ang ihain ko sa harap niya.
Lumapit ako sa stove at binuhay iyon. Isinalang ko ang kawali at nilagyan agad iyon ng mantika. Nakaramdam ako ng inip sa pagluluto. Hindi pa man mainit ang mantika, inilagay ko na roon ang cheesedog. Napaatras pa ako nang akala ko'y tatalsikan ako ng mantika pero hindi naman pala.
Kumunot ang noo dahil bakit ang tagal maluto ng cheesedog? Mas nilakasan ko pa ang stove at napangiti nang marinig ko ang tunog ng kumukulong mantika. Ilang minuto pa ang lumipas, nakita kong nag-uusok na ang kawali kaya mabilis kong binaligtad ang cheesedog. Nagulat ako nang makitang maitim na ang ilalim niyon. Sumimangot ako at bumakas ang disappointment sa mukha ko. Pagpiprito na lang hindi ko pa nagawa ng maayos.
"What? Ano'ng nangyari sa iyo bakit ka nasunog?" tanong ko sa cheesedog habang nakahibi ang mga labi ko.
Kumuha ako ng lalagyang pinggan at inilagay doon ang ilang cheesedog na hindi pa luto ang ibabaw pero sunog ang ilalim. Okay na Siguro ito. Sunod ko namang inilagay ang ham. Nakalimutan kong hinaan ang apoy kaya ilang minuto pa lang, nasunog na agad iyon. Lalo akong na-stress sa nangyari sa ham.
"Ano ba 'yan? Bakit ba kayo nasusunog? Makisama naman kayo," pakiusap ko. Gusto ko ng umiyak dahil sa kinalabasan ng niluluto ko. Sinubukan kong baliktarin ang ham.
"Masyado malakas ang apoy mo."
"Ay! Nasunog! Ouch!" Sa gulat ko sa boses ni Zandy, napadikit ang daliri ko habang binabaliktad ang ham. "Ouchh!" sabi ko habang sapo ang likod ng daliri ko. Ramdam ko ang hapdi niyon at ang init.
"What happened?"
Naramdaman ko ang presensiya ni Zandy sa tabi ko, kasunod ang paghawak niya sa daliri ko. Tiningnan niya iyon. Hininaan muna niya ang stove. Marahan niya akong hinila sa sink area at binuhay ang tubig, saka itinapat ang daliri ko roon. Hindi ko maalis ang mga tingin ko sa kaniya. I can't believe he's doing this to me at kita ko ang concern sa mga mata niya.
"Next time, if you're cooking such food, hindi required nang malakas na apoy, just cook it on a medium heat," paalala niya. "Isa pa, when you're cooking cheesedog or hotdog, you should slightly cut it's part para maluto ang loob," dagdag pa niya.
Hindi ako umimik. Nanatili ang mga mata ko sa kaniya habang marahang hinihimas ang daliri ko. "Go there and I'll cook for us."
Napakurap ako nang maramdaman kong binitawan na niya ang daliri ko. Mabilis akong bumaling sa baba dahil nakita kong nakatingin siya sa akin. "I'm sorry, Zandy hindi pala ako marunong magluto," nahihiya kong sabi. "Pero kaya mo na ba? Noodles na lang lulutuin ko, iyon lang ata ang kaya ko, eh," dagdag ko pa kasunod ang nahihiya kong pagngiti. "Bakit mo tinanggal ang benda sa braso mo?" tanong ko nang mapansin kong wala na iyon.
Napailing si Zandy at saka lumapit sa stove. Hinabol ko siya ng tingin. Nakita ko pa ang pagngiti niya nang makita ang niluluto ko. "Nice try, Miles," aniya na hindi sinagot ang tanong ko.
"I'm sorry, nasayang lang 'yong pagkain," paghingi ko uli ng paumanhin.
"No worries, Miles just sit up there and wait the food," saad niya na itinuro pa ang table. "Kaya ko, likod lang ang masakit sa akin. Ok na rin ang braso ko, I don't feel the pain everytime I move," paliwanag pa niya.
Tumahimik na lang ako at umupo sa upuan sa tapat ng table at humarap kay Zandy. Naiilang ako sa kakaibang turing niya sa akin. Parang kahapon lang, sumbatan at bangayan ang eksena sa pagitan namin pero biglang nagbago iyon .
"When you're cooking, watch out the heat. Kailangan mong alamin kung ano'ng init ang dapat para sa lulutuin mo para hindi masunog. Katulad ng frozen food, it's easy to cook so you need to set the stove in medium heat," litanya niya habang binabaliktad ang ham na nasa kawali.
"Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nagluluto sa bahay. I'm dependent with my Mama," pag-amin ko. "Kaya hindi mo ako maaasahan sa pagluluto. Tagakain lang ako sa amin, eh."
"Yeah! I know, Tito Andrew told me about your poor cooking skills," seryosong sabi niya.
Kumunot ang noo ko. Si Papa talaga! Bakit kailangan niya pang sabihin 'yon kay Zandy? Lalo tuloy akong Nahiya sa kaniya.
"Pero I'm willing to learn since I'm the wife—I mean, bilang babae I should learn how to cook," sabi ko na agad na napayuko dahil sa sinabi ko. Mabuti naman at hindi nag-react si Zandy.
"Yeah! You're right, you should learn how to cook para sa tunay na mapapangasawa mo," sabi niya.
Hindi ko alam pero bakit may konting lungkot akong naramdaman nang marinig ko iyon at muling bumalik sa isip ko ang realidad na kasal nga lang pala kami sa papel at hindi dahil mahal namin ang isa't isa. Darating sa puntong maghihiwalay din kami.
"Tama ka, Zandy," maikli kong sabi. Hindi na rin siya umimik hanggang sa matapos siyang magluto. Nakikita ko pa ang minsanang pagngiwi niya sa tuwing gumagalaw siya na marahil dahil sa sakit ng likod niya.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tinulungan siyang maghanda ng mga pagkain sa lamesa. Nakita ko ang niluto ni Zandy, napakalayo niyon sa niluto ko na sunog ang ilalim at hilaw ang ibabaw. Kahit ata bata kaya akong talunin sa pagluluto.
Nagsinula na kaming kumain. Kapwa tahimik lang kami at walang gustong umimik. Hindi ko naman alam kung bakit parang biglang nag-iba ang mood ko. Mayroon sa loon ko na parang nalungkot sa 'di ko alam na dahilan. Panakanaka lang akong tumitingin kay Zandy.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...