Unexpected 79

703 6 0
                                    

HINDI KO inaasahang darating ang mga magulang ni Zandy kinaumagahan. Bakas ang pag-aalala sa mukha nila dahil sa kalagayan ko. Marahil alam na rin nila ang dahilan kung bakit ako nandito at ang nangyari sa amin ni Zandy. Kasalukuyan namang nag-aasikaso si Mama ng mga papel para sa paglabas ko ng hospital at si Papa ay nasa bahay dahil kailangan din nitong magpahinga.

Ngumiti ako sa kanila kahit walang saya roon. Bahagya akong nagulat nang yakapin ako ni Tita Mandy bago siya umupo sa bakanteng upuan malapit sa akin. Habang tahimik lang si Tito Andrew na nasa parteng dulo ng hospital bed.

"Kumusta ka na, hija? Are you feeling well?" puno ng concern na tanong ni Tita Mandy sa akin. Kinuha pa niya ang kamay ko at bahagya iyong pinisil. "I heard what happened between you and my son," panimula niya. "I'm sorry, hija for what he did to you. He's totally a jerk! Hindi ko kukunsintihin ang ginawa niya sa 'yo. Ang saktan ka niya habang nasa tiyan mo ang batang dinadala mo." Gumuhit ang sakit sa mukha ni Tita Mandy at ang simpatiya niya para sa akin.

Hindi na ako nagulat na alam na nila ang tungkol sa bata. Karapatan din naman nilang malaman iyon. Yumuko ako. Gusto na namang tumulo ng luha sa mga mata ko pero pinigilan ko iyon.

Nag-angat ako ng tingin kay Tita Mandy. "Wala pong kasalanan si Zandy sa nangyari sa akin dahil hindi naman po niya alam ang tungkol sa bata," paliwanag ko. Nasaktan ako ni Zandy pero alam kong hindi niya gusto ang mapahawak ako at ang baby sakali mang alam niya ang tungkol dito.

"I'm sorry, hija! I didn't believe nagawa ni Zandy ang bagay na iyon sa iyo. At ang babaeng 'yon, she's desperate to get Zandy from you kaya ginawa niya iyon. Pero I know, there's something wrong abou what happened. Baka hindi lang kayo nagkaintindihan ni Zandy." Bakas ang galit ni Tita Mandy kay Beverly na alam kong hindi na niya gusto noon pa man. Nandoon din ang kagustuhan niyang maayos pa namin ang lahat.

Ngumiti ako. "Sana nga po ganoon lang ang nangyari, sana misunderstanding lang at pag-uwi namin, maayos pa. Pero ang katotohanan po, hindi ganoon. He cheated on me. Pinaniwala niyang mahal niya ako habang hindi pa rin niya nakakalimutan si Beverly," puno ng sakit at hinanakit na pagtatapat ko. Parang sinasaksak ang puso ko habang sinasabi ko ang mga katagang iyon. Pinilit kong hindi tumulo ang luha sa mga mata ko.

Bumuntong-hininga si Tita Mandy. Lumapit pa siya sa akin at bahagyang hinimas ang mga palad ko. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, hija at nasa iyo ang simpatiya ko. Hindi ko mapapatawad si Zandy sa ginawa niya sa iyo. I'm sorry, hija!" Nangungusap ang mga mata ni Tita Mandy.

"Wala po kayong kasalanan, Mama. Baka ako 'yong nagkulang at hindi naging sapat para kay Zandy. Stop saying sorry, 'Ma, hindi niyo po kasalanan," balik ko.

"Pero nasasaktan ako habang nakikita kang nasasaktan dahil sa kawalanghiyaan ng anak ko. You don't deserve this at ng baby mo," patuloy ni Tita Mandy na bakas ang galit para sa anak.

Pinilit kong ngumiti. "I'll be okay, 'Ma. Ano man ang maging katapusan ng relasyon namin ni Zandy, magiging ok din ang lahat para sa amin."

"Alam kong nasaktan ka, hija at naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero sana, bigyan mo pa ng isang pagkakataon si Zandy," seryosong ani Tita Mandy na umaasang magiging ok kami ni Zandy. "Nagkamali man siya pero ang katotohanang asawa mo siya at ama ng magiging anak mo, hindi iyon mabubura ng pagkakamaling iyon."

Hindi ako agad nakaimik. Yumuko ako ng bahagya. Hindi ko rin alam kung ano'ng gagawin ko sakaling harapin ako ni Zandy pero isa lang ang alam ko, mahal ko pa rin siya at walang nagbago roon.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nag-angat ako ng tingin kay Tita Mandy. "Hindi ko po ipagkakait kay Zandy ang magiging anak namin pero sa ngayon, gusto ko po munang ilihim sa kaniya ang tungkol sa bata," pagtatapat ko. "Mas mabuti po siguro kung, kung bibigyan muna namin ng space ang isa't isa para sa aming mga sarili," dagdag ko pa.

"I agree with you, Miles. Hayaan mong ma-realize ni Zandy ang kalokuhang ginawa niya."

Sabay kaming napalingon ni Tita Mandy nang sumabat si Tito Andrew sa usapan namin habang kita ko sa mukha niya ang galit para sa anak.

Bumuntong-hininga si Tita Mandy. "Siguro nga tama ka, hija, kailangan ninyo ng space para sa isa't isa. Pero kapag handa ka na, sana maging ok ang lahat sa inyo ni Zandy."

Ngumiti ako at tumango. Hindi na ako umimik dahil habang pinag-uusapan namin si Zandy, nasasaktan ako dahil sa katotohanang hindi pa pala tuluyang nakakalimutan ni Zandy ang nararamdaman para kay Beverly. Pero alam kong sa kabila ng sakit na iyon, hindi maitatagong mahal ko pa rin siya at ang pananabik ko na mayakap at makasama siya.

AYON sa Doctor na tumingin sa akin, one month na akong buntis. Labis ko iyong pinagtakhan dahil sumubok akong mag-pregnancy test pero negative ang lumabas doon. Pero ayon sa doctor, maaring false result ang lumabas sa pregnancy test dahil sa ilang mga dahilan. Maaring kulang ang amount ng urine sa pregnancy test at pwede ring dahil sa oras ng pag-test ko. Maraming pwedeng dahilan para mangyari iyon.

Umasa akong hindi ako buntis noon pero nakakapagtaka nga ang kakaibang nararamdaman ko. Nahihilo ako, may mga ayaw akong amoy at pagkain. Iyon na pala ang sintomas ng pagbubuntis ko na akala ko'y hindi.

Bumuntong-hininga ako habang nakasandal sa headboard ng hospital bed. Bumaling ako sa tiyan ko na hindi pa mahahalatang buntis ako. Marahan ko iyong hinimas at hindi ko napigilang mapangiti.

"Mahal na mahal ka ni Mommy," mahina kong sabi. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sayang nag-uumpaw sa puso ko dahil sa pagbubuntis ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag magiging isang ina ka na. Pakiramdam ko'y naging buo at tunay na babae na ako. Hindi na nga ako makapaghintay na makita ang batang nasa tiyan ko.

Lahat ng mga tao sa paligid ko'y masaya para sa bata at excited silang mailuwal ko iyon at makalong nila. Matagal na rin namang hinihiling nila Mama at ng pamilya ni Zandy ang magkaroon ng apo at malapit na iyong matupad.

"Miles!"

Parang may kung ano sa tiyan ko nang marinig ko ang boses na iyon na hindi ko makakalimutan. Parang may binuhos sa tiyan ko. Ang sarap niyon sa pandinig na pumuno sa pananabik na nararamdaman ko para sa kaniya. Pakiramdam ko'y may napunan sa puso ko nang marinig ko ang boses na iyon na ilang araw ko ng hindi naririnig.

"Zandy?!"

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon