"Kumusta, Miles nakita mo ba ang usok sa ilong ni Sir Troy?" natatawang tanong sa akin ni Chad habang palabas na kami ng gusali. Kanina pa akong tahimik at kanina pa rin nila akong kinukulit sa mga sinabi ni Sir Troy sa akin.
Bumuntong-hininga ako. "Hindi naman siya nagalit sa akin, pero alam ni'yo kung ano'ng nakakainis? Hindi pa ako tapos for my project to interview Zandy, and now he gave me another project," reklamo ko sa kanila.
"New project? As in he gave you another businessman or personality to interview?" ulit ni Melissa.
Tumango ako. "At ang nakakainis pa, napaka-choosy ng kung sino mang lalaki iyon. Ako raw ang gustong mag-interview sa kaniya and If it's not me, he wouldn't go for an interview," inis kong sabi.
"Wow! Mukhang something fishy ang new project mo, Miles, ah? Hindi kaya, he's one of your millionaire admirer?" ani naman ni Andrea na natuwa pa sa naisip niya.
"Admirer? Well, I don't care who he is, basta I'll just do my job," sabi ko na lang.
Tuluyan kaming nakalabas ng gusali. Sabay na nagpaalam si Chad at Melissa na mauuna na sila. Hindi naman namin kasabay si Ate Shai dahil may meeting pa ito.
"Hindi ka pa uuwi, Andrea?" tanong ko sa kaniya habang pababa kami sa hagdan ng entrance ng gusali.
"Wait, Andrea," pigil niya sa akin. "I just want to ask something about kanina. I saw your face at hindi mo maikakailang umiyak ka. Kaibigan mo ako at matagal na kitang kilala. Sabihin mo sa akin, ano'ng nangyari? It is about you and Zandy? what he did to you?" sunod-sunod na tanong ni Andrea sa akin na bakas ang pag-aalala at concern doon.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at yumuko ng bahagya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bumalik sa isip ko ang nangyari kanina kung saan nagkita kami ni Roven.
"We've met again, Andrea," pagtatapat ko, saka nag-angat ng tingin sa kaniya. "Nagkita kami ni Roven dito sa building," dagdag ko pa na bumakas muli sa mukha ko ang sakit.
Hindi naman naitago ni Andrea ang pagkagulat sa narinig mula sa akin. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang bibig. Hindi rin siya agad nakapagsalita.
"Roven is back? Paanong nandito siya sa building?" hindi makapaniwalang tanong ni Andrea.
Umiling ako. "Hindi ko rin alam, Andrea nagulat na lang ako nang makita ko siya," sagot ko.
Tinitigan muna niya ako, saka suminghap bakas sa mukha niya ang simpatiya para sa akin. "So, until now you're affected with him? Umiyak ka dahil nakita mo ang gag*ng iyon? Ano, mahal mo pa? Miles, come on niloku ka ng lalaking 'yon at pinagpalit ka sa lalaki without even explaining everything to you. Iniwan kang puro tanong at sakit. He don't deserve your tears, Miles. Gag*o ang lalaking iyon," inis at bakas ang galit na sabi ni Andrea. Noon pa man kasi, galit na galit na ito kay Roven dahil sa ginawa nito sa akin.
"Hindi ko alam, Andrea pero nang makita ko si Roven, bumalik lahat ng sakit na akala ko nabawasan na sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko," pag-amin ko habang pakiramdam ko'y may kumukurot sa puso ko.
Bumuntong-hininga si Andrea. "Well, hindi na ako nagulat dahil alam kong darating ang puntong ito pero sana naman Miles huwag mo nang papasukin sa buhay mo ang lalaking 'yon. Huwag mo nang hayaang masaktan ka uli," paalala niya sa akin.
Pumikit ako ng saglit. Ayaw kong umiyak sa harap ni Andrea dahil alam kong nasasaktan siya at baka mas lalo lang siyang magalit kay Roven. Tumango ako sa kaniya. "Hindi na iyon mangyayari, Andrea I wouldn't let him," sabi ko.
"Haist! Iba rin talaga maglaro ang tadhana. Pagkatapos ni dumating ni Zandy, si Roven naman ngayon ang babalik," hindi makapaniwalang saad ni Andrea. Lumapit siya sa akin at seryoso akong tiningnan. Sinapo niya ang mga kamay ko. "Please, guard your heart from Roven, Miles. Ayaw kong makita ka uling masaktan. You deserve someone who will love you more than he can. Deserve mong mahalin at iparamdam na sapat ka para hindi ipagpalit at iwan. Kapag pinilit ni Roven na bumalik sa buhay mo, ako ang makakalaban niya. Hindi ako papayag na saktan ka ulit ng gag*ng iyon. He deserve someone cheater like him," marahang ani Andrea na tila humaplos sa puso ko. Ngumiti pa siya sa akin.
Palaging ganito si Andrea sa akin everytime na alam niyang nasasaktan ako. Kapag alam niyang kailangan ko ng makakausap. Kilala na niya ako at ayaw niyang nasasaktan ako ng kahit sinong lalaki.
Ngumiti ako at tumango. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. "Thank you, Andrea for always giving me strength to fight. Sa pagpapaalala ng worth ko." Niyakap ko siya ng mahigpit.
Ang sarap lang sa pakiramdam na mayroon kang kaibigang masasandalan at magpapaalala ng mga bagay na pwede mong makalimutan. I'm thankful to have Andrea in my life.
—
HABANG nakahiga ako sa kama, hindi ako mapakali sa dami ng bagay na nasa isip ko. Nagpagulong-gulong ako roon habang yakap ko ang unan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil pakiramdam ko, mas magiging magulo at komplikado ang buhay ko sa pagdating ni Roven. Paano kung malaman niyang asawa ko na si Zandy, ang ex niya? Pero wala na dapat akong pakialam doon.
Gusto kong sumigaw dahil sa inis ko kaya isinubsob ko ang ulo ko sa unan at paimpit na sumigaw roon para kahit pa paano mabawasan ang inis at galit ko.
Ilang minuto pa akong nakahiga pero hindi ako makatulog kaya nagpasiya akong lumabas ng silid para bumaba. Tumunog pa ang suot kong tsinelas sa hagdan.
Hindi pa man akong tuluyang nakakababa ng hagdan, nakarinig ako ng nag-uusap kaya huminto ako. Bahagya akong nagulat nang makita ko si Zandy na may kausap sa sala habang nakatayo. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar ang lalaking iyon. Pero mas ikinagulat ko ang sumunod na nangyari, nakita ko ang pagyakap ng lalaking iyon kay Zandy. Napaatras ako para magtago sa wall ng hagdan. Nasapo ko ang aking bibig.
What? Ano ba talagang tunay na kasarian mo, Zandy? Sino ka ba talaga? Hindi ko alam ang iisipin ko. Paanong magyayakap ang dalawang iyon ng sila lang? May kakaiba sa yakap nila na hindi ko iisiping magkaibigan lang sila. Hindi naman ganoon ang yakap ng magkaibigan na parang may haplos ng pagmamahal. No! Naguguluhan na ako.
No'ng lasing si Zandy, si Beverly ang binabanggit niya, tapos ngayon may kayakap siyang lalaki?
"Ton?"
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...