Unexpected 5 (Part 5)

1.7K 39 0
                                    

MABILIS akong napalingon sa nagsalita, maging si Zandy at ang lahat ng nandoon sa simbahan. Lahat ng atensyon ay nasa babaeng kararating lang at tumututol daw sa kasal. Sino ba siya? Ni hindi ko kilala ang babaeng iyon. Nagkaroon ako ng konting pag-asa na hindi matutuloy ang kasal.

"Sino ka, Miss at bakit tutol ka sa kasal ng dalawang ito?" tanong ng pari.

Hindi agad nakaimik ang babae at napalinga sa paligid at bumagsak ang mga mata sa amin ni Zandy. Kita ko ang gulat at pagkadismaya sa mukha ng babae at ang pagkapahiya niya.

"Pa-p-pasensiya na, ho kayo m-mali po ata ako ng simabahang napasukan," sabi ng babae na nakagat pa ang pang-ibabang labi. Nawala ang pag-asa kong hindi matuloy ang kasal. Sayang! May tutol na sana sa kasal namin pero false alarm pala. "I-ituloy niyo na po ang kasal. S-sorry po uli. Pasensiya na po," paulit-ulit na ani ng babae, saka tumalikod at mabilis na lumabas ng simbahan.

Lahat ng tao sa loob, nakahinga ng maluwang maging ang pari na nahagas sa babaeng pumasok na lang para ipatigil ang kasal at sa huli'y maling simbahan pala ang napasukan nito. Leche naman, oh! Akala ko nama'y makaliligtas na ako sa kasal na ito.

"You can't do nothing about this, you decided to marry me and you wouldn't back out," pasimpleng bulong ni Zandy sa akin at ngumisi pa.

Tiningnan ko siya na nakataas ang noo at salubong ang kilay. Nakakainis talaga! Gusto ko na sanang sagutin ang lalaking ito kung wala lang sana kami sa simbahan baka kanina ko pang nasigawan ang mayabang na Zandy na ito.

Mayamaya pa'y nagsimula nang magsalita ang pari. May mga binasa siya sa bibliya para sa kasal at ang ilan pang mga salita niya na ang karamihan doon ay hindi ko naintindihan dahil sa inis ko kay Zandy. Gusto ko na ngang kunin ang kamay ko pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak doon na parang ayaw nang bitawan. Inaasar lang naman niya ako.

"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres."

Natigilan ako ng marinig ko ang passage na iyon sa bibliya. Iyon ang pag-ibig na dapat mayroon ang dalawang taong nagmamahalan pero malinaw na wala kami noon. Ang kasal na ito ay dahil lamang sa gusto ng mga magulang namin at walang pagmamahal. Marami pang sinabi ang pari na hindi ko na naintindihan pa.

"Sandy Saaverda, do you take Miles Virgilio to be your wife?  Promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her?" tanong ng pari kay Zandy.

Hindi ko mawari ang sarili ko pero bakit kinakabahan ako sa magiging sagot niya na dapat wala naman akong pakialam doon.

"I do!" prenteng sagot niya, kasunod ang palakpakan ng mga naroon.

Napalunok ako ng laway nang bumaling sa akin ang pari at tinanong ako ng pareho tanong. Para akong napipi at hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Miles Virgilio, do you take Zandy Saavedra to be your husband?  Promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her?"

Seryosong tiningnan ko lang ang pari. Walang sapat na salitang lumalabas sa bibig ko dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Alam kong hindi naman totoo ang lahat ng iyon kahit mag-I do ako.

"Uulitin ko, Miss Miles—"

"I-I do, father. I do!" putol ko sa sasabihin nito. Nagpalakpakan naman ang lahat ng naroon. Alam kong si mama at papa ang pinakamasaya ngayong araw.

"Zandy Saavedra, do you take Miles Virgilio for your lawful wife, to have and to hold from this day, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, until death do you part?" muling tanong ng pari kay Zandy.

Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa mga palad ko bago siya nagsalita. "I do, father," seryosong sagot niya at binalingan pa ako na animo'y totoo ang binitawan ng mga labi niya.

Napalunok tuloy ako ng laway at mas kinabahan. Bahagya akong yumuko nang dumako sa akin ang ang pari at tinanong ako ng parehong tanong. Halos wala na naman akong maisagot dahi ang bigat ng tanong na iyon na hindi ko alam kung magagawa namin para sumagot akong 'I do'.

"Uulitin—"

"I-I do, Father," sambit ko habang nakayuko lang. Nagpalakpakan ang marami roon habang rinig ko ang boses ni Andrea.

Mayamaya pa'y dumako naman ang seremonya sa palitan ng singsing na dala nang dalawang cute na ring bearer na pinsan ko ang isa at ang isa'y pamangkin ni Zandy sa pinsan niya.

"This ring symbolises hope, commitment and eternal love for each other. Ang singsing din na ito ang isang palatandaan na nakatali na kayo sa isa't isa," ani ng pari.

Humarap sa akin si Zandy at hinawakan ang balikat ko para iharap ako sa kaniya. Dahan-dahan niyang kinuha ang singsing na. nakapatong sa basket na may disenyo at inalis iyon sa box niyon. Marahan niyang dinampot ang kamay ko na bahagyang nanginginig at marahang isinuot ang singsing sa daliri ko. Nagpalakpakan ang lahat habang grabi ang kabog ng puso ko.

Ako naman ang kumuha ng singsing sa basket. Muntik ko pang mabitawan iyon dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Tiningnan ko muna si Zandy at saktong nakatingin siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Agad akong umiwas at bumaling sa baba. Nakalahad na ang daliri niya kaya dahan-dahan kong isinuot ang singsing sa daliri niya.

Nang mag-angat ako ng tingin, para akong nahilo at sumakit ang ulo ko. Napapikit pa ako ng bahagya at napangiwi dahil doon.

Narinig ko ang palakpakan ng marami roon na tuwang-tuwa sa nasasaksihang kasalan na sa paningin nila'y totoo ngunit hindi nila alam na walang pagmamahal ang involved sa kasalang ito.

Muli kaming humarap sa pari. Nararamdaman ko pa rin ang bahagyang hilo pero tiniis ko na lang dahil malapit na rin naman matapos ang kasal. Hawak pa rin ni Zandy ang kamay ko habang nanginginig iyon.

"And now that you have committed yourselves to one another, I now pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride," anunsiyo ng pari.

Lahat ay nag-aabang sa susunod na mangyayari, maging ako. Tama ba na halikan ako ng baklang ito? Para akong naestatwa at ayaw gumalaw ng katawan ko para humarap kay Zandy. Hindi ko yata kayang halikan ang baklang si Zandy na umagaw sa boyfriend ko. Makakaya ko ba 'yon?

Mayamaya pa'y naramdaman ko ang palad ni Zandy na humawak sa balikat ko at marahan akong hinarap sa kaniya. Napalunok ako at nakaramdam ng hilo nang makita ko ang malapit niyang mukha sa akin na halos isang inch na lang ang pagitan niyon.

Ngumisi si Zandy. "You'll like it for sure," mayabang na sabi niya.

Mayamaya pa'y nagulat na lang ako ng halikan ako ni Zandy sa mga labi ko. Naramdaman ko ulit ang pagkahilo at ang bahagyang sakit ng ulo ko. Nawalan ng lakas ang katawan ko at lumaylay ang mga braso ko. Hanggang sa mas nahilo pa ako, kasunod niyon ang pagdilim ng paligid ko at ang pagbagsak ko sa bisig ni Zandy.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon