Unexpected 63

814 15 0
                                    

HANGGANG ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Beverly kanina sa loob ng opisina ni Sir Troy. Alam kong si Zandy ang tinutukoy niyang babalikan niya. May kung ano'ng takot at selos ang namuo sa puso ko. Natatakot ako na baka kapag nakita na ito ni Zandy, makalimutan niya ako. Hindi ko rin maiwasang ikompara ang sarili ko sa kaniya. She's more beautiful and elegant than me. Ni wala akong kalaban-laban sa hitsura niya. 

Kanina pang gumugulo sa isip ko ang pagbabalik na iyon ni Beverly at bakit ako ang napili niyang journalist na makakatrabaho niya, gayong alam niyang kasal ako kay Zandy. Ano'ng gusto niyang mangyari? May binabalak ba siya at ano'ng tunay niyang motibo sa pagbabalik niya bukod sa career niya sa Pilipinas?

"Himala ata na sumama ka sa aming kumain sa labas," sabi ni Andrea nang sabihin ni Melissa na sasama itong kumain sa amin sa labas. Hindi naman kasi ito sumasama sa amin kapag kakain kami.

Kanina pa rin akong kinukulit ng dalawang ito tungkol sa sinabi ni Sir Troy sa akin kanina pero pinili kong huwag munang sabihin sa kanila dahil alam kong pati sila'y magugulat.

Kumunot ang noo ni Andrea. "Gusto ko kayong makasabay, eh, isa pa ayaw kong makasama si Chad kumain," nakasimangot na sagot ni Melissa na para bang ayaw na ayaw niya kay Chad. Sa totoo lang mabait naman at nakakatuwa si Chad. Bagay nga silang dalawa.

"Kung ganoon, dahil first time mong sumama sa amin, treat mo kami," nakangiti kong sabi. Nanliit ang mata ni Melissa at tinaasan ako ng kilay.

"Huh? Kung ikaw ok lang, pero itong si Andrea hindi ko kaya ang budget niyan. Malakas kaya 'yang kumain," protesta ni Melissa.

"Aba't ako pa talagang nakita mo, 'no? Si Chad nga tini-treat mo tapos kami nagrereklamo ka. Kaibigan mo rin kami kaya kami," tila nagtatampo saad ni Andrea habang nangingiti ako dahil sa kanila. Kahit pa paano'y sa pamamagitan ng mga kaibigan ko, nailalayo ko ang isip ko sa negatibong bagay na naiisip ko.

"K-kanino mo nasagap ang balitang 'yan?" gulat na tanong ni Melissa at hindi makatingin ng diretso kay Andrea. "H-hindi ko siya tini-treat, 'no...a-ako ang trini-treat niya," sabay paliwanag niya.

"So, ayon na nga, totoo nga na lumabas kayo nitong nakaraan," natatawang sabi ni Andrea dahil tila nahuli niya si Melissa sa sarili nitong bibig.

Lalong nagulat si Melissa at hindi makatingin kay Andrea. Halatang naiilang na ito at nahihiya dahil sa sinabi ni Andrea. Napapangiti na lang ako dahil sa pinapakita nitong reaction tungkol kay Chad. Hindi maikakailang may something na sa kanilang dalawa at ayaw lang ni Melissa na aminin iyon.

"Ok, fine treat ko na kayo. Itong si Andrea, eh, ang daming alam." Napakamot pa sa noo si Melissa at napailing. Napangiti naman kami ni Andrea at napanguso dahil sa naging reaction ni Melissa.

Lumabas na kami ng gusali at dumeretso sa malapit na restaurant. Wala nang nagawa si Melissa kung 'di ang i-treat kami dahil sa pananakot ni Andrea rito, na alam daw niya tungkol sa kanila ni Chad. Um-order kami ng pagkain at halos mapalunok si Melissa nang makita ang in-order ni Andrea. Kulang na lang bawiin niya ang pangti-treat niya sa amin at iwan kami rito.

"Baka kulang pa sa iyo 'yan, Andrea. Huwag ka nang mahiya, um-order ka pa hanggat gusto mo," sarkastikong sabi ni Melissa habang nakatingin sa ilang pagkaing nasa harap ni Andrea. Umirap pa ang mga mata ni Melissa pero sa huli'y ngumiti at napailing na lang ito.

"Mamaya kapag ubos ko na ito," balik naman ni Andrea.

Napailing na lang ako at hinayaan silang dalawa na magtalo. Natatawa nga ako dahil halatang-halata si Melissa na may tinatago sa kanila ni Chad dahil sa tuwing binabanggit ni Andrea ang pangalan ni, Chad nanahimik ito at hindi makatingin ng diretso sa amin.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon