HALOS HINDI ako makatulog nang nagdaang gabi kakaisip sa pwedeng mangyari sa oras na lumipat na kami ng bahay ni Zandy. Iniisip ko pa lang ang mangyayari, sigurado akong sasakit lang ang ulo naming pareho dahil alam kong hindi kami magkakasundo. Mahihirapan kaming pakisamahan ang isa't isa. Hindi ko rin alam kung kaya ko ba siyang pakisamahan.
Ngumuso ako at humibi nang matapos kong ikwento kay Andrea ang pag-uusap namin ni Mama at Tita Mandy tungkol sa paglipat namin ni Zandy. "Wala na nga akong nagawa, Andrea kung 'di pumayag sa gusto nila. I hate him. Ayaw ko siyang makasama sa iisang bahay dahil sa tuwing nakikita ko ang lalaki—bakla o kung ano man siya, naaalala ko lang ang ginawa niya at ni Roven sa akin," reklamo ko habang hindi maipinta ang mukha ko.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng building kung saan kami nagtatrabaho para kumain. Oras ng lunch at nasa isang restaurant kami ni Andrea. Kanina ko pang hindi magalaw ang pagkain ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang pwedeng mangyayari at ang paglipat namin ng bahay ni Zandy.
Napakunot ang noo ko nang makitang natawa si Andrea, imbis na makisimpatiya sa akin. "Miles, come on don't be so paranoid na para bang kapag nagsama kayo ni Zandy sa iisang bahay, masisira na ang buhay mo. Ano ka ba, make it an opportunity for our plan. Pagkakataon mo nang pa-aminin si Zandy sa totoo niyang kasarian. Para ma-confirm ko na rin na bakla ba siya talaga."
Sumeryoso ang mukha ko at saglit na nag-isip. "Ibig mong sabihin, habang nasa iisang bahay kami gagawin ko ang plano natin na paaminin siya sa kasarian niya? Pero paano? Ganoon ba 'yon kadali? Isa pa, hindi nga kami magkasundo, eh, 'di ba? I don't think na kailangan pa nating ituloy ang plano. At isa pa, matagal ng sira ang buhay ko simula ng pumasok sa buhat ko ang Zandy na 'yan."
"So, hindi na tuloy? Pumapayag ka nang makasama mo si Zandy? Sige, ikaw rin kung kaya mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan, eh, 'di huwag kang kumilos," pangkokonsensiya ni Andrea.
Nagusot ang mukha ko dahil pati ako'y naguguluhan na. "Eh! Kasi naman, Andrea we can't make sure na magwo-work ang plano. Isa pa, may naisip na rin naman akong plano para hindi kami magsama habang buhay." Huminga ako ng malalim. "Sila na rin naman ang nagsabi na kapag hindi kami nagkasundo ni Zandy, sa loob ng isang taon, sila na ang bahala sa annulment namin. Easy, 'di ba? Eh, 'di hindi ako makikipagkasundo sa kaniya, easy as that." Ngumiti pa ako na parang sigurado ako sa mangyayari.
Seryoso akong tiningnan ni Andrea na para bang sinusuri ako. "Paano kong habang nasa iisang bahay kayo ni Zandy, mahulog ka sa kaniya? Hindi rin posible na mahulog siya sa 'yo."
Kumunot ang noo ko at agad bumakas doon ang pagtutol sa sinabi niya. "Never, Andrea! Hindi ako mahuhulog sa Zandy na iyon. Siya ang dahilan kung bakit kami nasira ni Roven, sa tingin mo mahuhulog ako sa kaniya? Never!" puno ng pagtutol kong sabi.
"Huwag kasiguro, Andrea. Iba maglaro ang tadhana. Minsan ang taong ayaw na ayaw natin ang siyang binibigay ng tadhana para tumibok muli ang puso natin," seryosong ani Andrea, saka sumubo ng kanina at ulam. "Katulad ng sinabi kayo, maraming twist ang tadhana kaya kung ako sa 'yo, ihahanda ko ang puso ko sa pwede kong maramdaman," dagdag pa niya.
"Basta ako, sigurado ako sa sarili kong I will not fall in love with Zandy. And besides, he's gay," sabi ko pa. "Bahala na nga!" Binalingan ko ang pagkaing nasa harap ko at sunod-sunod na sinubo iyon na parang wala nang bukas.
"Hey! Easy, baka mabulunan ka, ikamatay mo pa," natatawang saway ni Andrea.
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkain. Mayamaya pa'y naramdaman kong bumara ang kanin sa lalamunan ko. "Tu-t-tubig!"
"Sabi ko naman kasi sa 'yo, dahan-dahan lang, eh," sermon ni Andrea. Kinuha ko ang tubig at ininom iyon. Pasalamat naman ako at naalis ang bara sa lalamunan ko at guminhawa muli iyon.
—
"EH, ANDREA, kailan ba namin makikilala 'yang husband mo, huh?" usisa ni Melissa habang palabas kami ng gusali. Nagkasundo kasi kaming uminom muna sa labas dahil sa wakas, lahat kami'y nakapag-submit na ng mga articles namin.
Alangan akong ngumiti. "Huh? Bakit kailangan niyo pang makilala? Halos hindi na nga kami magtagpo sa bahay dahil sa sobrang busy no'n," dahilan ko sa kanila.
"Kung sa bagay, kung ang asawa mo'y millionaire, for sure naman kilala namin 'yon. Ano bang pangalan?" tanong naman ni Chad.
"Marites lang?" natatawa kong sabi. Bumaling ako kay Andrea at tiningnan siya para humingi ng tulong sa pagsagot sa mga tanong nila. "Well, totoo, milyonaryo ang pamilya niya pero hindi masyadong kilala ang husband ko dahil ang Daddy niya ang CEO ng company. He's not to expose in media," patuloy ko na siya namang totoo.
Kahit pa paano naman, nangalap din ako ng ilang information tungkol kay Zandy. Yes, wala siya sa sariling kompanya nila dahil ayaw daw nitong maging isang negosyante. Hindi ko naman alam ang gusto niya, baka mag-parlor ganoon.
"Aww! Pero ano bang company nila, huh?" si Ate Shai naman ang nagtanong.
Tumingin muli ako kay Andrea na tumango lang. Ngumiti ako sa kanila. "Nasa gaming industry sila," pag-amin ko. Iyon din naman ang alam kong negosyo ng mga Saavedra.
Ganoon na lang ang gulat na bumakas sa mukha ni Chad. "Huwag mo sabihing anak ng mga Saavedra ang napangasawa mo," aniya pa na nanlaki ang mga mata.
Ako naman ang kumunot ang noo. "You know them?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Chad.
Tumango siya. "Of course, I know them, Miles. Hindi mo ba alam na certified gamer ako? At yeah, I love their games at iyon ang palagi kong nilalaro, specially the Underground Battle. Pero seryoso, Saavedra ang napangasawa mo? Sa pagkakaalam ko iisa lang ang anak ng mga Saavedra, si Zandy. Ibig sabihin...Oh my God! Si Zandy Saavedra ang asawa mo?" Lalo lamang nagulat si Chad nang mapagtanto ang katotohanan. Napaawang pa ang bibig nito.
Hindi ko alam ang sasabihin at ire-react dahil sa sinabi ni Chad. Natahimik ako at alangan silang tiningnan.
"I just heard about their company pero since I'm not into gaming, hindi ko masyadong kilala ang mga Saavedra," segunda naman ni Melissa.
"Me too, pero dahil sa mga anak kong gamer, alam ko ang Saavedra's Gaming Company and their family," ani naman ni Ate Shai.
"So, kilala niyo na ang asawa nitong si Miles? Ok na?" sabat ni Andrea na kanina pang tahimik at nakikinig lang sa usapan namin.
"Oy! Bigatin pala ang napangasawa mo, eh, pwede ba naming makilala?" tila excited na sambit ni Melissa.
"Melissa tama na, kilala mo na, eh. Hindi ba't sinabi ni Miles na busy si Zandy dahil sa trabaho. Kahit nga ako hindi ko kilala ang Zandy na iyon," saway ni Andrea kay Melissa.
"Tama si Andrea, Melissa mahihirapan tayong makilala ang asawa ni Miles since he's busy with his family company," ani naman ni ate Shai.
"Hindi ba, sabi ni Miles he's not into his family company?" patuloy ni Melissa.
Gusto kong kainin na lang ng lupa dahil sa mga tanong nila. "I'm sorry, hindi ko rin kasi alam kung paano ninyo makikilala ang asawa ko, eh. Napaka-busy niya kasing tao," sabay sabi ko para naman makumbinsi ko sila.
"Ok, fine. Basta kapag may time ang asawa mo, ipakilala mo naman kami, hindi mo na nga kami inimbitahan sa kasal niyo, eh," sa wakas ay sabi ni Melissa na bakas ang tampo.
Tumango ako. "Sige, sige kapag may time," sabi ko na lang.
Binuksan ni Ate Shai ang pinto ng ground floor at sabay-sabay kaming lumabas ng gusali.
"Saan tayo?" tanong ni Andrea.
"Diyan na lang sa malapit," ani Chad.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at nang tuluyan kaming makalabas ng gusali, laking gulat ko nang makita ang pamilyar na sasakyan sa 'di kalayuan sa amin at ang pamilyar na bulto. Mabuti na lang ang hindi nakatingin ang mga katrabaho ko sa gawing iyon.
Agad akong umiwas at nang akmang magtatago na sana ako sa likod ni Andrea, narinig kong nagsalita si Zandy na ikinagulat ko, maging ng mga kasama ko na napalingon sa kaniya.
"Honey, I'm here."
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...