HINDI AKO mapakali habang nakahiga sa kama ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Roven at ang kakaibang inaakto sa akin ni Zandy. Naguguluhan ako sa kaniya habang gumugulo rin sa isip ko si Roven.
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Roven na hindi siya bakla o bi o kung anumang tawag doon. Hindi ko rin maiwasang isipin ang sinabi niyang hindi totoo ang nakita ko no'ng araw na iyon. Bumalik din sa isip ko ang sinabi ni Zandy sa akin noon na mali ako sa nakita ko at namis-interpret ko lang iyon. Kung ganoon, ano pa lang ibig sabihin ng eksenang nakita ko no'ng araw na iyon? Naguguluhan ako at hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko. Ang nakita ko ba o si Zandy at Roven?
Bumuntong-hininga ako. Pumikit ako at pinilig ang ulo ko para alisin sa isip ko ang lahat ng isipin na iyon. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa nangyayari. Mas lalong nagiging komplikado sa akin ang lahat.
Inalis ko ang kumot sa katawan ko at tumayo mula sa kama. Kailangan kong uminom ng tubig para kahit pa paano nama'y makalma ang pakiramdam ko. Tahimik akong bumaba ng silid ko at hindi ko nakita si Zandy doon. Umalis kasi ito kanina at hindi ko alam kung saan pupunta.
Naramdaman ko ang malamig na tubig na gumuhit sa lalamunan ko na nagbigay sa akin ng ginhawa. Matapos kong uminom, umakyat uli at napakunot ang noo ko ng makita ko si Zandy sa terrace at tahimik na nakatingin sa malawak na kalangitan habang nakapataong ang braso sa braces na bakal. Madilim na sa labas at tanging ang buwan, bituin at ang mga ilaw sa siyudad ang makikita roon. Umuwi na pala siya? Hindi ko namalayan iyon.
Hindi ko alam pero may nag-udyok sa akin na puntahan siya roon. Humakbang ako palapit sa kaniya. Alam kong naramdaman niya ang pagdating ko pero hindi siya kumibo.
"Zandy," banggit ko sa pangalan niya.
Hinarap niya ako. Walang emosyon sa mga mata niya. "Uhm? May kailangan ka?" kaswal na sagot niya.
"Wala naman," pakli ko at humarap sa malawak na kalangitan. "Ang sarap pagmasdan ng kalangitan, 'no? It gives some comfort na ang sarap sa pakiramdam," sabi ko at pumikit pa para lasapin ang malamig na hangin ng gabi.
"You need comfort? I can give you the comfort you want, Miles," seryosong ani Zandy.
Nagtataka akong humarap sa kaniya. Nakatingin na siya sa kalangitan na seryoso ang mukha. "Huh? Are you teasing me again, Zandy?" balik ko pero ang totoo may kung ano'ng pitik ng puso ang nararamdaman ko na nagdulot ng kiliti roon.
Nakita ko ang bahagyang pagngiti niya. Yumuko pa siya. "Bakit ka ganiyan, Miles? You always think that someone lie or teasing you when they treat you well?"
Hindi agad ako nakaimik habang seryosong nakatingin sa mukha ni Zandy. Hindi ko makita ang pagbibiro o pang-aasar sa mukha niya. Umiwas ako at bumaling sa mga bituin. "I don't know, Zandy maybe I'm not used to it," sagot ko.
"Bakit? Are you still in love with Roven?"
Muli akong napatingin sa kaniya. Nanliit ang mga mata ko. "Can you please stop mentioning his name?" iritado kong sambit.
Ngumiti na naman siya at nag-angat ng tingin sa akin. "Affected ka pa rin everytime you heard his name? Ibig sabihin, you aren't finally moved on? Well, hindi naman talaga madaling kalimutan ang mga taong nagpasaya sa nakaraan natin. Yes, sinaktan nila tayo pero the happiness and loved na naramdaman natin sa kanila, nanatiling nasa aalala natin." Bigla kong nakita ang lungkot sa mga mata niya. May pinagdadaanan din ba siya?
"Ano'ng ibig mong sabihin? Ikaw, are you still affected? I mean, mahal mo pa rin ba si Roven?" usisa ko.
Lalong lumawak ang ngiti niya. Hindi ko alam pero parang ang gwapo niya sa mga ngiting iyon lalo na nang kagatin niya ang pang-ibabang labi at bahagyang napakiling. "Untill now, you're thinking that I have been an affair with Roven? So, he didn't say anything about what was really happened?"
Hindi agad akong nakaimik. Naalala ko ang sinabi ni Roven sa akin na hindi totoo ang nakita ko noon. Napuno ng pagtataka ang isip ko. "I don't know If I should believe when he said na mali ako nang nakita noon. Dapat ko bang paniwalaan iyon, Zandy?"
"Iyan ang mahirap sa iyo, Miles, eh, you're too blind to the point na ayaw mo ng pakinggan ang mga tao sa paligid mo. Hindi porket nasaktan ka, hindi mo na aalamin ang katotohanan. You're just hurting yourself from the very beginning pero mali rin si Roven nang iwan ka sa ganoong paraan without his explanation," seryosong aniya na nandoon ang concern sa para sa akin.
Natahimik ako habang seryosong nakatingin kay Zandy. Pilit kong iniisip ang mga sinabi niya. "Kung ganoon, ano ang totoo, Zandy?" tanong ko. Nakaramdam ako ng kaba sa maririnig ko mula sa kaniya.
"Since, sinabi na rin naman sa iyo ni Roven na hindi totoo ang nakita mo and also to clear my name, tama si Roven, hindi totoo ang nakita mo nang araw na iyon," simula niya. "It was just a plan at bahagi lang ako niyon."
Napaawang ang bibig ko sa narinig ko. Mas bumilis ang kabog ng puso ko dahil doon. Ano'ng plano ang sinasabi niya? Mas lalo akong naguluhan sa narinig ko. Pakiramdam ko sinaksak na naman ang puso ko ng paulit-ulit. Nakaramdam ako ng galit at inis kay Roven at kay Zandy. Karapatan ko naman atang magalit dahil ako ang nasaktan dahil sa planong sinasabi niya.
"Plano?" Natawa ako pero bakas doon ang pait. "Ang galing naman ng plano ninyo!" Namalayan ko na lang na tumulo na pala ang luha sa mga mata ko dahil sa sakit. Ang sakit na para bang dinudurog ang puso ko dahil sa nalaman kong plano lang pala ang lahat ng iyon at ang katotohanang intensyon ni Roven na iwan ako at kasabwat doon si Zandy. "Magkano ba binayad sa iyo ni Roven para pumayag ka sa planong iyon? Gag* ka pala, eh! Hindi mo man lang inisip na may babaeng masasaktan kapag pumayag ka sa planong iyon! Sa tingin mo, nawala ang galit ko just because you confessed the truth? Zandy, sana man lang inisip mo na may masasaktan ka bago ka pumayag sa bwesit na planong iyon! Tinulungan mo pa si Roven na saktan ako! Ang galing ng plano at nagtagumpay kayo!" puno ng galit kong sabi habang umiiyak.
Mabilis akong tumalikod pero hindi pa man ako nakakalayo nang hawakan ni Zandy ang braso ko. "Miles, hindi ko intensyon saktan ang kahit na sino. Wala lang akong choice ng mga panahong iyon. I'm sorry! Naging makasarili ako to the point na hindi ko na inisip na may masasaktan," paghingi niya ng paumanhin na bakas doon ang pagsisisi.
Pinahid ko ang luha sa mga mata ko. "Hindi mo intensyon? Zandy, pumayag ka sa planong iyon knowing na may masasaktan at ako iyon. Nasaktan ako, Zandy tiniis ko ang sakit na hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin. Isang taon! Isang taon kong pinipilit ang sarili kong kalimutan ang lahat at maging masaya pero sa tuwing naalala ko ang nangyari, nasasaktan ako tapos sasabihin mong hindi mo intensyon? Ang galing! Gusto kong bigyan ka ng award sa pagpapanggap mo. You're such an
great actor," madiin at sarkastiko kong sabi."I'm sorry, Miles. Matagal ko nang pinagsisisihan ang maling desisyon ko noon. Alam kong mali ako pero wala akong choice kung 'di gawin ang bagay na iyon. I'm sorry! I'm really sorry!" Bakas sa mukha ni Zandy ang lungkot at pagsisisi pero wala na akong pakialam doon.
Binawi ko ang braso ko sa kaniya. "Wala nang magagawa ang sorry mo, Zandy!" Pinahid ko ang luha sa mga pingi ko at iniwan siya roon. Mabilis akong naglakad patungo sa silid ko.
Hindi ko alam kung bakit grabi ang sakit na nararamdaman ko dahil sa nalaman ko. Bakit sa dami ng tao si Zandy pa ang naging parte niyon. Ang sakit! Pakiramdam ko paulit-ulit na pinipiga ang puso ko. Pero ang katotohanang hindi ko maintindihan, nagagalit ba ako kay Zandy dahil pumayag siya sa planong iyon o dahil ba nasasaktan ako dahil sa dami ng tao bakit si Zandy pa.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...