Unexpected 56 (Part 4)

962 16 1
                                    

MATAPOS kong ayusin ang lahat ng mga gamit na dala ko, nagpahinga ako sa kwarto ng villa at hindi ko namalayang nakatulog ako dahil marahil sa pagod mula sa mahabang byahe at sa nakaka-relax na pakiramdam ng silid na iyon.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero nang imulat ko ang aking mga mata, natanaw ko ang madilim na paligid at tanging mga ilaw sa poste at mga puno ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.

Uminat ako at kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko dahil sa pakiramdam ko'y ang gaan ng lahat. Relax ang isip at pakiramdam ko.  

"Finally, you're awake."

Napapitlag ako at agad kong ibinaba ang mga kamay ko ng marinig ko ang baritonong boses ni Zandy. Nakasandal siya sa pintuan habang seryosong nakatingin sa akin.

"Why are you here? Pinapanood mo ba akong natutulog?" gulat kong tanong sa kaniya. Nakasando lang pati ako at naka-short na labas ang maputi at makinis kong hita.

Ngumiti si Zandy at bahagyang kumiling. "Kapag sinabi ko bang oo, magagalit ka? Kasalanan ba iyon kung ang asawa mo gusto kang pagmasdan habang natutulog?" 

Natigilan ako at bahagyang napaawang ang bibig ko. Hindi man lang ba siya tatanggi at kailangan pa niya akong sagutin ng mga bagay na nagpapabilis ng tibok ng puso ko at nagbibigay sa akin ng kakaibang saya at kiliti.

Pinilit kong iiwas ang mga mata ko sa kaniya. Yumuko ako. "Baliw!" sabi ko. Dinampot ko ang unan at ibinato iyon sa kaniya habang hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako. Nasalo naman iyon ni Zandy habang natatawa.

"Why are you blushing, Miles?" patuloy ni Zandy.

"A-ako nagba-blush, of course not," tanggi ko at bahagyang yumuko. Kinuha ko uli ang unan at muling ibinato sa kaniya pero nasalo niya ulit iyon. "Stop playing with me, Zandy dahil hindi mo magugustuhan kapag ako ang sumakay sa mga laro mo," sabay seryoso kong sabi.

Tumigil sa pagtawa si Zandy at sumeryoso ang mukha. "Sinong nagsasabing nakikipaglaro ako, Miles? Hindi ba't sinabi ko na sa iyo, na kapag sinabi ko, I really mean it. I'm not playing with you, Miles and I won't play with you anymore," aniya.

Natigilan ako at halos hindi makagalaw nang lumapit si Zandy sa akin. Sumampa siya sa kama. "I don't know why, Miles pero ayaw ko ng mawala ka. Selfish ba ako kung hihilingin ko sa 'yong manatili ka sa tabi habang hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sa iyo?" sabi niya na bakas ang senseridad sa gwapo niyang mukha habang nangungusap ang mga mata.

"Z-Zandy," tangging lumabas sa mga labi ko dahil wala akong ibang salitang mahagilap para isagot sa tanong niya.

"You made me feel accepted, Miles. You appreciate me, my passion. Malaya ako kapag kasama ka and I don't feel like I'm in a cage of what they want me to do," patuloy niya.

Nanatili akong nakatitig sa gwapo niyang mukha na nangungusap na paniwalaan ko siya at huwag iwan. Dapat ko bang paniwalaan iyon? Hindi sigurado si Zandy sa nararamdaman niya at ganoon din ako. Natatakot akong baka dumating ang puntong kapag mahal ko na siya, saka niya mare-realize na hindi niya pala ako mahal.

Kumurap ako at kinalma ang sarili ko dahil nagkukumawala na naman ang puso ko dahil sa sinabi ni Zandy kasabay ang samu't saring emosyong nararamdaman ko.

"Hanggang kailan, Zandy? Hanggang kailan ako mananatili sa tabi mo? Hanggang hindi ka sigurado sa nararamdaman mo? Paano kapag sigurado ka na at ma-realize mong hindi mo pala ako mahal, paano ako?" may lungkot na tanong ko sa posibilidad na mangyari iyon.

Umiwas siya sa akin ng tingin at bahagyang yumuko. "I don't know, Miles. Hindi ko rin alam ang pwedeng mangyari pero ngayon, I want to spend my time with you and enjoy every moment na kasama ka," patuloy niya. Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ko ang palad niyang kinuha ang kamay ko. May kung ano'ng enerhiyang dumaloy sa katawan ko dahil sa pagdait ng mga balat namin. "I'm sorry if I sound selfish pero 'yon ang nararamdaman ko," dagdag niya.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon