Unexpected 51 (Part 1)

1K 24 1
                                    

KINAUMAGAHAN, nagulat na lang kami ni Zandy nang magkasunod na dumating sa bahay ang mga magulang naming dalawa. Naunang dumating si Tito Andrew at Tita Mandy at ilang minuto pa, dumating naman si Mama at Papa.

"How are you, hija?" magiliw na tanong ni Tita Mandy sa akin habang magkatabi kami ni Zandy sa mahabang sofa. Nasa isahang sofa naman si Mama at Papa at sa isang dalawang sofa ang mag-asawang Tita Mandy at Tito Andrew na kapwa katapat namin.

Ngumiti ako. "I'm fine, Ti—'Ma," nahihiya kong sagot dahil muntik ko na naman siyang tawging Tita. Hindi ko rin alam kung ano'ng pang sasabihin ko. Bigla akong na-tense at kinabahan.

Nakangiti lang si Tita Mandy at Mama, samantalang seryoso lang ang dalawang lalaki sa mga tabi nila.

"I'm glad to hear that, hija. I'm sorry, ngayon lang ulit kami nakabisita, masyado lang kaming busy sa negosyo at sa iba't ibang a business meeting," paliwanag ni Tita Mandy.

"Ikaw, Zandy kumusta ka na? How's your back? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" ani naman ni Mama na bakas pa rin ang concern para kay Zandy.

Nakita ko ang pagngiti ni Zandy. Hindi ko alam kung nagpapanggap ba siya o totoo iyon. "Don't worry, Tita ok na po ako. I feel better now dahil inaalagan naman po ako ni Miles," aniya at binalingan ako habang nandoon pa rin ang ngiti.

Para akong napaso nang maramdaman ko ang braso niya na dumikit sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya at init sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit kailangang sabihin iyon ni Zandy, eh, hindi ko nga siya inalagan.

Nakita ko agad ang bakas ng ligaya at tuwa sa mukha ng mga nasa harap namin dahil sa sinabi ni Zandy. Ito naman kasi ang gusto nila, pero alam kong nagpapanggap lang si Zandy para hindi gumawa ng paraan ang mga pamilya namin para paglapitin kami na siguradong hindi namin magugustuhan.

"Ayie! Mukhang tuluyan na nga kayong magkakasundong dalawa and I'm happy for both of you," reaction ni Tita Mandy na hindi maitago ang kasiyahan. Bumaling pa ito kay Mama. "Balae, mukhang malapit nang magkatotoo ang lahat." Hinawakan pa ni Tita Mandy ang kamay ni Mama.

"Sana nga, balae totoo na para hindi na tayo umasa at masigurado na natin ang kasal." Bumaling sa amin si Mama. Sumeryoso ang mukha nito. "Thank you ulit, Zandy, huh? For saving my daughter."

Nakailang thank you na ba si Mama kay Zandy? "No, Tita it's ok. I'm her husband and it's my responsibility to take care of her," sagot ni Zandy.

"Also thank you, hijo for understanding our daughter. Alam naming hindi sanay sa gawing bahay si Miles, hindi siya marunong maglinis at magluto pero iniintindi mo pa rin siya," sabat naman ni Papa.

Kumunot ang noo ko. "'Pa, huwag mo naman akong ipahiya rito. Marunong naman akong maglinis ng bahay," protesta ko. Nakita ko ang pagngiti ni Tita Mandy at ang bahagyang pagkurba ng ngiti sa labi ni Zandy.

"No worries, Tito, I understand Miles, she grow up with her family and she's your only daughter kaya siguro naging dependent siya sa inyo. Pero she said, she's willing to learn her duty as my wife," seryosong sambit ni Zandy.

"Kung gusto mo, hija, I'll bring you in a cooking class," ani Tita Mandy. Tahimik lang si Tito Andew na nakikinig.

"Po? Hindi na po, Mama magaling naman po magluto si Zandy, sa kaniya na lang po ako magpapaturo. Palagi nga pong masasarap na pagkain ang inihahain niya sa akin, he's indeed a nice chef," pagtanggi ko.

"Talaga ba, hija? He cooked for you?" gulat na sabi ni Tita Mandy.

Tumango ako bilang tugon. "He loves to cooked, Mama at nalalasahan ko iyon sa bawat pagkaing hinahain niya. Masaya si Zandy kapag nakakapagluto siya at sa tuwing nasa kusina siya." Biglang tumahimik ang lahat. Nawala ang ngiti sa labi ni Tita Mandy at sumeryoso pa si Tito Andrew ganoon din si Zandy.

Gusto kong ipaalam sa mga magulang ni Zandy na gusto niya ang bagay na iyon at kailangan nilang tanggapin iyon. Alam ko kasing gusto ni Zandy ang magtayo ng restaurant bago pumasok sa kompanya ng pamilya niya.

"Ganoon ba, hija? Naku! Mahilig talagang magluto 'yang si Zandy simula no'ng bata pa siya. By the way, kumusta naman kayong dalawa sa bahay?" pagbabago ni Tita Mandy sa usapan at halatang pilit ang ngiti. Naiintindihan ko ang reaction ng mag-asawang Saavedra, hindi nila gusto ang sinabi ko at ang ginagawa ng anak nila, na imbis nasa kompanya ito, pinu-pursue ni Zandy ang gusto niya.

"We're good, Mama utay-utay nakakapag-adjust kami sa isa't isa," kaswal na sagot ko.

"Mabuti naman kung ganoon, Anak alam naming nahirapan ka sa pag-alis sa bahay pero alam din naman naming kaya mong i-adjust ang sarili mo. You're in a right age to get your own family at malungkot man na malayo ka sa amin, that's the reality na kailangan naming tanggapin," malungkot na sabi ni Papa.

"Eh, hija kumusta naman ba si Zandy as your husband?" usisa naman ni Tita Mandy. Medyo nabawasan na ang tensyon na nabuo kanin lang.

Ngumiti ako. "Ngayon ko lang nalaman, Mama na husband material pala si Zandy. Bukod sa magaling na siya magluto, he also know how to take care his wife," saad ko. Binalingan ko pa si Zandy at saktong tumingin din siya sa akin kaya agad akong umiwas. Naiilang ako. Hindi ko rin alam kung pagpapanggap pa ba ang mga sinabi ko.

"Sana, sunod na punta namin dito may good news na mula sa inyong dalawa," makahulugang sabi ni Tita Mandy. Tahimik pa rin si Tito Andrew na seryoso lang ang mukha.

"Naisip ko rin iyan, balae na sana sa susunod may ipakita na sa ating PT na may dalawang guhit," segunda ni Mama.

Nanlaki ang mga mata ko ng maintindihan ko ang gusto nilang sabihin. "What? 'Ma, hindi pa ako ready to get pregnant at saka—"

"Yes, Tita just give me a little more time and I'll give you the PT with two lines there," putol ni Zandy sa sasabihin ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero ngumiti lang siya sa akin.

Natawa si Mama, gayon din si Tita Mandy habang napangiti si Papa. Wala namang reaction si Tito Andrew. "I'm so excited for that, anak. Bilisan niyo nang gumawa para naman maabutan namin ang paglaki ng magiging apo namin, 'di ba balae? natutuwang sabi ni Tita Mandy at sa huli'y bumaling kay Mama.

"Oo naman, balae kaya nga sana sa mas lalong madaling panahon magkaapo na tayo," pagsang-ayon ni Mama.

Magsasalita pa sana ako pero wala akong makuhang salitang sasabihin. Pakiramdam ko, grabi na ang pamumula ng mga pisngi ko dahil sa hiya sa mga pinagsasabi ni Zandy na parang totoo pero lahat naman iyo'y pagpapanggap. Bakit ba may nararamdaman akong lungkot kapag naiiisip kong pagpapanggap iyon?

"At dahil diyan, we planned the honeymoon for you and Zandy. Since, walang naganap na honeymoon after the wedding, ngayon ninyo gawin. I rented a resort around Quezon Province for the honeymoon, Miles," pahayag ni Tita Mandy.

Mas nanlaki ang mga mata ko. "Po? Honeymoon? Pero—"

"No buts, hija naplano na namin ang lahat at hindi na pwedeng i-atras iyon. It's a two days vacation, I mean honeymoon for you and Zandy," putol ni Tita Mandy sa sasabihin ko.

"Saka, 'nak isipin mo na lang na bakasyon mo ito. Matagal na rin simula nang hindi ka nakakapag-vacation, 'di ba? It's a right time for you to have a vacation at hindi puro trabaho ka na lang," segunda naman ni Mama.

"Tama ang Mama mo, hija magpahinga ka rin minsan sa trabaho. You're not getting younger at kailangan mo ring mag-relax kahit minsan," sabi naman ni Papa.

"Tama sila, Miles saka why not, 'di ba? It's our vacation. A three days vacation away from our works and time to relax and refresh our minds from stress and tiredness from our daily lives here in Manila," pagsang-ayon naman ni Zandy.

At talagang sumang-ayon pa talaga si Zandy? Nababaliw na ba siya! Honeymoon ang gusto nila at hindi vacation lang. Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero ngumiti lang siya sa akin.

"Tama sila, hija pagkakataon mo na rin ito to relax with Zandy," ani Tita Mandy.

Hi, if you guys want to read the whole novel, available po ang Her Unexpected Marriage sa GoodNovel app. Completed with 13 special chapters. Pay to read po ito roon. You can search the title or my penname Totoy. Mababasa niyo rin po ang ibang stories ko na exclusive lang sa GoodNovel. Salamat. Hindi ko po pala maipo-post ang special chapters sa Wattpad, exclusive po iyon sa GoodNovel, Dreame at Yugto. Salamat sa suporta ninyo. God bless!

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon