PAKIRAMDAM KO'Y umiikot na ang paligid dahil sa nararamdaman kong hilo dulot ng alak na ininom ko. Hindi ko namalayang naparami na pala ang nainom kong alak dahil sa masayang kwentuhan at tawanan.
"Paano ba 'yan, uuwi na kami. Salamat, Zandy for the drinks and food for us tonight," narinig kong paalam ni Chad na parang hindi naman ata nalasing. "Ihahatid ko pa 'tong si Melissa sa kanila dahil mukhang hindi na kayang umuwi," dagdag pa nito.
Kahit nahihilo ako, naiintindihan ko pa naman ang mga sinasabi nila pero sigurado akong kinaumagahan, makalilimutan ko rin ang mga nangyari.
"Si-shinong h-hindi kayang umuwi, huh? Hindi ako lashing, Chad, kaya kong umuwi mag-isha," ani naman ni Melissa na halos pikit na at hindi maintindihan ang sinasabi habang inaalalayan ni Chad. Sinusundot pa nito ang pisngi ni Chad kaya iniiwas nito ang mukha sa daliri ni Melissa.
"Salamat, Zandy and congrats ulit sa inyong dalawa. Thank you for tonight. Paano ba 'yan, uuwi na rin ako at sigurado akong naghihintay na ang Mister ko sa akin," natatawang paalam ni ate Shai na namumula na ang pisngi pero tila hindi pa rin ito nahihilo.
"Sige, Miles mauna na kami," paalam ni Chad, saka naglakad na palayo sa amin habang akay nito si Melissa.
"Paano ba 'yan, Zandy ikaw na bahala kay Miles, huh? Mauna na rin ako," ani naman ni Andrea na hindi rin ata nalasing.
Hindi na ako umimik dahil sa tingin ko kapag umimik pa ako, susuka na ako. Nginitian ko na lang sila at nag-wave.
Nang mawala na sila sa paningin namin, tumalikod na ako at hindi pinansin si Zandy. Naglakad ako patungo sa sasakyan ko na pahapay-hapay ang lakad dahil sa hilong nararamdaman ko. Matino pa ang isip ko at ayaw kong magpahatid kay Zandy.
"Hey! Saan ka pupunta?"
Naramdaman ko ang kamay niyang pumigil sa akin at bahagya akong hinila palapit sa kaniya, saka humarap. "Uuwi. Gusto ko ng matulog, Zandy kay umuwi ka na lang rin," sabi ko na halata ang pagkalasing sa boses ko. Tinititigan ko pa siyang masyado dahil parang hindi malinaw ang imahe niya.
"No, Miles ihahatid kita," tanggi niya. "Hindi mo na kayang mag-drive."
Ngumisi ako. "Ihahatid mo ako, Zandy? Pwede ba tigilan mo na ako? Tigilan mo na 'yang pagpapanggap mo na mabait at totoo ka. You're fake! Bakla ka! Bakla!" parang batang sambit ko sa kaniya habang tinuturo siya.
"Miles, can you please stop? Lasing ka lang. Tara na, iuuwi na kita," pilit niya.
Binawi ko ang kamay ko at naglakad palayo pero sinundan niya ako at muling hinawakan ang braso ko. Hinarap ko siya at seryosong tiningnan. "Zandy, ano ba? Kung ikaw hindi nahihirapan sa sitwasyon natin, ako siya. Nahihirapan ako. Hindi ko gustong magpakasal sa taong hindi ko mahal at matali sa iyo dahil lang sa gusto ng ibang tao. Gusto ko, ako, ako 'yong magdedesisyon para sa sarili ko," mahabang hinaing ko. Hindi ko naramdaman tumutulo na pala ang luha ko. "I hate this f*cking marriage! Kaya please, just tell it your parents na bakla ka para tapos na ang lahat, para pareho na tayong malaya," giit ko pa. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko. "Pakiramdam ko, nawalan ako ng karapatan sa sarili kong kaligayahan. Pakiramdam ko, nawala na sa akin iyon dahil sa lintik na kasal na ito."
"Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan, Miles? Ako rin, nahihirapan ako sa sitwasyon natin, pero katulad mo wala akong ibang choice kung 'di gawin ito." Kita ko ang seryoso niyang mukha kahit medyo malabo iyon. "At wala akong dapat aminin sa parents ko," dagdag pa niya.
Suminghap ako at ngumisi. "Hindi mo na dapat ikahiya kung bakla ka. For sure maiintindihan ka ng pamilya mo at matatanggap mo rin sa sarili mo iyan." Ngumiti pa ako sa kaniya.
"Miles, stop!"
"Bakit? Ayaw mong tawagin kitang bakla? Bakla! Bakla!" pang-aasar ko. Hindi ko namalayang tumatawa na pala ako.
"Kapag hindi ka tumigil, I'll kiss you until you pass out again," banta niya.
Sumeryoso ako at inginuso pa ang nguso ko sa kaniya. "Sige, try it Zandy. Hindi mo nga nagawa kanina sa bar, ngayon pa kaya," hamon ko.
Pinagkaisahan kasi kami kanina na gawin ang kissing scene sa kasal pero si Zandy na mismo ang hindi gumawa, dahil daw mahihiya ako at maiinggit lang sila sa amin. Sinabi rin niyang, para na lang iyon sa amin. Mabuti naman at hindi na kami pinilit ng mga iyon.
"Hinahamon mo ba ako, Mile?" seryosong tanong ni Zandy.
Mas inilapit ko pa ang nguso ko sa kaniya para hamunin siya kung kaya niyang gawin. Hindi ko na rin alam kung bakit naisip ko pa 'tong gawin. Hindi na ata masyadong matino ang utak ko. "Sige, gawin mo kung kaya mo," patuloy ko.
"You're wrong if you think I can't, Miles," aniya.
Ngumiti lang ako pero nang akmang ilalapit ko pa sana ang ulo ko sa kaniya, nawalan ako ng balanse dahil na rin marahil sa hilong nararamdaman ko. Bumagsak ako sa matigas na dibdib ni Zandy. Mabilis naman niya akong sinalo at inalalayan.
"A-anong—bastos!" galit kong sigaw ng maramdaman ko ang kamay niya sa parteng dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin sa kaniya. Seryoso lang siya pero bakas ang gulat doon. "Bastos!" sabi ko uli, saka mabilis na lumayo sa kaniya pero muli na naman akong nahilo at parang umiikot na rin ang paligid kaya hindi ko alam kung saan ako babaling hanggang sa matumba na naman ako.
Nagtaka ako ng hindi ako lumapat sa matigas na kalsada. Napapikit pa ako. Kapagkuwa'y, dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko at halos hindi ko na makilala ang lalaking sumalo sa akin pero alam kong si Zandy iyon.
Dahan-dahan akong itinayo ni Zandy. "Let's go home, Miles, lasing ka na," aya ulit niya.
Hinawakan niya ang braso ko at marahan akong hinila palapit sa kotse nito. "B-bitawana mo nga ako, bakla ka. A-ayaw ko nga sumakay sa sasakyan mo. Uuwi ako mag-isa. Kaya ko," giit ko.
"No, Miles, iuuwi kita," patuloy naman ni Zandy.
"Bakit ba ang kulit mo, Zandy? Ayaw ko ngang sumama sa 'yo! Bakla! Bakla!"
Mayamaya'y nagulat na lang ako sa sunod na nangyari, marahan niya akong hinila palapit sa kaniya. Bumangga ako sa matigas niyang katawan, habang sapo niya ang baywang ko.
"Nagkamali kang hinamon mo ako, Miles." Hindi ako nakagalaw nang bigla na lang niya akong halikan sa mga labi ko. Para akong nanghina. Hindi ko magawang tumutol sa halik na iyon. "Don't you think, gay won't kiss a girl?"
Ngumisi pa si Zandy sa akin habang nakaawang pa ang bibig ko dahil sa gulat ko. Sapo pa rin niya ang balakang ko. Ramdam ko rin ang katawan niya sa akin na hindi ko mawari kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Marahil dahil sa kaba at gulat sa ginawa ni Zandy.
Mayamaya pa'y napapikit ako nang maramdaman kong parang bumaligtad ang sikmura ko. Pakiramdam ko'y mas lalong tumalab ang alak. Mas nahilo ako. Naduduwal ako, hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nasuka ako at ang nakakatuwa pa nito, nasukahan ko si Zandy sa damit niya. Mabuti na lang at hindi ko siya nasukan sa bibig ng halikan niya ako, pero sana nga iyon na lang ang nangyari. Kita ko pa ang pangdidiri sa mukha ni Zandy.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...