Unexpected 5 (Part 1)

2.2K 38 0
                                    

HANGGANG ngayon hindi pa rin makapaniwala si Andrea na ang Zandy na sinasabi kong bakla ay isang gwapong lalaki. Marahil iba ang inaasahan niyang katangian ng lalaking iyon. Nagduda rin si Andrea kung bakla ba talaga si Zandy o hindi dahil sa napaka-manly niyang tindig at boses na kahit ako'y hindi maniniwala kung hindi ko kilala kung sino si Zandy.

"Seryoso ka na ba talaga na pakasalan ako?"

Bahagya akong nagulat nang magsalita si Zandy sa gilid ko nang makalabas ako ng silid kung saan nandoon ang pamilya ko at ang pamilya niya na nag-uusap pa rin tungkol sa kasal naming dalawa. Ni hindi na nila nagawang hintaying makalabas si Papa sa hospital para pag-usapan iyon. Talaga ngang excited sila para sa aming dalawa kabaliktaran ng nararamdaman ko.

Saglit akong pumikit. Inipit ko sa likod ng tainga ko ang buhok na humaharang sa mukha ko, saka hinarap siya. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa wall malapit sa pintuan ng silid. Nagpaalam lang siya na lalabas saglit pero hindi na bumalik.

"Sa tingin mo gusto kong magpakasal sa 'yo? Sa tingin mo ba gugustuhin kong magpakasal sa katulad mo? I remembered what you've done to me, Zandy at hindi ko 'yon makalilimutan," sambit ko na bakas pa rin doon ang inis at galit dahil sa katotohanang siya pa rin ang dahilan ng hiwalayan namin ni Roven.

Napangisi si Zandy. Bahagya pang kumiling ang ulo niya, saka seryoso akong tiningnan. "Hanggang ngayon ba bitter ka pa rin sa pang-iiwan sa iyo ng ex mo? Sa tingin mo ba ako talaga ang dahilan ng hiwalayan ninyo? Come on, Miles alam kong alam mo sa sarili mo na may ibang dahilan kung bakit ka iniwan ni Roven," giit niya.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Ibang dahilan? Inisip ko kung ano'ng dahilan ang sinasabi niya pero wala akong maisip na dahilan kung 'di siya lang. Ngumisi ako. "Zandy, hindi rin talaga makapal ang mukha mo, 'no? Ikaw na nga itong nang-agaw ikaw pa itong matapang," inis kong balik sa kaniya.

Napasinghap si Zandy at saglit na yumuko. "I don't have time to explain everything to you, Miles. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Don't let your past control your present. Hindi lahat ng nakikita mo'y iyon ang katotohanan." Tumalikod ito at naglakad palayo sa akin. Naiwan akong tulala at iniisip ang mga sinabi ni Zandy sa akin. Ano'ng ibig sabihin niya sa mga sinabi niya?

NAPAILING NA lang ako at wala nang nagawa sa naging pag-uusap nila sa gaganaping kasal namin ni Zandy. Hindi ko alam kung bakit masyado silang nagmamadali na animo'y mauubusan ng paring magkakasal sa amin. Ni hindi na nga kami nakasingit sa pag-uusap nila habang hindi mawala ang ngiti sa kani-kanilang mga labi na tunay na mas masaya pa sila kaysa sa amin na ikakasal.

Napagdesisyunan nilang ikasal kami sa mas madaling panahon. Madaling panahon talaga dahil isasagawa na iyon sa unang araw ng buwan sa susunod na buwan, ilang araw matapos ni Papa na lumabas ng hospital. Isang linggo na lang mahigit iyon. Gusto ko na lang sumigaw sa inis at lungkot. Tama ba talaga ang naging desisyon ko na pumayag sa kasal na ito? Pwede pa ba akong umatras?

"Hindi naman ata nagmamadali ang pamilya niyong ikasal kayo, 'no?" sarkastikong sambit ni Andrea habang kumakain kami sa restaurant malapit sa hospital matapos mag-usap ng mga pamilya namin ni Zandy para sa kasal namin. "Kasal agad? Ni walang getting to know stage para sa inyong dalawa? Ganoon ba sila ka-desperate just because of that damn old cursed?" dagdag pa niya. "Pero in fairness, kung kagaya lang ni Zandy ang pakakasalan ko, gora ako kahit pa hindi sigurado ang kasarian niya. Ang hot niya kaya and no doubt he's super handsome. Artista level, ganoon!" mataray pa niyang segunda.

Napairap na lang ako sa sinabi ni Andrea. "Yes, alam kong gwapo si Zandy pero siya pa rin ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Roven. Kung may iba lang talaga akong choice, hindi ko pakakasalan ang lalaking iyon," saad ko na bakas doon ang panghihinayang at pagsisisi. "Hindi ko rin naman kasi maintindihan sila, Mama, eh, masyado silang naniniwala sa sumpa-sumpa na 'yan, napaaga tuloy ang pag-aasawa ko," maktol ko pa at marahas na pinaghihiwa ang karne sa plato ko na gumawa ng ingay.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon