Unexpected 84

755 6 0
                                    

HABANG mas tumatagal na magkahiwalay kami ni Zandy, mas lalo akong nahihirapang kalabanin ang sarili ko para puntahan siya at ayusin ang lahat sa amin. Naghihintay ako sa kaniya at nagbabakasakaling darating siya para sabihing mahal niya ako. Nami-miss ko na siya at alam kong kailangan ko siya sa tabi pero may kung ano'ng pumipigil sa akin para puntahan si Zandy. Marahil iyon ay ang pride at konting galit ko sa kaniya dahil sa nangyari.

Bumaling ako sa tiyan ko na umuumbok na dahil sa pagbubuntis ko. Bahagya na ngang halata iyon kung titingnan. Ngumiti ako at marahang hinimas ang tiyan ko. Palagi kong kinakausap ang bata sa tiyan ko at hinihimas iyon dahil pakiramdam ko'y malapit sa akin si Zandy dahil pinapaalala sa akin ng bata ang ama niya.

Bumuntong-hininga ako. Nagpasiya akong bumaba ng kama ko at lumabas ng silid dahil pakiramdam ko'y mababaliw na ako roon. Dumeretso ako sa sala. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa trabaho kahit alam ko sa sarili kong kaya ko na. Sapat na 'yong mahigit tatlong linggong pahinga ko. Pakiramdam ko rin mas magkakasakit ako kung mananatili lang ako sa bahay at walang gagawin.

"Oh? Saan ka pupunta, 'nak?" 

Lumingon ako kay Mama nang marinig ko ang boses niya nang akmang lalabas ako ng bahay. "Gusto kong maglakad-lakad sa labas, 'Ma to breathe at para makalanghap man lang ng sariwang hangin," paliwanag ko. May malapit na parke sa bahay namin at gusto kong maglakad doon.

Agad na bumakas ang pag-aalala ni Mama. Lumapit pa siya sa akin. "Huh? Lalabas ka? Mainit sa labas at baka mapaano ka roon," nag-aalalang ani Mama.

Ngumiti ako para i-assure si Mama na ok lang ako. Hinawakan ko pa siya sa balikat at marahang hinimas iyon. "'Ma, you don't need to worry all the time, ok? I'm fine! Ok na po ako. Hindi ko naman po hahayaang may mangyaring masama sa baby ko. I just want to breathe for a moment dahil lalo akong nalulungkot kung nandito lang ako sa loob ng bahay," dahilan ko.

Seryoso akong tiningnan ni Mama, nandoon pa rin ang pag-aalala sa mukha niya. Bumuntong-hininga siya. "Gusto mo samahan kita, 'nak?"

Saglit akong pumikit. "I'm fine, 'Ma. Kaya ko na po," pagtutol ko.

"Sige, basta mag-iingat ka, ok? Umuwi ka rin agad," bilin pa niya.

Napangiti ako. "'Ma, maglalakad lang po ako sa labas, hindi po ako aalis," natatawang aniko.

Ngumiti si Mama at Bahagyang kumiling. "I'm just worried, 'nak."

"I'll be fine, 'Ma." Ngumiti ako. Binitawan ko ang balikat ni Mama. "Babalik din po agad ako," sabi ko. Nagpaalala na naman si Mama na mag-ingat ako. Natawa na lang ako sa labis na pag-aalala niya sa akin. 

Lumabas ako ng bahay at agad akong sinalubong ng sikat ng araw na tumama sa mukha ko kaya napapikit ako. Agad kong hinarang ang palad ko sa aking mukha para isalag iyon sa sikat ng araw.

Pakiramdam ko'y naramdaman ko muli ang mundo nang dumampi sa balat ko ang sikat ng araw. Ilang linggo ako sa loob ng bahay at muli kong naramdaman ang kakaibang ginhawa at comfort ng paligid sa akin. Napangiti ako at hinayaan kong maramdaman ang paligid at ang hatid niyong ginhawa.

Inayos ko ang buhok na humaharang sa mukha ko. Inipit ko iyon sa tainga ko at tahimik na naglakad habang nagmamasid sa paligid. Sa kabila ng sikat ng araw, hindi ko naramdaman ang init niyon dahil sa magandang paligid na nakikita ko na parang matagal kong hindi nasaksihan.

Ilang minuto lakad at narating ko ang malapit na parke. May ilang mga taong naglalakad doon at may mga batang naglalaro. Agad umihip ang hangin na nagparamdam sa akin ng ginhawa. Napakaaliwalas kasi ng paligid dahil sa mga punong nagkalat sa paligid.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon