Unexpected 14

1.3K 22 0
                                    

"HONEY, I'm here."

Para akong biglang nag-init kahit ramdam ko ang malamig na hangin ng gabi. How dare him to call me Honey sa harap ng mga katrabaho ko. Nahihibang na ba siya?

Hindi ko na sana papansin si Zandy at aakto na lang na walang narinig nang bigla na lang tumili si Melissa habang nagtatanong naman si Ate Shai at Chad kung sino raw ang lalaking iyon.

Pumikit ako ng mariin at dahan-dahang, humarap kay Zandy. Aba't ang loku, nakangiti pa! Ano na namang naisip niya para tawagin akong Honey?

"OMG! Miles, is he your husband?" tanong ni Melissa na parang nakakita ng artista habang sapo ang dalawang pisngi at bakas ang kilig sa mukha. Lumingon pa siya sa akin at pinaghahampas ang braso ko.

"Aw! Melissa, masakit," reklamo ko at inilayo ang braso ko sa kaniya. "Kilig na kilig? Sige, sa'yo na."

"So, totoo he's your husband?" pagkompirma ni Ate Shai.

Napalingon ako kay Andrea na natatawa na lang din. Saglit ko ring nilingon si Zandy na nakatayo sa tapat ng sasakyan niya. Nilingon ko muli ang mga katrabaho ko at dahan-dahang tumango. "Oo na, he's my husband. Ok na?" pag-amin ko. Umiwas ako sa kanila ng tingin dahil sa nag-aalangan kong mukha.

"I didn't expect that he's more handsome in person," komento naman ni Chad na napangiti habang nakapamulsa at nakatingin kay Zandy.

"He's literally handsome, kaya lang—"

Mabilis akong napalingon kay Andrea, nakita ko ang alangan niyang ngiti dahil sa muntik na niyang masabi, nagulat din siya. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Kaya lang ano?" usisa naman ni ate Shai.

Ngumiti si Andrea at alangang ngumiti sa mga kasama namin. "Kaya lang...he's cold and quiet," sagot ni Andrea na iwas ang tingin sa mga kasama namin.

Para akong maiihi nang makita ko si Zandy na naglakad papalapit sa amin. Napalunok ako at kinabahan dahil hindi ko alam kung paano aakto sa harap ng mga katrabaho ko kapag nandiyan si Zandy sa tabi ko.

"Hindi ka pa ba uuwi, Honey?"

Hinarap ko si Zandy at pasimple siyang tiningnan ng masama pero hindi man lang siya naapektuhan.

"OMG! Hi, you're Miles husband, right? Nice to meet you, I'm Melissa, katrabaho ni Miles," kinikilig na pakilala ni Melissa. Napakahilig kasi nito sa gwapo at mayaman.

"Hi, Melissa I'm Zandy." Kinuha niya ang kamay ni Melissa na lalong nagpakilig dito. Halos magsisigaw na ito at mahimatay. Napailing na lang kami habang nangingiti naman si Zandy.

"Hey, Bro, I'm Chad nice meeting you. I thought your a gamer like me since you're family is in gaming community," usisa ni Chad.

Ngumiti si Zandy. "I'm not into gaming, dude pero nice to meet you," sambit niya.

Pasimple akong napapangisi at napapaismid dahil sa pinapakita ni Zandy sa mga katrabaho ko na parang ang bait niya.

"I'm Shai," simpleng pakilala naman ni ate Shai at ngumiti pa kay Zandy.

"Nice meeting you," magalang na balik niya at kinuha ang kamay ni ate Shai at nagmano rito. Lahat ng mga katrabaho ko ay natawa sa ginawa niya.

"Ay! Naku kang bata ka! May anak ako pero hindi pa ako matanda para magmano ka," naiiling na sambit ni ate Shai. "Mukha na ba akong lola?"

Nakita kong napakamot sa batok si Zandy at tila napahiya sa ginawa niya. Hindi na rin siya umimik.

"Why you're here, Zandy?" tanong ko sa kaniya para ibahin ang usapan.

Humarap siya sa akin. "Susunduin ang asawa ko," diretsong sagot niya at kumindat pa. Gusto ko na sana siyang sigawan at bulyawan pero naalala kong kaharap pala namin ang mga katrabaho namin. Narinig ko naman ang pagtili ni Melissa dahil sa kilig habang natatawa si Andrea.

"Nag-abala ka pa, nagpahinga ka na lang sana. I know your busy kaya hindi mo na ako kailangang sunduin. At saka, I have a dinner with my co-workers. Umuwi ka na lang at magpahinga," sambit ko na kulang na lang ipagtabuyan siya pauwi. Naiilang din ako sa ginagawa kong pagpapanggap na mabait ako sa kaniya kahit gusto ko na talaga siyang bulyawan.

"Why don't you just come with us, Zandy," sabay sabi ni ate Shai.

Nagulat ako at nanlaki ang mga mata. "No, ate Shai, he's busy mas mabuting magpahinga na lang si Zandy sa bahay." Humarap ako kay Zandy. "Hindi ba pagod ka? Umuwi ka na lang," madiin kong sabi, sabay alangang ngumiti sa mga kasama ko.

Tiningnan ni Zandy ang wristwatch na suot, saka nag-angat ng tingin sa akin. "It's too early for me to sleep at dahil maaga pa and Sunday naman bukas, sige sasama ako sa inyo," pagpayag ni Zandy na nagpagulat sa akin. "Treat ko."

Laglag ang panga kong napatingin kay Zandy, saka tiningnan siya ng masama pero mukhang hindi iyon tumalab. Nahihibang na ba ang baklang ito? Ano bang nasa isip niya at naisip niyang sumama sa amin?

"So, ano tara na? Libre pala nitong si Zandy, eh," aya ni ate Shai.

Balisa akong humarap kay Andrea na kanina pang tahimik at pangiti-ngiti lang. Ngumiti siya at saglit na pumikit. Bahala na nga!

"Tara, let's party tonight," ani naman ni Melissa. "Dahil hindi niyo kami in-invite sa kasal niyo, dapat lang na ilibre niyo kami, 'di ba?" dagdag pa niya.

"Tama si, Melissa Miles dapat lasingin niyo kami ngayong gabi. We need to celebrate your wedding kahit late," pagsang-ayon naman ni Chad.

Ngumiti si Zandy. "Sure," maikli niyang sagot. Ngumiti naman ang mga kasama ko habang ako'y kanina pang kinakabahan sa pwedeng mangyari habang kasama ko si Zandy at ang mga katrabaho ko. Paano ako aakto sa harap nila? Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Let's go," ani naman ni Andrea. Ngumiti pa siya sa akin na parang sinasabi niyang hayaan ko na lang at wala naman akong magagawa.

Nauna na nang naglakad si Andrea, sumunod naman sa kaniya ang mga katrabaho namin. Hindi agad ako lumakad, ganoon din si Zandy.

"Nababaliw ka na ba, huh? Ano 'tong ginagawa mo, huh?" pabulong kong kompronta sa kaniya.

Seryoso lang si Zandy. "Why? Ano'ng ginagawa ko? I don't do anything, I'm just being kind to them, masama ba 'yon?" painosente niyang tanong.

Napasinghap ako. "Being kind, huh? Don't act like you're really kind, Zandy. Nakakapagod magpanggap," inis kong sabi at mabilis na naglakad palayo sa kaniya. Hindi na ako lumingon pa.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon