MAAGA akong umalis ng bahay para pumunta kila Mama at Papa bago pumasok sa trabaho. Pakiramdam ko, kailangan ko ng yakap nila. Kailangan ko ng comfort mula sa pamilya ko dahil sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang iisipin ko sa mga nalaman ko. Pakiramdam ko, trinaydor ako ni Roven at Zandy.
Nang makapasok ako sa bahay, agad kong niyakap si Mama na sumalubong sa akin. Nakita ko pa ang gulat sa kaniya nang makita ako roon. Alam kong nagtataka siya sa naging akto ko pero wala na akong pakialam. Ang kailangan ko, kayakap at comfort na mula sa kanila, kahit alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon, may sama ako ng loob sa kanila.
"Oh! Miles? Bakit, ano'ng nangyari? Ok ka lang ba?" nagtatakang tanong ni Mama.
Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya at hindi umimik. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang lahat at kung paano ko sasabihin sa kanila iyon dahil ang alam nila, sa isang babae ako ipinagpalit ni Roven at wala silang kaalam-alam na si Zandy ang dahilan kung bakit ako nasaktan noon.
"May problema ba? You act strange, anak," ulit uli ni Mama habang yakap na rin ako. Ramdam ko na ang pag-aalala sa boses niya. "May nangyari ba sa inyo ni Zandy? Nag-away kayo?" usisa pa niya.
Sana nga iyon lang ang dahilan kung bakit ako nahihirapan at nasasaktan ngayon, pero hindi, eh, mas komplikado ang lahat ngayon. Pakiramdam ko, babagsak na naman ang luha sa mga mata ko dahil sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko, pinagkaisahan ako para saktan.
"'Ma! Ang sakit-sakit! Ang sakit!" simula ko at hindi na napigilang mapaluha. Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi ko.
"Huh? Ano bang nangyari?" Hinawakan ni Mama ang balikat ko at marahan akong hinarap sa kaniya. "Bakit ka umiiyak? Come on, Miles tell it to me right now. Huwag mo naman akong gawing manghuhula para hulaan kung bakit ka nasasaktan. Anak, I'm willing to listen, ok? Pakikinggan kita," puno ng concern at pagkabahala na sagot ni Mama. "Pero bago ang lahat, halika ka, umupo ka muna." Iginiya ako ni Mama sa sofa.
Pinahid ko ang luha sa mga pisngi ko at nag-angat ng tingin kay Mama. "'Ma, hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin ito...hindi ko alam na babalik siya, 'Ma." Huminto ako sa pagsasalita. "Bumalik si Roven sa hindi ko inaasahang pagkakataon," simula ko at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. "He's back."
"Huh? Si Roven, ang ex-boyfriend mo?"
Tumango ako. "Bumalik na si Roven, 'Ma at sa pagbabalik niya, dala niya ulit ang alaala nang nakaraan. Ang sakit." Yumuko ako at nakagat ang pang-ibabang labi. "I don't know what I'm feeling right now, pero alam kong nasasaktan pa ako, 'Ma. Alam kong may lugar pa rin si Roven sa puso ko," pag-amin ko.
Hindi agad nakaimik si Mama na tila iniiisip pa ng mabuti ang mga narinig mula sa akin. "Ibig bang sabihin na mahal mo pa si Roven? Pero kasal ka na, 'nak. May asawa ka na at si Zandy iyon," aniya na halatang nawala na ang boto para kay Roven. Naalala ko pa noon na tuwang-tuwa sila kay Roven at halatang botong-boto sila rito pero ngayon, parang na kay Zandy ang simpatiya nila.
Gusto kong tumawa sa sinabi ni Mama pero pinili kong manahimik. Alam kong hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanila ang namagitan sa amin ni Zandy at Roven noon.
"Pero alam natin 'Ma, na ikinasal lang kami pero hindi namin mahal ang isa't isa at hindi niyon maalis ang katotohanang may ibang tao pa rin sa puso namin bago kami nagtagpo," paliwanag ko para maintindihan nila ang side namin. "Pero hindi ko rin sinabing mahal ko pa si Roven, 'Ma. He's been part of my life before at mahirap na iyong alisin pa," paliwanag ko. "Pero ang sabihing mahal ko pa siya, hindi ko alam."
Bumuntong-hininga si Mama. Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa akin. "Naiintindihan kita, anak. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero gusto kong ipaalam sa iyo na niloku ka ni Roven at may asawa ka, si Zandy. Alam kong mahirap sa iyo ang sitwasyon mo, pero kailangan mong piliin 'yong alam mong makabubuti sa iyo. Tama na siguro na pinanghimasukan namin ang kasal mo, Miles pero sa pagkakataong ito, ikaw na ang magdesisyon para sa sarili mo," seryosong ani Mama.
Gulat na tinitigan ko ang mukha ni Mama dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa mga iyon. Totoo ba na hahayaan niya akong magdesisyon ng alam kong makabubuti sa akin sa pagkakataong ito?
—
HINDI KO namalayan ang oras at ang trabaho ko habang nasa bahay ako at kausap si Mama. Hindi ko na nga nakausap si Papa dahil tulog pa ito at hindi ko na inabala pa dahil masyado pang maaga.
Mabilis akong pumasok ng gusali habang bitbit ang laptop ko at ibang papel na hawak ko. Nagmamadali ako dahil ilang minuto na lang at male-late na ako. Binilisan ko ang lakad ko para makarating agad sa elevator at saktong pasara na iyon.
"Wait!" sabi ko, saka iniharang ang kamay ko sa pasarang elevator at agad iyong nagbukas uli. "S-sorry po," sabi ko nang tumambad sa akin ang isang magandang babae. Nakasuot siya ng yellow fitted dress at may burloloy sa leeg. Naka-sunglasses pa siya. Napaka-elegante niyang tingnan at halatang mayaman. Akala ko'y isang artista siya dahil sa kasuotan at aura niya. "Sorry po talaga."
Hindi siya umimik. Inalis niya ang sunglasses at tiningnan ako na para bang isang makasalanan sa harapan niya na kailangan niyang litisin. Napakatalim ng mga tingin niya na parang ang liit ko. Ngayon ko lang siya nakita sa kompanya at hindi ko siya kilala.
Sumara ang elevator habang nasa tabi ako ng babaeng iyon. Ramdam ko ang pagkailang ng babae at ganoon din ako dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
"Miss, model po ba kayo? Are you one of those model na ipi-feature next month?" usisa ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba 'yong tanungin.
Binalingan niya ako, kunot ang noo. "And who are you to asked?" masungit na balik niya.
"I'm one of the journalist in this publication, Ma'am," magalang ko pa ring bati kahit sa loob ko'y naiinis na ako. "So, I'm glad to meet you if you're one of those model to be feature in our magazine," dagdag ko pa.
Umiwas ang babae ng tingin sa akin. "Well, yeah! Isa ako sa ipi-feature para sa next month issue," pakli lang niya.
Mayamaya pa'y bumukas ang elevator at ngayon ko lang naisip na iisang floor ang pupuntahan namin at baka si Sir Troy ang maghahandle ng project.
Naiwan akong nakatingin sa babaeng iyon na halatang model sa paraan ng paglakad niya. Hindi rin maikakailang ang tangkad at ganda ng kutis nito. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng insecure. Nagtataka ako sa babaeng iyon dahil ngayon ko lang siya nakita. Marahil baguhan lamang siya sa larangan ng modelo.
Hindi ko na lang iyon inisip at tumuloy na ako sa opisina at katulad ng inasahan ko, inulan ako ng tanong ni Andrea at Melissa tungkol sa sinabi kong pag-uusap namin ni Roven. Hindi ko na lang sila masyadong sinagot dahil magulo pa ang utak ko.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...