NAPANGITI AKO nang makita ko si Mama at Papa na nakaupo sa sofa nang makapasok kami ni Zandy sa loob ng bahay. Bahagya pa si Papang nagulat habang malawak naman ang ngiti ni Mama na bakas ang saya at pananabik doon.
Tumayo silang dalawa at sinalubong kami ni Zandy. Niyakap ko si Mama at Papa. Kahit may sama ako ng loob sa kanila dahil sa pagpapakasal nila sa akin, hindi ko pa rin sila kayang tiising hindi makita. Alam ko namang ako lang ang iniisip nila, pero ang hindi ko lang matanggap, ang dahilan nila kung bakit gusto nila ako ikasal, ang sumpa at ang lalaking ipinakasal pa nila sa akin ay si Zandy. Pero hindi ako nagtanim ng galit sa kanila.
"Kumusta po?" magalang naman na tanong ni Zandy nang bahagya akong lumayo kila Mama at Papa, nagulat pa sila nang magmano si Zandy. Nagkatinginan ang mag-asawa at saka masayang ngumiti.
"Napakagalang na bata," puri ni Mama. Ngumiti lang si Zandy habang tumataas ang klilay ko. "Mabuti naman at nakarating kayo, akala ko hindi na kayo darating, eh," seryosong ani Mama at ngumuso pa.
"Kaya naman pala nagluto ka ng marami, kasi inimbita mo 'tong mag-asawa," sabi naman ni Papa habang nakatingin kay Mama. Kahit pa paano'y nakikita ko namang maayos na ang kalagayan ni Papa at masaya ako roon.
"Yeah! I want you to surprise, Honey," balik ni Mama at kumapit pa sa braso ni Papa na animo'y teenager na naglalambing.
"Hala! Baka gusto niyo pang mag-lovey dovey sa harap namin?" pagbibiro ko sa kanila. "Teenager?" patuloy ko.
"Hayaan mo na, 'nak ang Mama mo, may kasalanan kasi iyan kaya naglalambing," ani naman ni Papa na halata namang gusto rin ang ginagawa ni Mama.
Kumunot ant noo ko. "Bakit po? Nag-away na naman po ba kayo?" usisa ko.
"Paano kasi itong Papa mo, nagselos ba naman doon sa kapitbahay natin. Nakita lang kaming magkausap sa labas, eh," pagkwekwento ni Mama.
"Paanong hindi ako magseselos? You're just naive, Honey para hindi mo mapansing gusto ka ng matandang binatang iyon. The way he talk and treated you, it's obvious," sambit ni Papa na bakas ang selos mula roon.
Napangiti at napailing na lang ako dahil sa kanila. Animo'y mga teenager na nagseselos. Bumaling ako kay Papa. Kumapit ako sa kabilang braso nito. "'Ma, 'Pa, hanggang ngayon ba uso pa rin sa inyo ang selos na iyan? 'Pa, don't overthink, ok? Hindi ka ipagpapalit ni Mama at kung gusto man niya, noon pa sana, 'di ba? Alam nating kung gaano ka ka-love nitong si Mama," sabi ko sa kaniya. Bumaling naman ako kay Mama. "At ikaw naman, 'Ma, be aware dahil nagseselos si Papa. Saka, matandang binata 'yon, kaya what if nga, may gusto sa iyo ang kapitbahay natin. I'm not saying na layuan mo siya, what I'm trying to say is dumistansiya ka sa kapitbahay natin baka ma-marites ka pa riyan sa labas. Alam nating maraming marites diyan tuwing umaga, hanggang hapon na para bang sasahod sila kapag nangialam ng buhay ng iba," natatawa kong sabi.
Ngumiti sila sa akin. "Ok, fine, anak, from now on, ddistansiya na ako sa kaniya." Bumaling si Mama kay Papa. "Ikaw naman, you're too old para magselos pa. You're my one and only, Honey."
Nakita ko ang ngiti sa mukha ni Papa na animo'y kinikilig. "Ok, naniniwala na ako. I'm sorry, Honey for being immature," ani Papa na sumeryoso na ang mukha.
"Pinapunta niyo lang po ba kami rito para maging audience niyo sa selosan at lambingan ninyo?" pukaw ko sa kanila. Hindi nakaiwas sa mga mata ko ang mga ngiti ni Zandy. A genuine smile na bihira kong makita sa kaniya.
Napangiti na lang din ako. Kaya marahil pinapunta kami rito ni Mama para gawing dahilan para magkaayos ang dalawa sa konting selosang nangyari. Gusto rin nitong mapasaya si Papa.
"Oh! Siya, tara na't kumain," nangingiti pa ring aya ni Mama sa amin. Humiwalay na siya kay Papa at naglakad na patungo sa kitchen. Sumunod naman ako sa kaniya at nasa huli ang dalawang lalaki.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomansaSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...