Unexpected 5 (Part 2)

1.8K 29 0
                                    

HINDI pa rin ako makapaniwala na ilang araw na lang ikakasal na ako kay Zandy, ang lalaki-este baklang iyon na umagaw sa boyfriend ko. Parang kahapon lang ang tahimik pa ng buhay ko at sa isang iglap nagulo sa pagdating ni Zandy sa buhay ko. Panaginip ba ito? Ni sa hinagap ko hindi ko naisip na ikakasal ako sa taong umagaw sa boyfriend ko. Grabi! Ganito ba maglaro ang tadhana? Ito na ba ang sinasabi ni Andrea na laro ng lintik na tadhana na 'yan? Pwes! Kung ganoon, makikipaglaro ako. Nasimulan ko na rin naman kaya tatapusin ko na lang ang larong gusto ng tadhana.

"Wow! You look so gorgeous, hija," puri sa akin ni Tita Mandy nang isukat ko ang gown na pinagawa niya sa isang kilalang bridal botique sa Manila. Kung ako nga lang ang masusunod, ok na sa akin na ikasal na lang kami sa mayor. Less gastos at isa pa hindi naman ito kasal ng dalawang taong totoong nagmamahalan. It's just a marriage in a paper.

Pilit akong ngumiti. Bumaling ako kay Zandy na nasa sofa habang hawak ang magazine na kanina pa niyang tinitingnan. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Salamat po, Tita," sabi ko na lang. Binalingan ko ang suot ko, saka tumingin sa malaking salamin na naroon. Kahit ako'y namangha sa sarili ko dahil sa magandang wedding gown na suot ko. Isa iyong A-Line wedding gown style na nagpalabas sa hugis ng katawan ko na masasabi kong hinubog din naman ng maayos. Labas din ang clevage ko na kahit siguro sinong lalaki ay mapapatingin sa akin, maliban lang si Zandy na walang pakialam sa akin.

"What do you think, Zandy?" narinig kong tanong ni Tita Mandy.

Bumaling ako sa kanila. Binitawan ni Zandy ang magazine na hawak niya saka binalingan ako. Halos mahimatay ako sa tingin niya sa akin. Animo'y isa akong makasalanan kung sa paraan ng pagtingin niya. Hindi ko rin maiwasang tingnan ang gwapo niyang mukha na kung marupok na babae ako, baka sumigaw na ako sa kilig. Kung hindi ko lang sana siya kilala baka buong puso akong magpakasal sa kaniya.

"It's too revealing for her," sabi lang niya na walang emosyon ang mukha, ni wala man lang pagnanasa sa maganda kong katawan. Tiningnan uli niya ako mula ulo hanggang paa saka muling hinarap ang magazine habang naka-de kwatro.

Tumaas ang kilay ko at tumikwas ang nguso dahil sa sinabi ni Zandy. Seryoso ba siya sa sinabi niya? Iyon lang ang sasabihin niya sa suot ko at sa hitsura ko.

"Why? You don't want her to reveal her body? Ikaw na lang kaya ang pumili ng gown for Miles, since ikaw naman ang pakakasalan," ani Tita Mandy.

"No. Just pick any wedding gown but not that one." Hindi man lang siya humarap kay Tita Mandy.

"No. I like this one. Isa pa, hindi na issue sa panahon ngayon kung revealing ang suot o hindi. Ano gusto mo, balutin ko ang katawan ko at mag-jacket ako at pantalon?" dahilan ko. At bakit ba pati ang suot ko ay pakikialman niya? Sino ba siya? Hindi naman talaga namin mahal ang isa't isa kaya wala siyang pakialam sa gusto kong suotin. Gusto ko pa sana isatinig iyon pero dahil nandoon su Tita Mandy, hindi ko na lang sinalita.

"Fine. Wear what you want," ani Zandy na hindi man lang nag-angat ng tingin.

Napaismid na lang ako at nakasimangot na humarap sa salamin. Bakit ba ayaw niya sa wedding gown na ito, eh, ang ganda-ganda nga. Saka, bagay na bagay sa akin. Baka insecure lang siya sa ganda ko at ng katawan ko. Napangiti na lang ako sa naisip ko.

-

ABALA ANG lahat sa bahay habang naghahanda para sa kasal na gaganapin kinaumagahan sa simbahan. Wala naman akong ambag sa pagpaplano nila, lahat sila ang nagplano mula sa kaliit-liitang bagay niyon hanggang sa mismong kasal namin. Ni hindi ko nga alam kung sino-sino ang dadalo sa kasal na iyon.

Lahat sila bakas ang saya at excitement sa mga mukha, habang tahimik lang ako sa silid at nag-iisip sa mga mangyayari pa pagkatapos ng kasal na ito. Hindi ko kayang isipin na makakasama ko si Zandy sa iisang bubong habang iniisip ko kung sino siya at kung ano'ng ginawa niya sa akin. Kaya ko kayang makisama sa kaniya?

Gusto ko magising sa panaginip sa mga oras na ito. Sana nananaginip lang ako at pagmulat ng mga mata ko balik na ulit sa normal ang lahat. Papasok sa trabaho at uuwi ng walang kahit ano'ng iniisip bukod sa trabaho ko. Dahil nga sa kasal ko, napahaba ang leave ko sa trabaho.

"Anak."

Napalingon ako sa pinto ko nang kumatok doon si Mama. Mayamaya pa'y bumukas iyon at iniluha niyon si Mama kasama si Papa na kahit pa paano'y bumabalik na ang lakas ng katawan. Kahit pa paano'y napapasaya ko sila sa ginagawa ko at hindi na kailangang ma-stress ni Papa para sa akin dahil sa sumpang iyon.

"May kailangan po ba kayo?" tanong ko sa kanila. Lumapit pa sila sa akin at ngumiti na may bahid ng lungkot.

"Nandito kami, 'nak para kumustahin ka. I know you're not happy right now, nakikita ko iyon sa mga mata mo. I just wanna say sorry again sa pagpipilit kong magpakasal ka kay Zandy. Alam kong labag sa kalooban mo ang gagawin mo pero gusto kong malaman mo na we're doing this for your own good. Alam kong sa huli maiintindihan mo rin ang lahat," simula ni Papa. Nakikita ko sa mga mata niya ang konsensiya sa ginawa nila sa akin.

"Tama ang Papa mo, Miles para sa iyo ang lahat ng ito. Alam naming mahirap para sa iyo, pero sa huli maiintindihan mo rin ito," segunda naman ni Mama.

"And besides, kilala namin si Zandy, 'nak hindi naman namin ikaw ibibigay sa lalaking hindi namin kilala. Alam naming nasa tamang kamay ka with Zandy. He's kind and gentleman," sambit ni Papa na muntik akong masamid.

Gusto kong tumawa dahil sa sinabi ni Papa pero pinigilan ko. Kung alam lang nila ang ginawa ni Zandy sa akin, baka bawiin nila ang mga sinabi nila rito. Pero palagi ko namang pinipili na huwag sabihin sa kanila ang nangyari sa amin ni Zandy dahil baka mapahamak na naman si Papa.

"Tama po kayo, I feel bad for this. Naiinis ako at nagagalit kasi pakiramdam ko inalisan niyo ako ng karapatang pumili ng lalaking mamahalin ko." Saglit akong yumuko at seryoso silang tiningnan. "Pero dahil sa inyo, kaya pinili kong magpakasal. Pwede naman siguro umatras kapag hindi nag-work, 'di po ba?" sambit ko pa.

"Napag-usapan na namin ni Mandy at Andrew ang tungkol diyan, Miles. Kung hindi talaga kayo magkakasundo pagkatapos ng isang taon at hilingin ninyong palayain ang isa't isa, papayag kami," sagot ni Mama.

"Hindi rin namin ipipilit kung hindi naman kayo magkasundo. Hindi namin gustong makulong kayo sa relasyong magulo pero gusto naming subukan para na rin maputol ang sumpa ng iyong Lola," ani naman ni Papa.

Napayuko ako. Gusto kong sarkastikong tumawa sa sinabi nila. Parang ang lumalabas, trial lang pala ang lahat at titingnan ang kalalabasan niyon. Ganoon na ba sila kadesperado dahil lang sa sumpang iyon na hindi naman totoo?

Kung gayon man ang gusto nila, I'll do everything para si Zandy na mismo ang humingi ng annulment. Kahit pa bigyan ko siya ng sampung lalaki para lang makipag-annul siya sa akin gagawin ko.

"Sige na, 'nak, magpahinga ka na at bukas na ang kasal mo. You need enough rest for tomorrow. Dapat ikaw ang pinakamagandang babae sa araw na iyon," nakangiting sabi ni Mama. "Dapat mong e-enjoy iyon, 'nak."

Ngumiti na lang ako kahit hindi iyon umabot sa tainga ko. Paano kong ma-e-enjoy iyon kung hindi ko naman ginusto ang kasal na iyon? Ako bang nagpumilit niyon?

Tumango na lang ako at hindi na umimik pa sa kanila. Pinagmasdan ko na lang ang paglabas nila ng silid ko. Naiwan akong tulala at mayamaya'y ginulo ko ang sarili kong buhok dahil sa inis. Iniisip ko pa lang ang pwedeng mangyari, nababaliw na ako pero alam kong wala na akong magagawa. Kailangan ko na lang bumuo ng plano kung paano ko mapipilit si Zandy na makipag-annul. Sila rin naman ang nagsabi na kapag hindi nag-work, lumapit kami at sabihin sa kanila.

Iyon ang plano ko, ang hindi mag-work ang pagsasama namin ni Zandy at makita nilang hindi kami masaya sa isa't isa para sila na mismo ang makakita ng katotohanang hindi kami dapat ikinasal at nagkamali sila sa desisyon nila. Ipakikita kong hindi ako masaya sa kaniya at walang patutunguhan ang kasal na iyon.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon