Unexpected 57 (Part 2)

841 15 0
                                    

NAPAKAPIT ako nang mahigpit sa damit ni Zandy dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. Hindi ko magawang yakapin siya dahil naiilang ako. Napapikit na rin ako dahil sa malakas na hangin at sa kaba ko.

"C-can you please slower?" nauutal kong sigaw na halos hindi ko na marinig ang boses ko dahil sa malakas na hangin at hindi ko rin alam kung naririnig ba iyon ni Zandy.

Mayamaya'y naramdaman ko ang palad niyang humawak sa braso ko at inilagay iyon sa baywang niya, ganoon din sa kabilang kamay ko. Dahil sa takot at kaba ko napahigpit ang pagkakahawak ko sa kaniya.

Wala rin akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Kanina pang tumatakbo ang motorcycle pero hanggang ngayon hindi pa rin iyon humihinto. Hindi sa akin pamilyar ang lugar kaya hindi ko alam kung nasaan na ba kami.

Kapagkuwa'y, bumagal ang takbo ng sasakyan. Utay-utay nabawasan ang kaba ko. Nakahinga ako ng maluwang nang sa wakas huminto ang motorcycle sa isang malaking restaurant.

Hindi katulad sa Manila, walang matataas na building na nakatayo sa paligid. Iilan nga lang doon ang may matataas na establisyemento at halatang hindi pa ganoon ka-sibilisado ang lugar.

"Ano'ng gagawin natin dito?" nagtataka kong tanong nang hubarin ko ang helmet ko. Seryoso lang si Zandy. Nagugusot ang mukha niya dahil sa matinding sikat ng araw.

"I want you to meet one of my inspiration when it comes to cooking, Miles," sabi niya. "Dahil gusto kong i-share ang buhay ko sa iyo." Hindi pa ako nakakaimik nang hawakan niya ang braso ko at hinila ako papasok sa restaurant na isa sa mga malalaking infrastructure sa bayan.

Hindi na ako nagtaka nang pumasok kami sa loob niyon na puno ng customers. Namangha rin ako sa napaka-eleganteng interior design ng restaurant. Napaka-relaxing ng ambiance at naaamoy ko ang masasarap na pagkain na nagpapakalam ng sikmura ko. Hapon na rin kasi at hindi pa kami kumakain ni Zandy.

"Oh, Sir Zandy ikaw po pala," gulat na sabi ng lalaking server nang makita kami. "Long time no see, Sir." Ngumiti si Zandy at nakipag fist-bump pa sa binata. Bumaling naman ito sa akin. "Let me guess, Sir she's your wife, right?" usisa nito.

Tumango si Zandy. Nakangiti niya akong binalingan. "Yeah, she's my beautiful wife, Sam," tila proud na pakilala ni Zandy.

Alangan akong ngumiti sa binata at bahagya pang yumuko. Nahiya naman ako dahil sa pagpapakilala ni Zandy sa akin na para bang tunay ang lahat sa amin.

"Hi," kaswal kong bati.

Ngumiti ang binata. "Hello, Ma'am tama nga si Sir, you're pretty at hindi na ako magtataka kung bakit mahal ka nito ni, Sir."

Nagulat ako sa narinig ko kasabay ang bahagyang paglaki ng mga mata ko. Bahagya akong yumuko at pilit ngumiti.

"You're right, Sam, she's beautiful inside and out that's why she's the girl I choose to live with and to spend my life," patuloy ni Zandy na lalong nagpapabaliw sa isip at puso ko. Ang sarap niyon pakinggan pero sa kabila niyo'y may lungkot dahil baka nagpapanggap lang siya sa harap ng binata.

Muli akong tiningnan ni Sam bago bumaling kay Zandy. "By the way, Sir if you're looking with Chef Jr, he's on the kitchen. Maiwan ko na muna kayo, Sir," paalam nito bago umalis sa harap namin.

Binalingan ako ni Zandy. Saka ko lang namalayang hawak pa pala niya ang kamay ko at ng akmang babawiin ko iyon nang higpitan niya ang pagkakahawak doon. Iginiya niya ako patungo sa kitchen ng restaurant. Pwede ba kami ritong pumasok rito ng basta-basta?

Napakalawak ng kitchen ng restaurant at ang lahat doo'y abala sa pagluluto sa kanila-kanilang lutuan. Naamoy ko rin ang masasarap na pagkaing niluluto nila.

"Chef," bungad ni Zandy. Humarap sa amin ang lahat ng nandoon at nakaramdam ako ng hiya dahil sa mga tingin niya.

"Oh! Zandy, you're here," gulat na sabi ng isang lalaki. Base sa hitsura nito may edad na rin ito. Nakasalamin ito at may balbas at bigote. Lumapit ito sa amin.

"Chef, Jr," salubong ni Zandy. Binitawan na rin niya ang kamay ko. Saglit na nagyakap ang dalawa. "Long time no see, chef. Kumusta?" magiliw na sabi ni Zandy.

Hinubad ng chef ang apron at ang hairnet sa ulo niya. "Tara sa office, Zandy doon tayo mag-usap." Sinenyasan niya muna ang isa sa mga naroon bago kami iginiya palabas ng kitchen.

Pumasok kami sa isang silid sa loob ng restaurant. Bumaling ako sa paligid na may katamtamang laki iyon at dark gray ang theme niyon.

"Have a sit," alok ng chef, saka umupo sa bakanteng upuan. Bumaling ito sa akin. "She's your wife?" tanong nito. "I never thought that you will bring another woman here," natatawa pa niyang dagdag.

Naiilang akong ngumiti sa chef. Hindi ko maiwasang hindi isipin kung sino ang babaeng tinutukoy nito.

"Alam mo, chef na ang dinadala ko lang sa 'yo, 'yong mga babaeng importante sa akin and she's one of them," kaswal na sagot ni Zandy. Bumaling siya sa akin. "He's chef, Jr ang tinitingala at mentor ko sa pagluluto. He taught me a lot when it comes to cooking. He studied abroad to pursue his career in food industry," pakilala ni Zandy at hindi ko maiwasang hindi humanga.

Bumaling ako kay chef Jr at ngumiti. "Hello, chef, nice meeting you po," magalang kong sabi. "I'm happy to meet you, chef lalo't isa po pala kayo sa mentor ni Zandy. He cooked well po at masasarap lahat ng pagkaing hinahain niya sa akin," dagdag ko pa na tila ba proud na proud kay Zandy na totoo naman.

Ngumiti ang kaharap namin. "That's prove that Zandy's learn a lot from me and from his experiences. Alam mo naman siguro ang sitwasyon ng asawa mo at malaking bagay na nandiyan ka to support him," seryosong sabi ni chef Jr. "I saw his dedication to do more in his dreams at gusto ko siyang tulungan sa abot ng kaya ko. May potential si Zandy, he's willing to learn at nakikita ko ang didikasyon niya sa gusto niyang gawin sa kabila ng paghadlang ng pamilya niya. And look, ilang sandali na lang at magagawa na niya ang gusto niya. Everything you'd work hard, someday you'd get it on your hand," anito.

Habang nagsasalita si chef Jr, nakatingin lang ako rito. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kung paano ito magsalita. Sino ba namang hindi ma-i-inspire sa kagaya ni chef Jr? Halatang marami na itong experience sa buhay na naging dahilan ng tagumpay nito sa larangang pinili nito.
 
Ngumiti si Zandy. "That's the reason why I'd always look up on him, Miles. Kapag nagsalita na siya, siguradong ma-i-inspire ka," aniya.

Ngumiti ako, ganoon din si chef Jr. Tama nga si Zandy dahil pati ako na-inspire sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Hindi ko alam pero napuno ng saya ang puso ko para kay Zandy dahil bukod sa akin, maraming tao pa rin ang sumusuporta sa kaniya.

"I'm happy for Zandy, chef dahil may mga tao pa rin sa likod niya na naniniwala sa kaya niyang gawin. Thank you, chef. Tama ka, mahusay si Zandy dahil sa didikasyon at pagmamahal niya sa pagluluto. Nakikita ko iyon habang nasa kusina siya at nararamdaman ko sa bawat pagkaing hinahain niya sa akin," nakangiti kong sabi na bakas doon ang paghanga para kay Zandy.

"You're lucky, Miles to have Zandy as your husband. Hindi 'yan nagdadala ng babae sa akin, unless mahalaga sa kaniya at mahal niya. Almost 2 years na rin ng magdala siya ng babae sa harap ko para ipakilala," sambit ni chef Jr.

"I'm more lucky, chef, to have Miles as my wife," sagot ni Zandy at bumaling sa akin. "She gave me strength, motivation and inspiration to pursue what I love to do. Pinararamdam niya sa akin ang suporta niya. She's the girl who taught me that if you're happy with what you're doing, then continue to do it until you feel satisfied with yourself."

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon